CHAPTER 13 - ZOOLOGY

Start from the beginning
                                    

Mabuti nalang talaga ang sobraaaannggg bait nitong si Dyther!

"He'll give it to you. Don't worry." sagot niya sa tanong ko at ngumiti nanaman siya sa akin. Ackkk! Ang gwapo gwapo talaga niya. Hays, kung sana ganyan lang itsura ni Tony Perez-- yung ex kong gangster wanabee- edi baka nagkakandarapa pa ako sa paghabol para lang magkabalikan kami noh. Kahit lokohin pa niya ako ng one hundred times ok na ok lang! E kaso hindi e, mukhang ebak kasi si Tony.

Pero syempre mas lalong gumwapo si Dyther nung sinabi niya na maibibigay sa akin ang 500 Million. Feeling ko siya na ang pinakagwapong nilalang sa paningin ko. Hays, 500 Million...hindi ako aalis dito hanggat hindi kita nakukuha.




*Tinininining tininining

Speaking of 500 Million...tumatawag ang magaling kong Ama!



"Wait lang ha, tatay ko tumatawag hehe." pag-excuse ko kay Dyther. Ngumiti naman siya sa akin at tumango bago uminom sa tsaa.

Tumayo naman ako at naglakad ng kaunti palayo sa table. Medyo nagawi ako sa dulo ng garden.



"Oh bakit ka tumawag?" bungad ko sa tatay ko.

"Napaka galing talaga ng anak ko, 'Yan ang ibubungad mo sa akin ha? Hindi mo man lang ba ako namiss? Hindi mo man lang ba tatanungin kung nasaan ako at kung anong oras ako uuwi? Bakit ba ganyan kang bata ka ha? Wala ka talagang galang, hindi kita pinalaking ganyan!"

Nyenyenye! Neknek mo, pinalaki mo ulo mo e palagi ka ngang wala sa bahay duhh! As if naman na pinalaki talaga niya ako noh, iniiwan nga lang niya ako kay Aling Marites nung bata ako e. Kapag talaga nakuha ko 500 Million ko, iiwanan ko lang siya ng mga 10 million sa bahay tapos hindi na ako magpaparamdam sa kaniya kahit kaylan. Pasalamat na siya at iiwanan ko pa siya ng 10 Million. Pakunswelo na din sa sperm niya na ipinutok niya sa kaloob looban ng nanay kong nasa heaven at bumuo sa akin. Hmpf, magkalimutan na kaming mag-ama!



"Matutuloy ka bang umuwi ngayon?" tanong ko nalang sa lahat ng tanong niya sa akin.

Hindi niya kaagad ako sinagot, narinig ko na may kausap siya doon sa kabilang linya. Hindi ko naman maintindihan ang pinag-uusapan nila kasi choppy choppy na. "Kaya nga tumawag ako sa'yo kasi sasabihin ko na hindi ako matutuloy umuwi. Na-extend ng two weeks ang byahe ko. Papadalhan nalang kita sa pera padala kay Marites. Kuhanin mo nalang sa kaniya. Apat na libo 'yon, pagkasyahin mo ng two weeks ha! Wala na akong maibibigay sa'yo, sagad na'yan."

Humigpit ang hawak ko sa cellphone. Hindi ako sumagot.



"Hoy Ashari, nandiyan ka pa ba? Magsalita ka!"



"Bastos talaga 'tong batang 'to. Napipe ka ba o sadyang binge ka na?"



"Bahala ka na kung ayaw mong magsalita! Sige na, ba-byahe na ako! Kayang kaya mo na sarili mo."



Hindi ako umiimik, ibinaba na niya ang tawag. "Iyong iyo na apat na libo mo!" bwisit kong bulong sa cellphone. "Walang kwentang Tatay bwiseeeet!!!!!" argghhhhh! 5 Million! 5 million nalang ang iiwan ko sa kaniya hindi na 10 Million! Tutal wala naman siyang kwentang tatay! NAKAKA-INISSSSS!



Sa sobrang inis ko, nagpapadyak na bumalik ako sa table. Nakalimutan ko ng nagpapanggap nga pala ako na mabait at caring akong tao kaya naman nung makita kong parang naguguluhan ang mukha ni Dyther na nakatingin sa akin, agad akong ngumiti ng napaka tamis.

"Hehe, ubos mo na pala tsaa mo." segwey ko nalang sa kaniya.

Tumingin siya sa tasa niya at ibinalik ang tingin sa akin. "Yup, ubusin mo na din 'yung sa'yo. I'll tour you around in the most beautiful place here in Marchese's para hindi ka mabagot dito."

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now