Kabanata 20

1.5K 52 6
                                    

"Where are you going?" 

Natigil ako sa paglalakad nang marinig si Khalil. Nilingon ko siya. He's on the couch, nakaupo na ngayon. Akala ko tulog na, napansin parin pala ako.

"I want to eat. I can't sleep eh." 

Past 12 na ata pero hindi talaga ako dinadalaw ng antok. Maybe because after kong mag unpack kanina ay natulog na ako. My stomach's growling din. 

Kai stood up and went to me. Naka-tsinelas na siya ngayon dahil malamig at ang buhok ay gulong-gulo. He looked very casual, yet sexy, nonetheless.

"Saan ka pupunta?" taka kong tanong

His scent attacked my nose. Sa bango, kamuntikan ko pang masinghot sa isang sobrang obvious na paraan. Gosh.

"I'll join you." 

Nanlaki ng bahagya ang aking mata. 

"Hindi, okay lang ako. Matulog ka nalang-"

"Let me cook for you, Hannah." he said with a hint of conviction

I sighed. Ayokong makipagtalo sa kanya ngayong dis-oras ng gabi, lalo pa at mapupungay ang madilim niyang mata. Sa tingin niya palang, talo na ako eh.

"What do you want?" he asked me while we were both in the stairs

Nahihiya ko siyang nilingon. 

"Burger sana pero pwede namang kung ano lang ang available." 

He bit his lower lip as he nod. Nagpatiuna na siya sa'kin. The moment he reached the kitchen, he rummaged the fridge and started pulling out ingredients. Ako naman ay nagpasyang magtimpla ng kape para may ambag kahit papaano.

"May trabaho ka bukas, right? Baka ma-late ka..." worried kong sinabi

Sa aming dalawa, siya etong parating nauunang magising. I noticed he's a morning person. That is probably why he is successful. Sabi kase nila, ang mga taong maaga gumising ay most likely nagtatagumpay sa career.

I placed our cups of coffee in the counter island. Naupo naman ako sa high chair habang nakamasid lang sa kanya. Nakakahiya ha, I feel useless. Well, sa kusina, I can't deny na useless naman talaga ako. Should I enrol to a cooking class na? 

"Don't worry. I'll take care of it." 

"What can I do to help ba?"

He stared at me while chopping herbs. Nag-panic ako dahil baka mahiwa niya daliri niya!

"Don't stare at me too much," 

"Hey! Eyes on the knife nga kase! And what? I'm not staring at you kaya! I'm watching your moves."

Does that make a difference?

"U-huh," his lips rose. Nag-iwas siya ng tingin at nag-focus sa ginagawa, like an obedient puppy. 

"Why do you have so many ingredients? Are you planning to impress me that much?" I smirked

"This is for the patty. I'm making a vegan burger with pesto." 

My mouth formed 'O'. Kaunti nalang talaga ay iisipin kong nagpapa-impress siya.

Or is it just you again, Hannah?

Hindi pa nga nagpapa-impress, manghang-mangha ka na. Gosh.

"Ten minutes lang 'to," he added

Tumango ako habang inisa-isa ang nasa harap. Walang karne at tanging gulay lang. May mga sahog pang hindi ko mapangalanan dahil hindi ako pamilyar. 

Come Home To You (Book 1 of You Trilogy)Where stories live. Discover now