CHAPTER 2 - FIVE HUNDRED MILLION

Start from the beginning
                                    

"Itaas mo paa mo alisin ko na tong short mong gusgusin." itinaas naman niya ng magkasunod ang paa niya. Kinuha ko na ang short at isinama doon sa tshirt niya.

Kumuha ulit ako ng tubig at muling binuhusan ang chanak. Mukhang dapat pala pinabasbasan ko muna tong tubig. Para incase na may dalang masamang elemento tong chanak na'to e mataboy.

Gumuhit sa baba yung maitim na katas mula sa pampers ni Chanak. Nakakakilabot leche. Parang kampon lang ng kadiliman na binuhusan ng Holy Water e.

At dahil ayaw ko na ding makita ang itim na katas, tinanggal ko na ang pampers.

Pagkatanggal ko ng pampers ni Chanak, hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"HAHAHAHHAHAHA SUPOT!"

Humagalpak ako ng tawa sa maliit niyang putotoy.

Nagdilat naman na ng mata si Chanak at nagtatakang tumingin sa akin. "Taya (saya) ti (si) mamha, taya din ato." tapos nakitawa na siya sa akin.

Wala na, nakitawa na yung chanak ayoko na, nawala na ako sa mood!

Sumibangot na ulit ako at sinimulan ng sabunin ang lower part niya. Hay buhay never in my entire life na naisip kong magiging taga paligo ako ng gusgusing bata.

"Kung sino man magulang mo, sana mabilaukan sila ngayon mismo!"


(A/N: Nabilaukan nga 'yung tatay nung bata HAHAHA)


--

"Mamha buhat mo ato! Buhat. Buhat!"

Poker face na tinitigan ko ang chanak na naka-upo sa sala set. Nakataas ang dalawa niyang braso at inaabot ako. Gusto nanamang magpabuhat kitang napipilitan na nga lang akong alagaan siya.

Pinasuot ko siya ng pinaka maliit ko na size ng tshirt pero para pa din siyang nakadress. Wala akong maliit na short kaya kapag nakaupo siya, sumisilip putotoy niya. Umuulan pa kaya hindi ko pa siya mabilhan ng diaper.

Buti naman at mukha na siyang bata ngayon.

"Buhat Mamha." nagpuppy eyes pa. Duh, di mo ako madadala sa ganyan.

"Buhat mo mukha mo! Huwag kang iihi dito sa salas ha. Subukan mo lang umihi itatapon kita pabalik sa labas."

Hindi naman niya naintindihan sinabi ko, nginitian pa ako ng loko. Bwisit nag aaksaya lang ako ng laway sa chanak na'to e.

"Cocomelon." ayan, diyan siya magaling! Nakita 'yung tv tapos tinuro.

"Nanonood pala ng cocomelon mga chanak." inirapan ko siya pero kinuha ko pa din yung remote. Kesa magpabuhat siya, manood nalang siya.

Binuksan ko 'yung tv.

"Cocomelon, cocomelon, wala dito non! Ayan, balita panoodin mo!"

Dahil wala namang internet sa bahay at data lang gamit ko sa phone, wala din kaming cable, ayan magtiis siya sa balita. Balita na pang hapon.

Kung nandito si Tatay panigurado makikipag unahan pa yon. Gustong gusto non mga balita e.

Kita mo 'to, hindi naman nanood! Pero buti nalang at hindi na nangulit yang batang chanak. Nanahimik na siya don habang nilalaro niya yung winnie the pooh ko na stuff toy. Ipinalit ko muna sa teddy bear niyang makutim na nakababad pa sa sabon.


"BREAKING NEWS: PATULOY NA IPINAGHAHANAP ANG BATANG SI GALILEO ARTHFAEL MARCHESE O MAS KILALA NA "GALI". NARITO ANG ILAN SA KANIYANG LARAWAN. LIMANG DAANG MILYONG PABUYA ANG IGAGAWAD SA KUNG SINO MANG MAKAPAGTURO KUNG NASAAN SI GALI. IPAGBIGAY ALAM LAMANG AT TUMAWAG SA NUMERONG 454 SA PINAKAMADALING PANAHON."

Finlash isa-isa ang picture nung batang nawawala. Hanep, napakaswerte naman nung makakapulot sa bata na'yan. 500 Million lang naman yon! Nako, kung ako 'yung nakapulot sa bata na'yon? Papadagdagan ko pa ng kahit mga 100 million para 600 million na! Buhay na ko non gang pagtanda. Hindi ko na kaylangang mag-aral pa! Manonood nalang ako ng kdrama habang buhay.

Teka....



Saglit nga...

Nag flash pa ng ilang pictures sa tv screen. Bigla akong napalingon kay chanak na busy sa pakikipaglaro kay winnie tapos ibinalik ko ulit tingin ko sa tv. Balik ulit kay chanak. Balik ulit sa tv.


Bigla akong napatalon sa pagkakahilata ko ng mapagtanto ko na magkamukha ang bata na nasa balita at itong si chanak--este si five hundred milyon!



"FIVE HUNDRED MILLIONNNNNN!" kaagad akong tumakbo papunta kay five hundred million pesoses!!!


Kinuha ko siya at binuhat! "Woooohhh! MAYAMAN NA AKOOO!" for the first time ngayon lang ako naging ganitong kaligaya!

"MAYAMAN NA AKO FIVEHUNDRED EM!" sigaw ko kay 500M, hindi na chanak tawag ko sa kaniya. 500M na! Woot woot.

Hinalikhalikan ko ang 500 Million ko, hinagkan at inamoy amoy pa talaga. "Hmmm, ang bango bangooooo amoy langit!!"



"Mamha i yab you!" nakangiti niyang sabi sa akin.


"Naks, i love you too 500 Million koooo!" sabi ko sabay kiss sa pisngi niya.

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now