CHAPTER 17 - BUSTED

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ko maipaliwanag kung gaano kaganda ang lugar na'to. Isa itong napakalaking playroom na parang isang malaking bahay na. Ang taas ng ceiling abot heaven! Ang ganda pa ng designs at pagkaka-architech nito, halatang hindi tinipid leche!Sino karpintero nito? I-h-hire ko sa pagpapagawa ko ng mansion kapag nakuha ko na ang 500 million ko!

Haler, SAMPONG BAHAY YATA NAMIN ANG LAKI NITO! Para akong nagpunta sa disney land hanep.

(See picture below)


Dahan dahan akong lumakad para libutin ang lugar.

"Yuhoooo may tao ba dito?" sigaw ko sa buong lugar. Nag echo pa ang boses ko kasi nga sobrang laki nito.

"Ahooooooo!" sigaw ko pa! "Isprikiton?" sumilip ako sa isang room na punong puno ng teddy bear at stuff toy. Walang tao. "Dyther the Animal?" silip sa isa pang kwarto na puno naman ng mga figurine, wala din.

Bumalik ako sa gitna ng ma-sure kong walang Boy Isprikiton at Boy Hayop na umaaligid dito.

"So solo ko 'to?" tanong ko sa sarili ko bago ngumisi. "YESSSSSSS! SOLO KO TOOOOOOO!" suntok ko sa hangin.

Woooh! Ito yung pangarap ko nung bata ako na hindi naibigay sa akin ng magaling kong tatay! Sa panaginip ko lang 'to dati nakikita ngayon andito na akooo. DREAM ACCOMPLISHEEDD!

Tumakbo ako papunta sa slide. Nag slide ako wieeeehhhhh! Nagpunta din ako sa carousel, kumabayo ako mag isa! May pool ng maliliit na bola, tumalon ako don.

"AHHHHHHH HEAVEEENNNN!" sigaw ko habang nakalubog ang katawan ko sa pool ng maliliit na bola.

Isip bata na kung isip bata, wapakels ako! Bata pa naman talaga ako, ha! Hindi pa ako senior citizen FYI! Atsaka wala namang nakakakita sa akin dito, at kung mayroon man, pwes pake niya! Basta ako masaya ako! Mag-e-enjoy ako dito hanggat may oras pa dahil alam kong malapit na akong makalaya sa lugar na'to.

Aba, sa impyernong 'to, dito lang ako nakaramdam ng kaligayahan, kaginhawaan at kapayapaan. Susulitin ko na!

"Salamat naman daw sa kung sino mang nagdala sa akin dito! Hulog ka ng langit kahit galing ka pa sa underworld!" mwahahaha!

Kanino kaya 'tong kwarto na'to? Malamang sa alamang Ashari, kay Gali 'to. Alanganamang kay Easton Isprikiton o kaya kay Dyther to noh. Mukha bang nagka-carousel yung dalawang 'yon?

Muli kong iniikot ang tingin ko sa buong lugar habang nagsi-swimming pa din sa pool ng bola.

Ang laki ng lugar, kay Gali lang lahat 'to? May kalaro kaya siya? Masaya kaya siya dito kung wala siyang kasama??

E bakit ba iniisip mo nanaman si Gali the Chanak ha? Pake mo naman kung mag isa lang niya dito. Inggit ka?

Oo inggit ako!

Aba nung bata ako wala akong ganito. Bwisit kasi ang magaling ko Tatay. Hindi ako binibilhan ng kahit anong laruan. Paper doll nga lang laruan ko non. Punit punit pa.

Kaya ayon, palagi kong inaagaw yung paper doll ng kalaro ko. One time nga nung hindi niya ibinigay sa akin 'yung paper doll niya na gustong gusto ko, sa sobrang inis ko sa kaniya, tinusok ko ng pang play stick yung ilong niya. Ayon dumugo, sinugod siya sa clinic ng tatay niya na nang s-spoil sa kaniya.

Karma niya yon. Sobrang dimot kasi, paper doll lang di pa maibigay psh!

Dahil naalala ko ang masalimuot kong childhood, umalis na ako sa pool at naglakad lakad nalang.

Nakita ko ang isang bump car na nakalabas. Uhuyyyyy, bet ko yaaannnn! Di ko pa na-t-try mag ganyan!

Patip toe pa akong naglakad papunta doon. Nakangiting aso ako na umupo sa driver's seat. Naksss, kasyaaaa ako! Yes naman! Feeling driver.

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon