27

216 11 21
                                    

27 : In New York

"Research some best tastics and strategies," saad ni coach bago pinag-krus ang mga braso niya.

"I already created your gaming practice schedule," pagpapatuloy niya.

"Coach! Nanood na din kami ng mga stream ng ibang pro-gamer," saad ni Ythan.

"Good," saad ni coach bago ngumiti.

Kakarating lang namin kahapon dito sa New York at karating na karating namin practice kaagad ang nasa isip namin.

"Kumain muna kayo," tumango kami bago sabay-sabay kaming bumaba ng mga kasama ko sa first floor ng hotel na pinagtutuluyan namin.

"All right! Eat all you can breakfast!" saad ni Aeron bago tumakbo papunta sa catering.

Sumunod naman ang iba ko pang kasama kaya ako nalang ang hindi mukhang patay gutom. Napailing ako nung makita ko ang mga ka-team ko na kumukuha na kaagad ng mga pagkain.

Agad akong kumuha ng isang plato bago ito pinuno ng mga pagkain.

Naging mabilis lang ang panahon, halos isang buwan na nga kami sa New York.

"Sabi ni coach manood tayo ng mga stream ng ibang pro-gamers pero mukhang iba yata ang pinapanood mo," napaigtad ako matapos kong marinig ang boses ni Sebastian.

"Gago, nakakabigla ka naman," tinaasan niya lang ako ng kilay bago nilagpasan.

Imbes na mga stream ang pinapanood ko, si Markhus ang pinapanood ko. Paano ba naman kase makikita sa YouTube ko eh puro si Markhus. Ibang klase din ang algorithm ng YouTube ah.

"Halos isang buwan na tayo dito pero hindi pa kayo nakakagala sa New York kaya ngayon hahayaan ko kayo sa gusto niyong gawin," saad ni coach pagkapasok niya sa hotel room ni Ythan at Sebastian. Kung saan kaming lahat nakatambay.

"Talaga coach?!" tanong ni Sandrex.

"Tara Jerick, tikman natin yung steak," yaya ni Sandrex kay Jerick.

"Dito lang ako," saad ko bago humiga sa sofa na nasa loob ng hotel room na iyon.

"Bakit dito ka sa kwarto namin? Doon ka sa kwarto mo, matutulog ako," nakangiwing saad ni Sebastian.

"Sige pala, bye na. Sana wag niyo ko ma-miss," saad ko bago ngumisi sa kanila.

"Hindi ka naman talaga namin mamimiss, ano ka? Sinuwerte?" tanong ni Aeron bago ako sinaraan ng pinto.

Inirapan ko ang pinto bago iyon sinipa.

"Aray! Tangina!" saad ko bago pumasok sa loob ng hotel room ko. Buti nagdala ako ng speaker kaya magpapatugtog ako para guluhin ang mga kababayan ko sa kabilang kwarto.

Nag-scroll ako gamit ang isang account ko sa Facebook at napatigil ako nung makita ko ang isang post na nagpapakita ng mga lugar na pupuntahan ni Markhus para sa concert niya.

"Concert?!" singhal ko bago napaupo ng maayos sa kama.

"Meron ba sa Pilipinas?" tanong ko sa sarili ko at napabusangot ako noong makita ko na kakatapos lang niyang mag-concert sa Pilipinas last week.

"Eh sa New York---" napatalon ako sa kama nung makitang may concert siya sa New York!

"Two weeks from now, so mas mauuna pa ang Worlds kesa sa concert niya,"

Kailangan makapunta ako sa concert niya.

Para matanong ko na sa kanya ang tanong na sa kanya ko lang itatanong.

Handa na kaya siya?

May sagot na ba siya sa sagot ko?

Isang Linggo matapos kong makita ang post tungkol sa concert ni Markhus, nandito na kami sa Madison Square Garden, kung saan gaganapin ang Worlds 2025.

"Go! Go! Team! Target!" sigaw namin bago umakyat sa stage kung nasaan naghihintay sa amin ang mga computers.

Kagaya ng sabi ni Ythan, hindi madaling manalo pero napakasimple lang ng gusto naming mangyari, ang manalo.

At kagaya nga ng gusto naming mangyari.

"League of Legends Worlds Championship 2025 Winner..."

"Team Target!!" halos mabingi na ako sa lakas ng hiyawan ng mga taong nasa Madison Square Garden.

After winning the tournaments, quarterfinals, and semi-finals.

Now we're in finals and became the winner for Worlds 2025.

I smiled widely as I look around.

Hindi ko naisip dati na dadating ako sa ganito. Hindi ko din naisip na makikilala ako ng marami.

Sinubukan kong hanapin sila kuya Kyler at kuya Kyden kaso sa sobrang daming tao at maingay, hindi ako nagtagumpay.

Nandito kaya siya?

Alam niya ba na nandito ako?

Nanonood kaya siya?

Bahagya akong napailing para pansamantalang tanggalin sa isipan ko ang taong hindi napapagod na tumakbo sa isipan ko.

Napatingala ako nung pinatugtog ang 'Hall of Fame' ng The Script.

That song is my favorite.

Kapag naririnig ko iyon pakiramdam ko parang lumalakas ang loob ko. The lyrics were meaningful so it really caught my attention.

Kasunod naman na tumugtog ang 'Legends Never Die' ang kanta noong Worlds 2017.

Matapos ibigay ang trophy at mga medal, dumiretso na kami sa kung nasaan ang iba pang mga teams.

"Congrats," saad ng isang captain ng isang team na galing din sa Pilipinas.

"Pwedeng pa-picture?" tanong ng isang pro-gamer sa akin. Tumango naman ako.

Madami pang nag-congratulate sa amin na mga teams, maging ang first place na galing sa Korea.

Pagod kaming lahat pagkabalik sa hotel, agad akong pumasok sa kwarto ko bago humiga sa kama ko. Pero napaangat ako ng ulo nung narinig ko ang katok sa pintuan ng hotel room ko.

"Since naipanalo natin ang World Championship, eto oh!" may inabot sa akin na puting sobre si Ythan nasa likuran naman niya sila Sebastian na nakangisi ng makahulugan.

"Duda ako sa putanginang ito ah," saad ko sabay turo kay Ythan. Lumukot naman ang mukha ni Ythan.

"Buksan mo na!" saad ni Aeron.

"Gege," saad ko bago binuksan ang sobre at nilabas ang laman niya.

"So isa itong concert ticket?" tanong ko bago tiningnan ng maayos ang concert ticket.

"Obviously," saad ni Tayden.

"Concert nino?" tanong ko bago napatakip ng bibig.

"Concert ni Markhus?!" napatingin ako sa mga lalaking nasa harapan ko.

"Rinig ko kila Tayden na fan ka niya, kaya iyan ang naisipan namin na ibigay sayo," saad ni Ythan kaya napangiti ako bago sila niyakap.

"Dahil diyan, libre ko na ang steak na gusto niyo," saad ko bago kami nag-group hug.

I'm really grateful to have them as my teammates.

And me?

Going to his concert?

Baka mamaya kapag nakita ko na siya sa stage bigla ko nalang siyang sunggaban.

Charot.

Touch Your Heart (CRS #6)Where stories live. Discover now