Kabanata 32

1.3K 43 3
                                    

Huminga ako ng malalim at nag-iwas ng tingin. Unti-unting kumabog ang puso ko hanggang sa halos mabingi na ako sa tibok nito. 

Wow.

The world must be so small, huh?

But wait. Shit. Hannah si Kala! Nabangga mo si Kala! Iyon ang atupagin mo! Ano ba?!

"Give her to me," I heard him

Agad kong ibinigay si Kala sa kanya nang hindi siya nililingon. He went straight to his car, I think. Ako naman ay bumalik sa aking sasakyan at sinundan siya. 

Nahimasmasan ako sa nangyari. Ni hindi ko nga alam kung nanaginip lang ba ako, o ano. Sana nga, no? Sana panaginip lang. Sana hindi ko nasaktan si Kala. At sana, hindi ko nalang siya nakita.

I miss Kala and Bala so bad. I've been longing of seeing them. I can actually, but I wasn't able to do it because seeing Khalil made me restrain myself.

Nakakaguilty lang din na natiis ko sila dahil ayoko talagang makita si Khalil. But then, what can I do, right? Takot ako noon na baka.... baka kapag nagkita kami ulit, magkumahog akong bumalik sa kanya. That is just so unfair. I won't drop down my dignity for him. 

Nanginig ang aking kamay nang makita si Kala na ineexamine ng mga attending veterinarian. Mabuti at meron pang bukas na clinic. Si Khalil naman ay mukhang nagulat na sumunod pa ako. 

He can't expect me to run away after what happened. Kahit na gustong-gusto kong talikuran siya, importante parin si Kala. Ni hindi ako papalag kung kakasuhan niya ako, o ano.

"We need to run tests on her insides. Kailangan ma-examine ang nangyari sa hita niya. I'm afraid it's fractured." 

Nanghina ako nang marinig ang veterinarian. That's not impossible. Duguan si Kala at mahina nang isugod dito kaya hindi malayong may nabali o ano. I'm just hoping it's not serious.

"Do what you need to do, Doc. We'll be right outside." si Khalil

Nauna na akong lumabas at naupo sa maliit na bench. Ang mangilan-ngilang napapadaan ay napapalingon sa'kin. I can't give them smile tho. Hindi ko kayang ngumiti sa sitwasyong 'to.

I am fucking guilty. And afraid. Afraid I might give my baby a serious problem. 

After two years, magkikita kami dahil dito? What a terrible way to meet each other again!

"Hey,"

Nahigit ko ang aking hininga nang marinig si Khalil. He's standing by the bench where I'm sitting now. Nakayuko siya at mataman akong tinignan. 

I almost couldn't recognize his voice. It's deeper and colder. Dalawang taon lang naman ang nakalipas, bakit parang ang dami nang nagbago?

Sa bagay, marami nga naman talaga. Sa pisikal palang na anyo niya, visible na visible na ang 'change'. Matangkad na siya noon pero mas matangkad na siya ngayon. He's so tall, I doubt I reach his shoulder. Mas naging matikas rin siya. I can sense his bulky muscles inside his pull-over.

Unlike what he usually wear before when outside, he sported so casual. Naka-black pull-over jacket, gray jogger pants at puting sapatos. Very opposite of what I'm wearing right now. 

I looked away. I can't believe I'm thinking about this during the current situation.  Hindi ko na alam kung anong uunahin. 

"Ayos ka lang?"

Kumirot ang puso ko, hindi ko alam kung bakit. 

"How do you manage to ask me that when you know I nearly killed... Kala?" I gritted my teeth

Come Home To You (Book 1 of You Trilogy)Where stories live. Discover now