CHAPTER 11 - DON'T PULL THE TRIGGER

Magsimula sa umpisa
                                    

Hui, bakit ang gwapo niya? 'Yung itim na itim niya na buhok na nakabagsak lang, 'yung panga niya na kapag nag-iigting sa galit lalong nadedefine. 'Yung labi niya na mamula mula at 'yung kilay niya na lalong nagpagwapo sa kaniya.


Tsk, bakit ba may ganitong kagwapong nilalang? Sayang naman kung mapapatay ko lang siya dahil sa inis ko sa mga pagmamaltrato niya sa akin!!!


"Why do you have Gali?" tanong niya.




"Direct to the point." sagot ko.



Nagkunot naman siya ng noo. Ako naman nakatulala lang sa gwapo niyang mukha. "What?" masungit niyang tanong.


"Direct to the point." muli kong sagot habang nakatulala.

Lalo siyang nagkunot ng noo. "Are you playing with me?" madiin at may halo ng galit niyang tanong sa akin.


"Direct to----"


"Shut up or I'll shut your mouth forever!" nagising ako sa realidad ng buhay ng biglang maglabas ng baril si Isprikiton prikitik!


"Sabi mo kasi direct to the point ang isasagot ko sa lahat ng tanong mo. Sinunod lang naman kita ha! Ano bang mali sa sinabi ko?" reklamo ko habang nanlalaki ang mga mata.


Hindi siya sumagot. Ikinasa niya 'yung baril kaya mabilis pa sa kisap mata kong itinikom ang bibig ko.

"Shabi kho nga shashagot na ako ng maayosh." sabi ko habang nakasara ang bibig.


"I told you, I am an impatient listener Ashari."


Tumango nalang ako. Walanjo, ibaba mo na 'yang baril mo please lang! Baka mamaya niyan mapindot mo 'yan ng hindi sinasadya edi tegibumbum pa ako.



"So let me ask you again." he said in his deep voice. Oh, bakit hawak hawak pa din niya 'yung baril??? Pinaglalaruan niya ito sa daliri niya. Nakalimutan na ba niya na nakakasa 'yon? Mahihimatay yata ako dito bago ko masagot mga tanong niya. "Why do you have my son, Gali."


Hindi umaalis ang tingin ko sa baril na umiikot ikot sa mga daliri niya. Binabantayan ko baka mamaya biglang pumutok e, iiwas agad ako. "Kumatok siya sa pinto ko." sagot ko habang nakatitig sa baril.


"Are you kidding me? I'm telling you again, i am not a patient --"



"Tatanong tanong ka tapos di ka naman maniniwala sa isasagot ko. Nag-aaksaya lang tayo ng laway dito. Pauwiin mo na ako bilis." inalis ko na tingin ko sa baril kasi feeling ko nanlalambot ang tuhod ko kada sasalat yung daliri niya sa trigger. Walanghiya. Magkaka sakit ako sa puso ng wala sa oras nito e.


He grabbed the gun at ibinalik na niya ito sa bulsa niya sa likod. Doon ako nakahinga ng maluwag.


"He knocked. Then what happened?" he asked, ngayon medyo kalmado na siya. Ako naman ang nagsisimula ng mairita!

Ngayon ko narerealize na bakit ba kaylangan kong sagutin ang tanong ng isang 'to e dapat nga bigyan na niya ako ng parangal at pabuya dahil nailigtas ko anak niya.


Umirap nalang ako bago sumagot. "Pagkatapos niyang kumatok sa pintuan ko, pinapasok ko siya kaagad dahil naawa ako sa kalagayan niya. Ang dungis dungis niya..." amoy imbornal pa. "Inalagaan ko siya, kinupkop, minahal, inaruga ng tama, pinakain ng tama, pinatulog sa tabi ko at hindi iniwan ng mag isa!" pagmamalaki ko kay Isprikiton. "Pasalamat ka, mahal na mahal ko ang anak mo at hindi ko siya pinabayaan." dagdag ko pa.

Pinilit ko ang mata ko na magluha, inalala ko ang mga masasakit kong nakaraan para talaga magmukhang makatotohanan ang mga sinasabi ko.

Lumambot naman ang tingin ni Isprikiton sa akin. Napangisi ako sa utak ko. Hihingi ako sa kanya ng pera kapalit ng 500 million tutal mukha naman silang mayaman noh.

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon