Simula

2K 77 16
                                    

Polo

Camera's flashing everywhere. Nakakasilaw, ang sakit sa mata. Pero heto ako, todo ngiti sa bawat isa sa kanila.

"Polo, pose for us please." Demand nila na agad ko namang ginawa.

Being one of the highest paid models is tiring. Kailangan maganda lang ang image mo sa mata ng bawat isa at yon ang mas nakakapagod.

Hindi ko naman na kinailangan pang magtagal sa red carpet at tumuloy na ako. It's funny how I'm attending the fashion show na tinurn down ko ang invitation para maglakad para sa kanila.

Pero hindi ako sa isa mga model na maglalakad at ibibida ang bagong collection ng mga brands. I'm just a frontline tonight.

"You're back to your serious face again." Napatingin ako sa humahangos na taong biglang tumabi sa akin habang papunta ako sa naka assign na uupuan ko.

"And you're back to your nagmamadaling pagkatao again." Pambawi ko naman sa sinabi niya. Pilipino din naman ang isang to kaya ayos lang magtagalog.

"Balita ko uwi kang Pinas ah." Nakaupo na kami sa kaniya kaniyang upuan ng magsalita siya ulit. As usual katabi ko na naman ang kulukoy na to.

"Balita mo lang 'yon." Saka ko siya inirapan kahit totoo naman ang sinabi niyang uuwi ako ng Pinas. "You know naman na every chismis na lumalabas tungkol sa akin is not a fact."

"And you're back to your conyo personality again." Saad nito na hindi pinapansin kung ano ang mga sinabi ko. Pagkaconyo ko pa talaga ang napansin. "But seriously, are you really going back? I mean it's been so long."

"Tumahimik ka na nga Gil. The fashion show is about to start." Frontline kasi kami, actually inimbitahan kaming dalawa na sumali sa runway pero tumanggi ako at tumanggi rin itong katabi ko ngayon sa hindi ko malamang dahilan.

Tomorrow kasi ang balik ko ng Pinas. "Are you really going to avoid my question? Yes or No lang naman ang sagot sa tanong ko, kung uuwi ka ba talaga ng Pinas? Atsaka hindi yon tsismis kasi ang manager mo mismo ang nagsabi sa akin kaya daw hindi mo tinanggap ang invitation ng fashion show na to kasi uuwi ka raw."

Iba rin talaga ang lalaking 'to. "How about you? Why did you turn down the invitation? Dapat andiyan ka ngayon naglalakad." Nagbubulongan lang kami. Imposible naman kasing hindi rin siya inimbitahan.

"Napaaga kong nalaman na hindi mo tinanggap ang invitation nila eh." Sagot nito.

"So you didn't join because of me?" Pag aasumme ko. Parang yon din naman kasi ang pinapahiwatig niya sa sinabi ni eh.

"No. I just want to accompany you today. What friends are for diba."

"Pareho rin yon baliw ka ba."

"Okay, sabi mo eh." Saka ito nagkibit balikat.

Kanina pa nagsimulang maglakad sa runway ang mga model kaya tinuon ko na lang sa kanila ang atensyon ko. Baka rin may magustohan ako sa collection nila ngayon.

"I'm going to Philippines to attend school reunion." Pagsasalita ko matapos lumabas ng huling model. Tapos na rin ang fashion show kaya tumayo na ako para makabalik na sa hotel.

"So babalik ka rin agad ng New York ngayon?" Napaikot naman ang mga mata ko sa tanong niya. "You know, to get your things."

"You know what Gil, hindi ko alam na boang ka." Saka ko siya nagmamadaling iniwan, gusto ko na lang magpahinga. Wala rin kasi ako maayos na tulog this past few days dahil sa shoots, covers at iba pang ganap sa buhay modelo ko. "I'm going to my hotel, I'll be staying here, TOMORROW ang flight ko." Saad ko ng maabutan niya ako with emphasizing the word tomorrow. Alangan naman kasing pagudin ko pa ang sarili kong bumalik sa NY para lang kunin ang mga gamit ko.

VS3: Kenry Zoleigh Vergara (BxB) (On-Going)Där berättelser lever. Upptäck nu