25

231 14 17
                                    

25 : Debut

"Happy Birthday, Riza babes. Regaluhan na ba kita ng bebe?" nakaiwas ako bigla noong hinampas ako ni Riza.

"Akala mo ikaw may bebe noh? Kung makapagsalita ks ng ganyan," natawa ako sa nagtatampong mukha ni Riza bago siya niyakap.

"Gaga tayo nalang if you want,"

"Ay," bulalas ni Denise habang nakangiwi sa aming dalawa ni Riza.

It's been three years since I last saw Markhus. And we manage to play to in World Championship of League of Legends.

Tatlong beses na kaming nakaka punta ng Worlds. We didn't win last year pero ngayon sisiguraduhin namin ng mga ka-teammates ko na maiuuwi namin ang trophy ngayong taon.

"Buti hindi ka busy ngayon? Wala kayong shooting ngayon?" tanong ni Denise.

"Wala kaming shoot, at syempre kahit meron man hindi ako pupunta kase birthday ng baby Riza natin," pinisil ko ang pisngi ni Riza kaya napanguso siya.

Si Denise ay isang architect, habang si Riza naman ay naghihintay nalang ng tawag sa kumpanya na in-apply-an niya. Partida sa New York pa yun ha. She's a fashion designer now.

"Musta Canada?" tanong ni Riza.

Kaming Team Target ay pumunta sa Canada para sumali sa isang tournament doon dahil inimbitahan kami.

"Ayun medyo nahirapan kami doon sa isang team eh, but we manage to win against them. Unti nalang talaga eh kung hindi lang nandoon si SilentWrath sa base ng kalaban baka sa amin na yung nasira,"

Lahat kami ay may mga pangalan bilang pro-gamer.

Kung ako si SerialChiller, si SweetAbyss ay Aeron, si Sebastian naman ang SilentWrath, si SavageReaper naman si Jerick, si SarcasticDestroyer naman si Ythan, si StalkDeath si Sandrex at SalvageBruise naman si Tayden.

Puro nagsisimula sa 'S' ang mga gametags namin.

"Ilang months kase kayo dun sa Canada? Diba isang buwan?" tanong ni Denise.

"Oo, isang buwan kami dun," saad ko.

"Sa isang buwan na nandoon ka andaming nangyari dito sa Pilipinas," saad ni Riza bago ngumisi.

"Ano yun? I-chika niyo sakin," umiling-iling sila kaya napabusangot ako.

"Ay, sige bahala kayo," inirapan ko sila bago pinagkrus ang mga braso ko.

"Gala tayo sa mall," yaya ko sa kanila.

"Sa tingin mo makakalabas ka ng maayos? Gaga sikat ka na," napasapo ako sa dibdib ko dahil sa sinabi ni Denise.

"Ayos lang yan, sabi naman ni Ythan pwede kaming lumabas basta wag lang kaming magka-injury," saad ko bago tumayo sa kinauupuan.

"Ubusin natin etong laman ng isang credit card ko," saad ko bago ngumisi ng makahulugan.

"Wow diko expect na ang tamad na katulad mo ay magiging successful ng ganito," saad ni Denise bago ako inakbayan at madramang nagpunas ng luha niya kahit wala naman.

"Dati akala ko habang buhay ka ng maglalaro ng LOL, pero mukhang totoo nga ang akala ko dahil sa paglalaro mo nakakapaghanap-hanap buhay ka na," saad ni Riza bago yumakap sa akin.

"Want niyo bumili ng mga anime merchandise?" tanong ko sa kanila bago sila ngumisi ng makahulugan kagaya ko.

Agad kaming pumunta sa mall, naka-mask kaming tatlo pagkapasok namin sa mall.

"Tagal na din since last tayong nagkasama," saad ni Denise.

"Dati ako lang nanglilibre, pero ngayon ako pa din," natawa ang dalawa kong kaibigan.

"Ikaw nag-suggest na ubusin natin iyang laman ng credit card mo ah,"

"Oo na, oo na. Bilhin niyo na lahat ng gusto niyong bilhin," saad ko sa kanila.

"Bili tayo ice cream cake," saad ni Riza kaya pumunta kami sa Dairy queen kase doon niya gustong bumili ng ice cream cake.

"Tig-iisa ba tayo o..."

"Isa lang, kaya naman natin ubusin yung isang cake," saad ni Denise sa akin kaya tumango ako bago namili ng cake.

"Gusto mo yang kulay feynk na keyk?" panunuya ko kay Riza. Ayaw niya ang kulay pink eh.

"Wala bang black?" tanong niya saamin ni Denise.

"Iyang cookies and cream nalang oh," turo ni Denise sa isang cake.

Pagkatapos bumili ng cake, iniwan muna namin iyon sa Dairy queen dahil sa bahay na nila Riza, kami kakain nun.

"May collab etong shop na toh sa favorite mong anime oh," saad ni Denise.

"Uy! Jujutsu kaisen!" saad ko. Bumili kami ng mga damit.

Noong nagbabayad na ako sa mga nabili namin, bigla akong nakarinig ng isang pamilyar na boses.

Galing iyon sa speaker ng shop na ito!

After three years, muli kong napakinggan ang boses niya.

Ang boses ni Markhus.

Binigay na sa akin ng babae ang credit card ko bago pinuntahan sila Denise na naghihintay na sa akin sa labas ng shop.

"Oh bat bigla kang natulala diyan?" tanong ni Riza pagkaabot ko sa kanya ng damit na napili niya.

"Uhm," umiling nalang ako bago nagsimulang maglakad.

"Uy si Markhus!" napahinto kami sa paglalakad noong nakita namin ang isang ad sa isang tv ng isang shop sa loob ng mall.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung makita ko siya, he look really mature now. Mas lalo siyang gumwapo.

"Ex ko yan?" tanong ko habang nakaturo sa tv. So totoo nga ang iniisip ko na siya ang kumakanta doon sa isang shop?

"Tama ka, ex mo yan," saad ni Riza at Denise. Napatakip ako ng bibig ko bago tiningnan ang tv at pinanood ang ads doon.

"Sabi ko sayo eh, sa loob ng isang buwan na wala ka dito. Ang dami ng nangyari, he finally debuted." nakangiting saad ni Riza.

"Finally," I murmurs while looking at him. The ads are introducing him as the new best soloist singer of the year.

"Rinig ko ang dami niyang fans kaagad," saad ni Denise.

"Minsan gusto ko pagsabi sa iba na naging jowa mo yan," biro ni Riza kaya napanguso ako.

He finally reached his dreams.

After the hardworks he did when he's still a trainee, he finally debuted as a soloist singer.

I'm so proud of him.

Touch Your Heart (CRS #6)Where stories live. Discover now