15

208 9 12
                                    

15 : Gamer

"Isa pa pong sabaw," agad naman akong binigyan ng sabaw nung isang lalaki kaya bumalik ulit ako sa lamesa namin ni Markhus.

"Sarap dito, balik ulit tayo," tumango si Markhus kaya napangiti ako bago tinimplahan ang mami ko.

"Pero seryoso, paano kung matanggap ka sa audition?" tumigil sa pagkain si Markhus bago tumingin sa akin.

"Then I'll become a trainee," sagot niya.

"Paano pag-aaral mo?"

"Pagsasabay ko,"

"Kaya mo?" natahimik siya sa tanong ko.

"Syempre kakayanin, pangarap mo eh," saad ko sa kanya bago siya nginitian.

"Yeah, kakayanin..." saad niya bago ngumiti.

"Diba sabi mo gusto mo maging pro-gamer?"

"Yes,"

"Paano kung naging pro-gamer ka nga, paano pag-aaral mo?"

"Kakayanin ko naman na pagsabayin eh," tumango si Markhus.

"Pero Markhus, paano kung sabihin ko sayo na pro-gamer na ako, maniniwala ka?"

"Wala naman akong kilala na pro-gamer na babae eh, pwera nalang kay Serial Chiller ng Team Target, kaso diko din kilala mukha nun eh,"

"Paano kung sabihin ko sayo na ako si Chiller?" bahagyang nanlaki ang mata niya.

"Ikaw?" tumango ako.

"Edi natupad mo na pala pangarap mo,"

"Hindi pa noh! Hindi pa kita napapakasalan eh," ngumisi ako bago tumawa sa naging reaksyon ni Markhus sa sinabi ko.

"Atsaka hindi pa ako nakakalaban sa mga Tournament,"

"Bakit hindi ka sumali?"

"Gusto mo sumali ako?" nagkibit balikat lang siya.

"Kain na nga tayo,"

Dumating ang Sabado kaya nandito ako ngayon sa Pizza Hut para bilhan ng pizza ang mga patay gutom na mga ka-team ko.

"Tatlong flavors?" tumango ako sa staff ng Pizza Hut. Bumili na din ako ng mga spicy chicken wings.

"May tournament na naman daw, kelan kaya makakalaro si Chiller? Lodi ko yun," nahagip ng pandinig ko ang usapan ng dalawang lalaki sa gilid ko.

Kung makikilala ako bilang si Chiller, baka mahirapan ako sa pag-aaral ko lalo na't next year ay graduating na ako.

"Surprise motherfuckers!"

"May pagkain na!" sigaw ni Sandrex at wala pang sampung segundo nawala na ang mga pagkain na bitbit ko.

"Mga pagkain lang ba ang gusto niyo kaya niyo ako pinapunta dito?" naiinis na tanong ko sa kanila.

Nandito kami ngayon sa bahay ng coach namin kung saan palagi kaming naglalaro para makapag-ensayo.

"Parang ganun na nga," napangiwi ako sa sinabi ni Jerick.

"Parang lumiit ka," saad ni Tayden bago pinatong sa ulo ko ang kamay niya.

"Tumangkad ka lang oy!" pasinghal kong sabi sa kanya.

"Chill ka lang Chiller," natatawang saad ni Sebastian bago sinubo ang isang chicken wings.

"Mamaya na yan, isang game muna," saad ni Ythan. Napabusangot naman ang iba bago umupo sa mga gaming chair.

"Kampi tayo ngayon," tumango ako kay Aeron.

"Diba yung dalawa pa nating kakampi ay yung kaibigan ni Ythan?" tanong ni Tayden na kakampi ko rin.

"Oo daw eh," susuotin ko na sana ang headset ko kaso biglang tumunog ang cellphone ko.

Nung makita kong si kuya Kyler ang tumatawag agad ko iyong sinagot.

"Yow kuya---"

[Si Bruno mo, patay na,]

Parang nanigas ako sa narinig ko.

Bruno is my lovely puppy, wala pa siyang one year nung binigay sa akin pero iniwan ko na siya dun sa bahay para pumunta at mag-aral sa Roundell. Tapos ngayon tuluyan niya na akong iniwan.

"B-Bakit? Ano sakit niya?"

[Parvovirus daw eh,]

"Ih! Bakit di niyo dinala sa vet?" agad akong tumayo sa gaming chair at napasapo sa noo ko.

[Bumili lang kami ng gamot, may binigay naman. Bumili din kami ng dextrose powder para magkaroon naman siya ng lakas kapag ininom yun. Nung una nakakatayo pa siya pero kanina lang hindi na nakatayo. Hindi na niya kaya,]

Humugot muna ako ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili ko. Napatingin naman sa akin sila Jerick.

"K-Kuya? Nalibing niyo na ba?" tanong ko.

[Oo, akala nga namin una natutulog pa, pero nung hindi na niya nilulunok yung dextrose na binibigay sa kanya hinayaan na namin, si mama nga umiiyak kase siya yung nakakita ng huling paghinga ni Bruno,] napapikit nalang ako bago ko naramdaman na tumulo ang luha ko.

[Sinama na namin sa kanya yung mga laruan niya kaso yung collar niya hindi nasama,]

"Huwag niyo tapon yun, remembrance ko na sa kanya yun,"

[Gege, pati yung apat na shampoo niya at yung pagkainan niya, sayo na. Gamitin mo,] biglang umurong ang luha ko sa sinabi ni kuya Kyler.

"Tae ka kuya,"

[Gege, ingat ka diyan. Malay mo kaya namatay si Bruno kase may niligtas siyang buhay o kaya ay may kapalit na buhay,] napangiti ako sa sinabi ni kuya.

Pero bakit siya pa?

"Okay kuya, ingat kayo diyan," pinatay ko na ang tawag bago bumalik sa pagkakaupo ko sa gaming chair.

"Ayos ka lang?" tanong ni Aeron.

"Nategi yung aso ko boy, di ako okay," bahagyang nawala ang ngiti ni Aeron.

"Ha? Yung tuta mo? Yung si Bruno babes mo?" tumango ako.

Palagi ko kaseng kinukwento kay Aeron ang tungkol kay Bruno. Mahilig din kase sa aso ang isang to eh.

"Wawa naman. Hayaan mo na, masaya na siya, like they say all dogs go to heaven," tumango ako kaya napangiti si Aeron.

"Yeah, nauna lang siya dahil hindi deserve ng mundong ito ang asong kagaya ng Bruno ko," saad ko bago naramdaman ang namumuong luha sa gilid ng mata ko.

Napansin iyon ni Aeron kaya agad niyang pinunasan iyon at ngumiti sa akin.

"Libre kita ice cream mamaya," sabay kaming napalingon ni Aeron kay Tayden.

Napangiti ako kay Tayden bago tumango.

"Ano? Game na?" tanong ni Ythan.

"Hindi pa kayo nagsimula?" tanong ko sa kanila bago sinuot ang headset ko.

"Hinihintay ka namin," saad ni Jerick.

"Game! Game! Start na!"
________________
___________
______
__

So yun nga, namatay ang aso namin ngayon. Ngayon lang ako umiyak ng ganito. Ang masasabi ko lang, wala ng mas sasakit pa sa makita mo ang aso mo na unti-unting namamatay kahit ginawa mo na ang lahat. Bruno babes ko, ang daya mo, akala ko naman makakasurvive ka kase nararamdaman ko na lumalaban ka pa eh. Bruno Jr. Mahal na mahal ka ni ate, di kita kakalimutan. Run free brunior. Kasama mo naman si Chikichiki at si Pinky na mga laruan mo. Wait for me, ha? I can't wait to play with you again.

Touch Your Heart (CRS #6)Where stories live. Discover now