“Dito ka muna sa kwarto, at wag kang lalabas. Pagkakaguluhan ka lang sa labas.” Sabi pa nya, habang tinitignan ako, hinawakan nya ang kamay ko na puno ng dugo,

“Hindi to dugo ng ibang tao, mga tanga sila,” sabi nya pa habang pinupunasan ang dugo sa kamay ko gamit ang isang tela, tapos ay tumayo sya at kumuha ng first aid kit, para gamutin ang braso kong nagdudug gawa ng mga sugat. Nakita nya rin ang bakat ng lubid sa kamay ko, ngunit hindi sya nagtanong.

Matapos nya iyong gamutin ay kumuha sya ng ilang damit at sinabihan akong maligo at magpalit ng damit.  At sinunod ko na lang sya.

This past few days, na tila impyerno. Hindi ko alam kung me patutunguhan pa. sabagay, demonya naman na ang tingin nila sa akin. Kung masasaktan ko man lang si Alex , magiging masaya na ako.

Mababaliw na ako, sa lahat ng nangyayari. Ayoko na.

[Mira’s Pov]

“Ano? Nagbalik na si Allison?” pasigaw na sabi ni mommy Erin ng malaman nya na nakita daw sa campus kanina si Alli.

“Mukhang hindi ka masaya mommy, kahit ganon, kaibigan pa din natin si Allison.” Sabi ko pa sa kanya. She looks anxious. Alalang alala sya. Or should I say takot na takot.

“Yeah, t-tama ka.” Sabi nya pa at pinilit nyang ngumiti, “bakit hindi natin dalawin si Alli?” sabi nya pa,

“Mamaya na lang siguro mommy,” sagot ko. Kinakalma nya muna ang sarili nya.

Alam ni Allison ang lihim namin ni mommy. At kaya natatakot sya sa pagbabalik ni Alli dahil natatakot syang mabulgar ang sikreto nya. Pero higit sa lahat, ako muna ang dapat makaalam noon.

[Kristine’s Pov]

Naglalakad ako sa lobby. Halos lahat, pinagpipistahan ang balita na nagbalik na daw si Allison. Na demonya daw si Allison. At kung ano ano pa. Wala naman talaga akong paki dun eh. Lahat naman ng tao ay may kasamaang tinatago. At ng dahil kay Allison, tila nabaon na sa limot na ang totoong demonya sa campus na ito ay si Glimmer. Ganoon na lang ba kadaling mawala yun. Basta kinalimutan na lang. Ako, hindi ko malilimutan iyon. Dahil kahit lumipas man ang mahabang panahon, hindi na mababalik pa ang buhay ni Mina.

Pagdating ko sa kwarto ko, ay naabutan ko si Glimmer. Ngunit laking gulat ko ng makita ko kung sino ang kasama nya. Si Allison.

Tahimik akong pumasok sa kwarto na tila walang pakialam. Hindi rin naman nila ako pinansin. Nakaupo sa may gilid si Alli, ang mga kamay nya ay nakahawak ng mahigpit sa gilid ng kama. At si Glimmer naman ay nakikinig sa kanya. Hindi naman mukhang importante ang pinaguusapan nila kasi tinuloy pa rin nila ang usapan kahit pumasok ako.

Kinuha ko lang yung cellphone ko na nakacharge, tapos ay lumabas na din ako.

Hindi ko intensyong makinig sa pinaguusapan nila. Pero anong magagawa ko. Narinig ko na lang eh.

May sinasabi si Alli na nakatanggap daw sya ng mga package, at threats, bago sya nawala. At tiyak sya na ang nagpapaikot daw ng lahat ng iyon para takutin sya ay si Alex. Narinig ko din kung paano sya sinabihan ni Glimmer, na walang maniniwala sa kanya dahil si Alex ay isang anghel. Naramdaman ko rin ang galit sa boses ni Alli ng sinabi nyang wala na syang pakialam sa iisipin ng iba. Masaktan nya lang si Alex ay masaya na sya.

Napakagulo ng mundo dito sa Eventyr. Ano man ang sabihin ni Alli, sya pa rin ang masama sa tingin ng lahat.

Nagtungo ako sa Admin ng Eventyr. Pagkakuha ko ng cellphone ko na nakacharge. May unknown number na nagtext sa akin. May nagpadala daw ng package para sa akin at iclaim ko daw iyon sa may admin ng eventyr. Sa isang staff dito.

Siguro nagpalit ng number si Attorney. Marahil pinadalhan na naman nya ako ng mga walang kwentang libro sa kung paano magdeal sa trauma at magmoveon. Hindi ako ang baliw. Baka sya pa, o si Glimmer.

Nakuha ko yung package. Paglabas ko ng admin ay agad ko iyong binuksan. Hindi talaga sya package, parang envelope lang na parang may lamang sulat sa loob.

Binuksan ko ang sulat.

“Don’t ever lose the air of death that surrounds you. If you do, I’ll kill you.”

Ano ba ito? Tinaktak ko pa ang laman ng envelope, may mga larawan ko na nasa loob. Mga larawang tanging stalker lang ang kukuha.

Tapos ay may isa pang papel na may nakasulat.

“Christine’s Pandora’s box is now in your hands. Don’t ever open it, or your life is at stake. Will you succeed to keep the box or die out of curiosity? “

Anak ng? ano to? Tapos ay may napansin akong nalaglag na kasama ng mga larawan.

Isang susi.

Beauty is your CurseDonde viven las historias. Descúbrelo ahora