Napangiti ako, ayaw niya talagang bitiwan ang kamay ko.Hindi ko napigilang ilapit sa mga labi ko ang magkahawak naming kamay at masuyong hinalikan ang likod ng kanyang palad.

Nilingon naman niya ako ng may matamis na ngiti.

Namangha ako sa loob ng kwartong pinasok namin ni Ash. Isa pala yung computer room. Anim na malalaking computers ang magkakadikit sa taas habang apat na laptops naman ang magkakatabi sa baba. Lahat ay bukas. Sa tingin ko ay mga cctv yun ng buong bahay.

Sa gilid ay mayroong malaking monitor na mas maliit lang ng konti sa mga regular na telon sa mga sinehan. Sa ibaba ng monitor ay mayroon lamang keyboard at mouse na nasa harap ng isang swivel chair.

Humila ng upuan si Ash at itinabi sa upuang de gulong na kanyang inupuan pagkatapos. Umupo naman ako sa upuang hinila niya at panay lang ang tahimik na pag sunod ng tingin sa kanya.

Ang cellphone na hawak ay ikinonekta niya sa isang wire na kalaunan ay nalaman kong speaker pala dahil narinig ko na ng malakas ang boses ni Aero.

Patuloy pa rin sila sa pag uusap na hindi ko maintindihan. Inalis niya na rin ang pagkakahawak sa kamay ko upang makagalaw ng malaya ang dalawa niyang kamay.

Manghang mangha ako kay Ash, habang nakikipag usap sa telepono ay mabilis ang pagtipa nito sa keyboard habang ang mga mata ay hindi inaalis sa monitor. Sa pagkakaunawa ko, ginagabayan niya si Aero ng daan na ang sasakyan ay ang syang nakikita ko ngayon sa monitor na tinutugis ng dalawa pang kotse.

Ano pa ba ang hindi mo kayang gawin, Ash?

"Alright." tuwang tuwa niyang sigaw ng makitang nailigaw na ni Aero ang humahabol. Tapos ay bigla niya akong hinarap.

"Baby, can you hug me?"

Ngumiti ako ng tipid at walang imik na niyakap sya.

"Im scared, Fire."

Nagulat ako.

"Dont be. Matatapos din lahat ito. Ikaw pa ba? Ikaw ang pinakacool na babaing kilala ko. And i will always be here for you."

"No. Im not scared of that except one thing.You leaving me is what i fear the most. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip mo. Ngayong nalaman mo na ang pagkatao ko. Natatakot akong iwan mo ako."

Yun ba ang ikinakatakot niya? Oo, ng marealize ko kahapon ang lahat ay nag isip ako. Ngunit hindi sumagi sa isip ko ang talikuran siya at iwan.

Naisip ko kung nakapatay na rin ba sya? Bilang sya ang reyna, nakakaya ba niya nag napakalaking responsibilidad? Hindi lang isang bansa ang kanyang nasasakupan,ngunit buong mundo kung saan may miyembro ng Blood Moon. Paano niya nahahati ang oras niya? Nakakakain pa ba sya? Nakakatulog ng maayos? Sa kanyang abilidad at kakayahan, bilang normal na tao siguradong matinding training ang pinagdaanan niya. Paano niya yun nalampasan? Nasaktan ba sya? Nagkasugat.? Sana ay kasama na niya ako nung mga panahong yun.

Hanggang sa dumilim kahaoun ay yun ang mga naiisip ko. Nagtatalo ang loob ko kung itatanung sa kanya ng diretso ang mga yun o hahayaan ko na lang ba syang magkwento?

Bago ako nakatulog kagabi ay nakabuo ako ng desisyon na hihintayin ko nalang syang magkusa. Ang magagawa ko na lang sa ngayon ay suportahan siya, alagaan at mahalin ng sobra.

Kaya naman ng magising ako kaninang umaga ay maaliwalas na ang pakiramdam ko.

Na bigla na naman  napuno ng pag aalala dahil sa nagyari kanina lang.Napuno ako ng takot.Hindi ko alam ang gagawin ko pag may nangyari sa kanyang masama.

Ibang side naman ni Ash ang nakita ko. Para itong action star na nakipagpalitan ng putok sa mga humahabol sa amin kanina. Halatang gamay niya ang pag gamit ng baril.

Ash of FireWhere stories live. Discover now