06

223 12 16
                                    

06 : He's mine

"Dito na ako bababa, babush see you next week," kumaway ako kay Markhus habang dumadaan ako sa harapan niya. Tiningnan niya lang ako. Aba't parang wala kaming pinagsamahan ha! Parang hindi kami nagdaldalan kanina.

"Langya ka, plastik ka," ngumiwi ako sa kanya bago sinabi sa bus driver na papara na ako.

Isang Linggo akong mananatili dito para tulungan si Denise sa pagbabantay sa lola niya. Pero medyo nalulungkot ako dahil baka nga sa second semester na siya makakapasok sa Roundell University.

Eh halos wala pang isang Linggo simula nung pagsisimula ng klase.

Pagkababa ko ng bus agad akong nagsimulang maglakad papunta sa bahay nila Denise dahil medyo malapit lang naman ang babaan ng bus sa bahay nila. Mga 1,500 steps lang ang layo.

Napasinghap ako nung makita ko ang dati kong mga kaklase noong first year at second year ako.

"Uy si Kylie!"

"Rubryien!" napangiwi ako nung marinig ko ang second name ko.

"Hindi ba kayo nabubulol kapag sinasabi niyo yan?" tanong ko sa kanila, lumapit naman sila sa akin. Bale apat silang lahat na nakita ko, dalawang lalaki at dalawang babae.

"Sa spelling lang," sagot nung isa kong dating kaklase.

"At bakit niyo ako tinawag? Miss niyo na ako?" ngumisi ako sa kanila, ngumisi din sila pabalik.

"Wala ng maingay sa room eh," I can't help but roll my eyes at them.

"Akala niyo kayo hindi maingay," inirapan ko sila.

"Bakit nandito ka pala? Akala ko nasa Roundell ka," saad ni Veronica, isa sa kanila.

"Puntahan ko lang si Denise,"

"Weh? Hindi siya lumipat sa Roundell?" tanong naman ni Jerome.

"Lumipat din kasama ko, lipat din kayo dun sama niyo na iba nating kaklase," napangiwi naman si Jerome.

"Ang layo atsaka wala kaming bahay dun,"

"Edi mamulubi kayo, basic," kinindatan ko ng nakakaloko si Jerome.

"Mukhang pagod ka sa biyahe, puntahan nalang namin ulit kayo kila Denise," saad ni Kristine.

"Baka nakakalimutan niyo, may bibilhin tayong mga gamit para sa project natin," paalala naman ni JC sa kanila.

"Awit," saad ko kaya sabay-sabay silang napabusangot.

"Gege, ingat kayo. Sana hindi kayo masagasaan," kumaway na ako sa kanila bago nagsimulang maglakad papunta kila Denise. Mamaya nalang ako pupunta kila mama para i-surprise sila.

Ilang Linggo palang naman akong wala dito sa Tinajero pero na-miss ko na kaagad ang bayan na ito.

Pinagmamasdan ko lang ang dinadaanan ko hanggang sa huminto na ako sa tapat ng bahay nila Denise. Nakita ko si Denise na nagwawalis sa may bakuran nila.

"Oh mare, kumusta ang inaanak ko, ayos ba siya? Pumasok na ba siya sa school? Busy ka yata sa pagwawalis sa bahay niyo. Nasaan na ang asawa mo? Pumasok na sa trabaho kaya ikaw nalang ang naiwang mag-isa sa bahay niyo?" nakakunot ang noo ni Denise noong nag-angat siya ng tingin sa akin.

"Tae ka, anong pinagsasabi mo," saad ni Denise bago lumapit para pagbuksan ako ng gate.

"Para kang may bahay," saad ko bago pumasok sa bakuran nila.

"Asaan si lola?"

"Andoon sa sala, nakikinig ng mga kanta,"

"Hala! Tingnan mo baka mamaya sumasayaw na siya---"

"Bumalik ka na nga lang sa Roundell," napanguso ako kay Denise bago kinuha ang walis at dustpan sa kamay niya.

"Pupuntahan daw tayo nila Kristine mamaya," saad ko kay Denise bago nagsimulang magwalis.

"Ano? Nagpapunta ka pa dito ng mga maiingay na yun," napailing nalang si Denise kaya natawa ako.

"Nakasabay ko din pumunta dito si Markhus,"

"Ghe,"

"Yun lang sagot mo?" blankong ekspresyon lang ang ibinigay sa akin ni Denise.

"Bakit? Ano gagawin ko sa kanya? I-to-tour?"

"Oo na, sige na, tama na," napangiti si Denise bago pumasok para sabihin kay lola niya na nandito ako.

"Hi lola! Kumusta po!" agad akong nagmano sa lola ni Denise noong nakita ko siyang lumabas sa may terrace nila.

"Lola, miss ko na po asado niyo. Beke nemen," sinamaan ako ng tingin ni Denise.

"Sige apo, kapag malakas na ako," napangiti ako sa sinabi ni lola kaya napangiti na din si Denise.

"Kaya lola dapat magpakalakas kayo," saad ni Denise kay lola niya.

At dahil wala pang nabibiling ulam si Denise, ako nalang ang nagrepresenta na bumili sa palengke ng mga dapat bilhin para sa lulutuin na ulam.

"Gege, sana hindi ka masagasaan," tumango ako kay Denise bago naglakad papunta sa palengke.

"Diba may malapit na instrument shop dito? Baka nandoon pa din si Markhus," bulong ko sa sarili ko bago ngumiti.

"Mamaya na nga lang," saad ko bago bumili ng mga ingredients.

"Uy true! Grabe! Ang galing!"

"Ginagawa niyo dito?" nakangiwing tanong ko kila Jerome nung makita ko silang nakakalat sa bakuran nila Denise.

"Uy, si Kylie nakabalik na," saad ni JC.

"Uy, si JC buhay pa," saad ko bago dumiretso sa kusina nila Denise.

"Eto na po, kamahalan," saad ko kay Denise bago inabot sa kanya ang mga binili ko.

"Labas na muna ikaw, baka wala kaming matapos," saad ni Kristine bago ako tinaboy palabas ng kusina.

"Porket marunong lang kayong magluto," lumabas na ako at pinuntahan sila Veronica.

"Grabe, kung ganoon sana si Jerome baka sikat na siya," rinig kong saad ni Veronica bago tinawanan ni JC si Jerome.

"Anyare," tanong ko sa kanila.

"Etong mga kumag na toh, nakakita ng gwapong lalaki na tumutugtog ng gitara mukhang dayo pa naman," at dahil doon, mukhang kilala ko na kung sino ang tinutukoy ng mga eto.

"Gago, he's mine,"

"Luh, sino?"

"Yung naggigitara," ngumisi ako.

"Taga-Roundell yun?" tumango ako kaya napangiti si Veronica.

"Lipat na yata ako sa Roundell, dami yatang gwapo dun---"

"Madami talagang gwapo don,"

"Sana ayos ka lang Veronica," saad ni JC.

"Pero bhie, ang gwapo talaga nung lalaking iyon," napangiwi ako sa sinabi ni Veronica.

"Aken na yun, kahit medyo mahirap landiin,"

"Luh seryoso ka na ba sa lalaking yun?" tanong ni Jerome.

"Kelan pa yan nagseryoso?" tanong ni JC.

"Ngayon," sagot ko sa kanila dahilan para lumaki ang mga mata nila.

Touch Your Heart (CRS #6)Where stories live. Discover now