"Akala ko po, si Tito Andrew ang nagpatawag sa akin dito," may pag-aalinlangan na tanong ko lalo na nang makita ko ang malaking kutsilyong hinahasa niya. Nangingintab ang talim noon na parang kayang pumutol ng isang hinlalaki sa paa ng tao.

"Naku, lumabas siya sa galit eh. Pero pabalik na rin 'yun kaya isarado mo na muna 'yang pinto," aniya bago muling humarap sa lababo at ipinagpatuloy ang paghahasa sa malaking kutsilyo. "Ayusin mo na rin ang nakakalat na timba at palanggana d'yan."

Hindi ko sinagad ang pagsarado ng pinto para may tsansa pa ako na makatakbo sa oras na may mangyaring hindi maganda. Nagsisimula na ring tumayo ang mga balahibo ko sa katawan. Madalas naman akong pumunpunta sa kwarto na ito pero hindi pa rin ako sanay na manataili ng matagal dito lalo na kapag kasama si Tita Aileen. Napakahirap niya kasing basahin. Minsan, kahit anong tamis ng ngiti sa mga labi niya... Sa loob-loob niya ay galit na galit na pala siya. Mas nakakatakot pa nga siya kapag nakangiti.

Kumilos na rin ako at sumunod sa sinabi niyang ayusin ang mga gamit sa sahig na may dugo at sinimulan iyong punasan. Binanlawan ko ang basahan sa palangganang may tubig na namumula na rin ang kulay. Kahit ilang linis pa yata kasi ang gawin ko sa sahig at bawat sulok nito ay hindi na matatanggal pa ang masangsang na amoy na nakakapit dito. Noong mga unang beses na ginagawa ko ang paglilinis sa lugar na 'to ay bumabaliktad talaga ang sikmura ko. Pero ngayon ay napipigilan ko na iyon kahit paano.

"Nakita ka raw ni Andrew na kausap si Junica kanina..."

Napahinto ako sa ginagawa kong pagpiga ng basahan. Tumingin ako kay Tita Aileen na nakatalaikod pa rin mula sa akin. "O-opo... May tinanong lang po siya tungkol sa café."

"Gano'n ba?"

Hindi na ako sumagot kaya pumailanlang ang katahimikan sa loob ng kwarto. Saglit na bumaling ang tingin ko sa pinto at bahagya pa rin iyong nakabukas. Tatakbo na ba ako?

"Myra, sabihin mo nga sa akin ang totoo... Ayaw mo na ba sa amin?"

Napalunok ako ng laway dahil sa kasunod na tanong ni Tita Aileen. Bakas sa boses niya na parang naiiyak siya, lalo tuloy akong kinakabahan.

"Gusto mo na ba talagang umalis sa lugar na 'to?"

"S-Siyempre, hindi po. Kayo na po halos ang pamilya ko kaya kagaya ng pangako ko sa inyo dati, hinding-hindi po ako aalis dito sa apartelle ninyo." Pilit kong binuo ang boses ko pero parang nanginginig pa rin ito. Hindi ako pwede magpakita ng takot o kaba kay Tita Aileen, hindi niya ako pwedneg mahalata. Kaya nagpatuloy na ako sa ginagawa kong pagpunas sa sahig.

"Dapat lang... Dahil baka nakakalimutan mo na kami ang dahilan kung bakit ka hindi naging puta ng mga foreigner noon." Humarap na si Tita Aileen sa akin habang ako ay patuloy sa ginagawa ko. Nagsisimula nang mamuo ang pawis sa noo ko at ang tibok nang puso ko ay palakas na nang palakas. Lalo na nang maglakad palapit sa akin si Tita Aileen. Hindi ako tumigil sa ginagawa ko dahil baka makita niya sa mga mata ko kung gaano ako kinakahaban. "Kung hindi dahil sa amin, baka matagal nang laspag 'yang katawan mo at matagal ka nang patay!"

"Ah!!!" sambit ko nang bigla akong sabunutan ni Tita Aileen. Hindi ko na nagawa pang pigilan ang sarili ko na maiyak hindi lang dahil sa sakit ng pagkakasabunot niya sa buhok ko kung hindi dahil na rin sa matinding takot. Nanlilisik na kasi ang mga mata ni Tita Aileen at wala nang bakas ng ngiti sa mga labi niya. Para bang galit na galit siya sa akin. "T-Tita Aileen, wala naman po talaga akong kahit na anong sinabi sa guest natin... Maniwala po kayo." Magsisinungaling ako hangga't kaya ko pa... Dahil hindi ako o kami ng baby ko pwedeng mamatay sa lugar na 'to.

Isang malakas na sampal ang binigay niya sa akin habang sabunot pa rin ng isang kamay niya ang buhok ko. "Napakasinungaling mo! Akala mo ba tanga kami para mabilog mo ang utak naming lahat?! Hindi kami mga bobo! Alam namin ang mnatagal mo nang pina-plano!"

"Aileen!"

Kaagad na binitawan ni Tita Aileen ang buhok ko nang pumasok si Tito Andrew sa loob ng kwarto. Tumayo naman ako at pumunta sa likuran niya upang magtago mula sa babaeng nananakit sa akin.

"Ano bang ginagawa mo kay Myra?!" mataas ang boses ni Tito Andrew.

Hindi naman sumagot si Tita Aileen na nanlilisik pa rin ang mga matang nakatingin sa akin.

"Ayos ka lang ba, Myra?" mahinahong tanong ni Tito Andrew habang hinahaplos ang magulong buhok ko.

"O-Opo..." Nangangatal pa rin ang boses ko pero nagawa ko nang magsalita. Sumilip ako sa pinto at sarado na 'yon. Gusto ko sanang takbuhin upang makalabas ako pero alam kong mabilis na kumilos si Tito Andrew. Nalilito na ako sa kung ano ba ang mas dapat kong gawin. Hinayaan ko na lang na hapulisin niya ang buhok ko. Baka sakaling kapag nakalabas na kami sa kwarto na ito ay mas lumaki ang tsansa ko na makatakas mula sa kanila.

"Bakit ba kasi... Gusto mong umalis dito?"

"P-Po?" sinalubong ko ang mga tingin ni Tito Andrew. Patuloy siya sa paghaplos sa buhok ko habang may nakakatakot na ngiti sa kanyng mga labi.

"Natatandaan mo naman ang sinabi ko dati 'di ba? Isang pamilya lang tayo sa bahay na 'to, at walang sinoman sa atin ang pwedeng umalis at mang-iwan." Bumaba ang mga kamay niya leeg ko at huminto doon. Hinimas-himas ng dalawang kamay niya ang leeg ko.

Makailang ulit yata akong napalunok ng laway dahil sa ginawa niya.

"Sabihin mo nga, Myra... Saan ba kami nagkulang sa 'yo? Pinakain ka naman namin, binihisan at binigyan ng magandang buhay. Pero bakit gagawin mo 'to sa amin?" Nagsimulang humigpit ang pagkakahawak niya sa leeg ko. Nangatal ang mga labi ko sa takot. Mahinahon ang boses ni Tito Andrew habang may ngiti sa mga labi niya.

"H-Hindi naman po talaga ako aalis." Nahihirapang sagot ko habang lalong humihigpit ang pagkakasakal ng mga kamay ni Tito Andrew sa leeg ko. "T-Tito... Tito , hindi na po ako makahinga... Tito -"

Bago ko pa muling natapos ang sinasabi ko ay isang panyo na ang biglang tinakip ni Tito Andrew sa mukha ako. Wala na ang kamay sa leeg ko at naghahabol na ako ng aking paghinga habang may nakatakip na panyong may matapang na amoy sa bibig at ilong ko.

Ilang saglit pa ay naramdaman ko naang pangangatog ng mga tuhod ko hanggang sa unti-unti nang umikot ang paligid ko... Nakita ko pa ang mukha nina Tito Andrew at Tita Aileen na parehong may mala-demonyong ngiti sa mga labi...

Sa ganitong paraan na ba talaga ako mamamatay? Sana oo.... Dahil ayokong maranasan ng hirap na ginawa ng pamilya ng mga baliw sa mga tao na kinatay nila na parang mga hayop.

RecursionWhere stories live. Discover now