"Hi, baby.. ipinagluto na kita. Alam kong gutom ka na." sabi niya at inilapag sa center table ang dalang tray na may lamang isang platong kanin na medyo naparami yata,dalawang klaseng ulam at may hiniwang hinog na mangga at strawberry. May tubig sa may kalakihang baso at pineapple juice naman sa isa pa. Mayroon ding dessert na fruit salad.

"Andami naman yata nito, babe?"

"Share tayo, hindi pa rin ako kumakain eh.. gusto ko sabay tayo." nakangiti pa niyang sagot .

At ganun nga ang nangyari, kumain kami sa iisang plato. Uminom sa iisang baso. At masarap din naman syang magluto. Naubos namin lahat ng dinala niyang pagkain at ako na ang may bitbit ng pinaglagyan ng sabay kaming lumabas ng computer room.

Wala akong makita kahit isa sa mga kasama namin. Ngunit may mangila ngilang mga lalaki sa paligid na lahat ay nakaitim. Siguradong mga pawn sila. Marami rin sa kanila ang nasa glass house. Nagmamasid at nagmamatyag. Nagbabantay sa anumang panganib na darating.

Maya maya ay inipon kaming lahat ni Ash. Nasa living room kami ngayon at pinag usapan ang nangyari.

"You have to leave this place."

Nagkatinginan kaming lahat sa sinabi ni Ash.

"What do you mean?" tanong ko.

"I'll bring them to Isla del Luna." Ice voluntered.

Isla del Luna?

May pag aari silang isla? Just how rich this family is?

"Or in my island." Flame cut off.

"My island  have more tight security than yours, baby boy."

"Honey Flame, you have an island?" panlalandi na naman ni Jin na agad nakapulupot ang braso sa braso ni Flame.

"Jin, my apple pie.. i hate to say this  but please wag mo na ako landiin." sagot nito na hinawakan pa ang braso ni Jin na nakapulupot sa kanya.

Kunwari naman ay mangiyak ngiyak ang autistic na may pagpahid pa ng  invisible tear sa gilid ng mga mata.

"What do you mean? You've found someone else? Iiwan mo na ako?" garalgal pa ang boses at sisingho singhot na tanung nito.

Sobrang lungkot naman ang mukha ni Flame na bumuntong hininga pa na sinabayan ko rin ng malalim na paghinga dahil sa frustration sa kanilang dalawa.

"Panget ba ako? Kapalit palit ba ako? Then why?" drama pa ni Jin.

"Liza is that you?" sumali na si Jack.

Nakita kong tatawa tawa lang na nanunuod at umiiling iling pa sina Ice.

"It's not you, it's me." lulugo lugong yumuko pa si Flame na napakalungkot ng mukha na akala mo pinagsakluban ng langit at lupa.

*Pak.

Sinapok sya ni Britney.

Na nagpataas ng kilay ni Ash.

"Stop this craziness before i break your bones. " Britney hissed.

"See that, bebe kong Jin? Hindi ko na pag aari ang katawan ko. Im so sorry." banat ulit ni Flame na hinawakan na ang kamay ni Britney na hindi naman tumutol.

Alright. Shoot.

Bumagsak ang mga balikat ni Jin, parang natalo sa lotto.

Bigla ring nagliwanag ang mukha at kay Ash tumingin.

"So, Ash.. you were saying?"

Tsk. Autistic talaga.

Samantala sina Britney at Flame ay nagbubulungan na at panay ang hagikhikan.

Ash of FireWhere stories live. Discover now