Kabanata 34

1.5K 49 19
                                    

"Ohmygosh ate!"

Halos talunin ko ang distansya namin ni Ate Donna sa tuwa na nagkita ulit kami! After almost a freaking decade!

"Naku Hannah! Nakakahiya-"

She curled when I hugged her like she's melting. My lips parted. I felt ashamed for a moment. Don't she want to hug me?!?

I calmed myself and slowly let her go. 

"Oh I'm sorry-"

"Hindi... hindi... kase, diba? Ang sikat mo na... lodi na nga kita eh... kaya nagulat akong nakilala mo pa ako..."

Nanlaki ang mata ko. She even really looked shy! Nakakagat labi siya at mukhang amaze na amaze sakin. How cute!

"Why would I not recognize you?!? Ang daming nangyari, yes, but I am still the same old Hannah you knew!" 

Unti-unti ay ngumisi siya.

"The old Hannah? So you're still... into Khalil?" she raised both of her brows

Napatanga ako. I unconsciously moved my head to look at Khalil at nagtama nga ang mga mata namin. Hindi niya inurungan ang titig ko, may baon pa nga siyang mapagmalaking ngiti.

"Wew. Nagtitigan pa nga." sumipol si Ivan

"Alam mo ikaw, panira kang unggoy ka eh!" hinampas siya ni Ate Donna sa dibdib

"Babes ikaw, chansing ka ah! Kanina ka pa. Mamaya na! Nakakahiyang gawin 'yun dito sa-"

"Yuck! Gago ka talaga!"

Natawa ako dahil nagets ko ang ipinahiwatig ni Ivan. Pulang-pula kase si Ate Donna.

"Pero pwede naman siguro. Diba, bro? May spare room ka ba-"

"Hoy maghunus-dili ka nga! Nakakahiya ka!"

Pairap namang bumaling si Khalil kay Ivan.

"Tarantado ka Van. Gagawin mo pang motel 'tong condo."

"Pero bro, nag-come back talaga kayo? Speed mo naman!"

I heard Khalil's soft curses.

"Kayo na ulit?" segunda ni Ate Donna

Agad akong umiling. 

"Uh, hindi."

She gave me that 'weh?' reaction. 

"Huh? Eh bakit ka andito?"

"Jack en poy, lang bro?"

Nilingon ko uli si Khalil at mukhang naiirita na siya kay Ivan. He gave me an apologetic look, tho.

"Don't you want to get in?" 

Oo nga, dito pa talaga kami nagkwentuhan sa hallway.  

"Han, tara." 

Hinawakan ako ni ate sa braso at hinila papasok. Pinigilan ko naman siya.

"Uh ate, pauwi na ako eh." 

Natigilan siya, sina Ivan at Khalil din. 

"Huh? Ang gulo mo. Isn't this your house too?"

Lalo lang akong nahirapang mangapa ng salita. Ganun ba ka hindi kapani-paniwalang nag-break kami ni Khalil?

"Interviewer ka ba babes? Dami mong kuda eh!" 

Inirapan ni Ate Donna si Ivan at nawala sa topic kaya nakahinga ako ng maluwag. 

Come Home To You (Book 1 of You Trilogy)Where stories live. Discover now