CHAPTER 9 - GUNS AND STARES

Depuis le début
                                    

Or should I say, ano ba sila? Goons? Undercover agent?

Kakatawa, akalain mo 'yon ngayon nag sisink in sa utak ko ang madaming tanong.

Bakit may mga man in black? Bakit gusto nilang kuhanin si Gali? Bakit may baril sila ha? Registered ba 'yan o smuggled? Mga sindikato ba sila? Nakoo, dapat pala i-vinideo ko ang mga nangyari. For sure pag in-upload ko yon sa fb, viral yon. Lam mo na, gusto ng mga tao chismis. Edi instant sikat pa ako diba, bet na bet ko yon.

"Mamha." narinig ko ang boses ni Gali mula sa ibaba. "Where't Mamha?" tanong niya sa ama niya.

Susginoo. Huwag mo na ako hanapin bata ka! Lumayas na kayo para makapag pulot na ako ng mga kayamanan ko!!!!

"Who, Mama?" takhang tanong naman ng ama niya sa kaniya. Tumango tango si Gali. Hanggang dito sa thirdfloor kitang kita ko pag-alog ng pisngi niya! Sarap lamukusin bwisit. "Son, your Mama's in heaven. Wala siya dito."

"Noo! Mamha is here." ipinilit pa nga ng chanak. Iginala niya ang tingin dito sa third floor. Alam niya na nandito ako. Kaagad akong nagtago. Yumuko ako kahit alam ko naman na kikita pa din ako sa likod ng rehas. Leche naman...ang gusto ko lang naman lumayas na kayo! Iwan niyo na ako mag isa ditooooo para masolo ko na pera ko!!!

"MAMHAAAAA! THERE YOU ART MAMA! PAPA, MAMA IT THERE ABOVE." nakuyom ko ang kamao ko ang ihinampas ito ng tatlong beses sa sahig. Bwisit kang chanak ka!!! Hindi mo ako Mama kaya patahimikin mo na buhay kooo!

At dahil alam ko na nakita na ako, nakasibangot ang mukha akong tumayo. Pinagpag ko ang pantalon ko bago ako humarap doon sa ibaba.

Nakatingin sila lahat sa akin. Miski yung mga nakaposas --kulang nalang patayin nila ako sa tingin nila ha-- syempre maliban nalang sa mga walang malay noh. Tusukin ko mga mata ng mga nakaposas na'yan e.

"Mamhaaaa!" tuwang tuwa na tawag sa akin nung Chanak. Naka taas na ang dalawang braso niya at nag aaya ng magpabuhat sa akin e kitang buhat buhat nga siya ng ama niya. Aba respeto naman sa ama mo bata. Baka isipin niya na mas love mo ako kaysa sa kaniya.

Tiningnan ko sila isa isa bago ako nag flip ng buhok. Umirap ako at mabilis na bumaba sa hagdan.

Naabutan ko pa yung walang malay pa din na man in black na hinampas ko ng case kanina.

Luh, bahala ka diyan. Sweet dreams!

Nilampasan ko siya at nagtuloy na.

Pagkababa ko, kaagad kong nasalubong ang mga tingin nila sa akin.

Hindi ko mabasa mga tingin nila, basta ang alam ko mga armado silang lahat. Bumagal tuloy ang paglakad ko. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanila. Malay ko ba kung bigla nila akong barilin diba? Hindi ko naman sila kilala. Hindi ko nga alam kung ano sila e.

Naglakad lang ako mg hindi pinuputol ang tingin sa kanila. Dire diretsyo ako papunta sa suitcase na nakalapag sa sahig. Nakafocus lang ang mata ko sa kanila.

Lumuhod ako. Binuksan ko ang suitcase-- ang hirap buksan dahil hindi ako nakatingin dito. Sa mga armadong lalaki ako nakatingin.

Pagkabukas ko ng suitcase, isa-isa kong dinampot ang mga pera na malapit sa akin. Take note, hindi ko pa din inaalis ang tingin ko sa kanila at ganoon din sila sa akin. Walang kumukurap. Walang gustong magsalita. Tila nagpapakiramdaman kaming lahat.

Dahan dahan kong inilagay sa suitcase ang pera na nakuha ko. Ang sakit na ng mata ko!!! Hindi na ako nakatiis, leche wala talaga gustong mag alis ng tingin!

"Wait lang ha! Wait lang, kukuhanin ko lang mga pera ko. Mamaya ako makikipag eye to eye sa inyo. Mabilis lang 'to!"

Akmang kikilos pa sana ako ng bigla kong marinig ang sabay sabay na pagkasa nila ng mga baril at ang sabay sabay din na pagtutok ng mga ito sa akin.

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant