Wakas

377 21 38
                                    

Wakas : Untold Part of Markhus Valeria

"Oo, tapos na. Hintayin ko nalang daw ang tawag nila kung matatanggap ako,"

[Gege, goodluck. Kapag sumikat ka na, sabihin mo ako ang nagpalaki sayo,]

"Gege, bye," agad kong pinatayan ng tawag si Vergel. Pauwi na ako galing sa audition ko sa isang entertainment company.

Simula bata ako, pangarap ko na talagang kumanta at tumugtog sa harap ng maraming tao. It's my passion. And I'll do my best to reach that dream of mine.

Dahil iyon ang kasiyahan ko.

"Watch where you're going!" nasabi ko nalang sa babaeng bumangga sa akin. Bahagya akong natigilan noong nakita ko siyang lumingon para humingi ng sorry tapos umiiyak pa siya.

Am I being too harsh? Napaiyak ko ba siya?

Agad kong kinapa ang panyo ko sa bulsa ng jeans ko bago siya tinawag.

"M-Miss!" saad ko bago hinawakan ang pala-pulsuhan niya dahilan para mapalingon siya sa akin.

"Sorry," saad ko bago nilahad ang panyo ko sa kanya.

"Thanks," saad niya bago kinuha ang panyo ko.

Akala ko iyon na ang huli naming pagkikita pero nakita ko siya sa loob ng room namin. Tapos hawak niya pa ang panyo ko.

Noong makilala ko siya ang tanging nasa isip ko lang ay...

This girl is dangerous.

Lagi kong naririnig na hindi siya nagseseryoso lalo na sa mga lalaki, pero bakit pakiramdam ko kapag nilalandi niya ako ay seryoso siya sa akin?

"Alam mo ba Markhus my babes, may kamukha ka," humagikhik siya habang nakabusangot pa din ako, inaamin ko medyo kuryoso ako sa gusto niyang sabihin.

"Kamukha mo yung anak natin, yieee!" nilagay pa niya ang buhok niya sa likod ng tenga niya habang nakangiti.

"Para kang tanga," saad ko, nawala naman ang ngiti niya kaya pinigilan ko ang sarili ko na tumawa sa itsura niya.

"Bwisit ka! Ikaw na nga yung gusto..." kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Ako ang gusto niya? Bakit seryoso ba siya sa akin? Totoo ba ang mga pinapakita niya sa akin? Gusto niya ba talaga ako?

Ang sabi ko sa sarili ko na ang babaeng nangangalang Kyleigh Rubryien Samaniego ay hinding-hindi ako seseryosohin, ilang beses ko ng kinukumbinsi ang sarili ko na hindi seryoso si Kylie sa mga sinasabi niya sa akin. At hindi ako mahuhulog sa lahat ng iyon.

But all of sudden all the love songs were about her.

Lahat ng kantang tungkol sa pag-ibig na aking napapakinggan, siya ang nasa loob ng aking isipan.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero naiisip ko pa lang na mawawala siya at magbabago, parang hindi ko kaya eh.

Kahit puro biro lang para sa kanya ang mga ginagawa niya, at alam ko iyon. I can't help but hope that she's serious.

"Will you marry me?" that question, alam kong hindi siya seryoso pero yung puso ko grabe na kung mag-react. This girl is really something.

"Ask that question again after years, maybe I can answer it," I said to her before smiling.

Minsan talaga namamangha ako sa mga lumalabas sa bibig niya.

"Talaga? Pero paano kung hindi na tayo magkita nun?" bahagyang nawala ang ngiti ko dahil sa tanong niya.

Oo nga noh, paano niya matatanong sa akin ulit iyon kung hindi na kami magkita?

The answer to that question is, I'll find her, and she's not going to asked that question to me anymore, cause I'm the one who'll ask that to her.

Touch Your Heart (CRS #6)On viuen les histories. Descobreix ara