29

237 14 19
                                    

29 : Raniel

"Baka mamaya sumali ka lang dito sa Team Target para makita yung maganda kong mukha,"

"Hala! Tama ka!" napanganga ako sa naging reaksyon ng binatang nasa harapan ko ngayon. Ang laki ng ngiti niya at mas maliwanag pa iyon kaysa sa araw.

"Ano nga palang pangalan mo?" pinanliitan ko siya ng mata.

"Nakalimutan mo?" tumango ako dahilan para mapanguso siya.

"Azriel," saad niya kaya tumango ako.

"Sino naman yung nakabusangot na yun?" tinuro ko ang lalaking kasama ni Azriel.

"Ah, si Eldon, isa yang gago kaya ganyan," napangiwi ako.

"Sige alam naman ni Ythan na sasali kayo," saad ko bago tumayo sa kinauupuan ko.

"What?!" pareho kaming napalingon ni Azriel kay Eldon.

"Napano ka?!" tanong ni Azriel.

"Ikaw lang ang sasali sa Team Target, hindi ako sasali," saad ni Eldon.

"Akala ko tayong dalawa?" tanong naman ni Azriel.

"Maiwan ko muna kayo hintayin niyo nalang si Ythan," saad ko sa kanila bago sila iniwan sa kwartong iyon.

It's been a year since I last saw him.

Alam kong nakita niya ako sa concert niya noon sa New York.

And now he's all over the country.

Sikat na talaga siya, tama talaga ang hula ko na kapag naging singer na siya sisikat siya ng sobra.

Ang sarap tuloy ipagsigawan na naging ex ko ang talentadong lalaki na iyon.

"Anong nginingisi mo diyan? Para kang may binabalak na masama," napatigil ako sa paglalakad noong nakasalubong ko si Aeron na may kinakain pa na lollipop.

"Tumigil ka nga, puntahan mo na yung mga sasali sa next generation ng Team Target," saad ko kaya tumango siya bago kumaway.

"Ge, goodluck sa binabalak mo," saad niya kaya inirapan ko siya bago ako nagsimulang maglakad.

"Kelan kase nagsimula yung Team Target?" rinig kong tanong ni Jerick kay Sandrex pagkapasok ko sa lounge namin.

"Bat mo tinatanong?" tanong ni Sandrex.

"Just in case na tanungin sa interview natin," saad ni Jerick.

"Ano kase mga game tag niyo?" tanong ni Tayden.

"Si SilentWrath si Ythan yun diba?"

"Mga pars, alis muna ako," paalam ko sa kanila bago kinuha ang susi ng kotse ko.

"San punta?" tanong nila.

"Sa p----"

"Subukan mong sabihin sa puso namin, tatanggalan ka namin ng kilay," banta ni Sandrex.

"Basta, tingnan niyo nalang sa story ko sa insta," saad ko bago lumabas ng lounge.

Pagkasakay ko sa sasakyan ko, ni-connect ko ang phone ko para makapagpatugtog ako ng kanta ni Markhus babes ko.

Pinaandar ko na ang sasakyan, balak kong pumunta sa isang dagat.

Doon nalang kaya ako pumunta sa beach na pinuntahan namin nung third year college kami.

Nung naka-red light yung traffic light, napansin ko ang isang bracelet na kahit kailan ay hindi ko tinanggal sa pala-pulsuhan ko.

"Damn, lakas talaga ng tama ko sa lalaking iyon," saad ko bago napailing.

Pagkarating sa beach, agad kong sinuot ang face mask ko at lumabas ng kotse ko at pumunta sa tabing dagat.

Hihintayin kong mag-sunset bago ako bumalik.

"Ay mag-story pala ako," nilabas ko ang phone ko at dali-daling kumuha ng litrato ng dagat sa harapan ko.

Napangiwi ako nung may biglang tumama sa likod ng ulo ko. Nananahimik ako dito tapos tatamaan nila ang ulo ko?!

"Sorry ate!" sabi nung mga bata bago kinuha ang beach ball na tumama sa akin.

"Ayos---" napanganga ako nung umabot sa akin ang alon ng dagat. Agad akong napatayo.

"Tangina---" napalingon ako sa likuran ko nung naramdaman kong may nakatayo doon at natamaan ko.

"Sorry---" nanlaki ang mata ko nung makita ko kung sino ang taong nasa likuran ko.

"Markhus---" napatigil ako sa pagsasalita noong bigla niyang nilagay ang daliri niya sa labi ko.

"Call me Raniel," saad niya bago pinakita sa akin ang bracelet niya na binigay ko sa kanya nung naging kami.

"Rubryien," pagpapatuloy niya naramdaman kong uminit ang pisngi ko bago nag-iwas ng tingin.

Tangina.

"A-Anong ginagawa mo dito?!" tanong ko bago tumingin sa paligid baka may makakilala sa amin.

"Nakita ko yung story mo sa Instagram mo," saad niya bago ngumisi.

"Shet, nagkita ulit tayo," saad ko bago ngumiti.

"Yeah, it's been four years?"

"Three years sa akin, nakita kita last year,"

"Oh yeah, nakita din kita," saad niya. At doon ko nakumpirma na nakita niya nga ako noon.

"Paano---"

"Naaalala ko pa din yung sinabi mo na ikaw yung biggest fan ko, kaya iniisip ko na baka nandun ka lalo na at nasa New York ka din para sa Worlds," kwento niya na parang bata.

"Tama nga hinala mo," saad ko bago tiningnan ang mga mata niya. Naka-mask siya kaya tanging mga mata lang niya ang nakikita ko.

"Ang ganda mo," saad niya dahilan para matigilan ako.

"Alam ko!" saad ko bago hinawakan ang mga pisngi ko.

"I miss you," saad niya bago ako niyakap.

"I miss you too," saad ko bago niyakap siya pabalik. Tiningnan niya ako bago binaba ang mask niya at nagsalita.

"Paano niyan, successful na ako. Baka pwede na," nanlaki ang mata ko kasabay naman nun ang pag-angat ng gilid ng labi niya.

Touch Your Heart (CRS #6)Where stories live. Discover now