23

199 11 29
                                    

23 : Dream

"Morning!" bati ko kay Markhus pagkapasok niya sa room namin.

"Morning babe," hinalikan niya ang noo ko bago pumunta sa pwesto niya. Naramdaman kong tinulak ako ni Riza dahil sa kilig niya.

"When kaya?" tanong ni Riza.

"Tanong mo kay Denise," napangiwi si Riza dahil sa sagot ko.

"Next week siya babalik dito diba?" tanong ko kay Riza. Babalik na dito si Denise kaya kung aalis si Markhus may papalit naman.

Bahagyang nalungkot ang mukha ko noong maalalang simula sa Sabado, aalis na si Markhus para maging trainee.

Alam kong lagi nalang nasa isip ko ang ideyang makipag-break kay Markhus. Alam kong iniisip din ni Markhus na baka gawin ko iyon.

Kung para lang matupad niya ang pangarap niya, edi pakakawalan ko siya para hindi siya mahirapan.

Hindi ko alam kung selfish ba ako o hindi?

"Ano na namang iniisip mo?" tanong ni Riza kaya napatingin ako sa kanya.

"Natanggap si Markhus sa isang Entertainment Company kaya magiging trainee na siya," nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"Weh?!"

"Oo, nakapag-empake na nga kami eh," saad ko bago sumandal sa upuan ko.

"Paano kayo niyan? Hindi na kayo masyadong magkikita?"

"I have something in my mind, kaso hindi ko alam kung payag siya,"

"Sa tingin ko, parang alam ko ang balak mo," ngumiti ako ng bahagya bago bumuntong hininga.

"Hindi pa naman ako sigurado,"

"Ayaw niya yun! Gaga ka ba?"

"Paano niya matutupad ang pangarap niya kung di ko gagawin yun? Mahihirapan siya,"

"Kung sino pa ang inaasahan niyang susuporta sa kanya, siya pang---"

"Kahit naman hindi na kami, pwede ko pa naman siyang suportahan diba?" natahimik si Riza kaya napabuntong hininga ako.

"Hindi ko alam pero ayaw ko kung paano ka nag-iisip, sumusuko ka kaagad," hindi ako umimik. She's right.

"Wala pa pero sumusuko ka na," pagpapatuloy ni Riza. Napayuko ako.

Napaigtad ako noong biglang tumunog ang phone ko.

"Sagutin ko lang," paalam ko kay Riza bago tumayo at lumabas muna.

[Ano na? Nasabi mo na sa adviser mo?]

"Ha? Yung ano? Ano bang gagawin natin?" tanong ko kay Ythan habang nakasandal sa may pader na katapat mismo ng pintuan ng room namin.

[We'll get ready for another season of LOL tournament, if we win this season, then we'll play again in another season and by the end of that season if we manage to be in runner ups or be the winner, then we'll play in annual League of Legends World Championship,] napaawang ang labi ko sa narinig.

Hindi kase ako nakikinig last time nung sinasabi iyon sa amin ni coach dahil iniisip ko si Markhus.

"So sinasabi mo na kailangan ko munang hindi pumasok para mag-ensayo?"

[Yes, one month practice,]

"O-Okay,"

[Good, napaalam mo na ba sa mga magulang mo?]

"Ipapaalam palang"

[Okay, ibaba ko na,] pinatay na ni Ythan ang tawag, nilagay ko ang phone ko sa bulsa ng palda ko bago napabuntong hininga. Hintayin ko nalang si ma'am dito sa labas para masabi ko na sa kanya.

But how about Markhus?

"What are you doing there?" napatingin ako kay Markhus noong lumabas siya ng room at tumabi sa akin.

"I need to tell you something,"

"What is it?"

"I'll be gone for one month, you know? Because of my job as a pro gamer," tumango si Markhus.

"Years from now I can imagine us being busy because of our own job," saad niya.

"You're right," saad ko bago tumingin sa mga sapatos ko.

"Do you think we can do it?" napaangat ako ng tingin sa kanya dahil sa tanong niya.

"Para sa pangarap," saad ko bago ngumiti.

"Ikaw, kailangan mo talagang matupad ang pangarap mo, dahil iyan ang mag-aangat sayo." saad ko sa kanya.

"Hindi mo naman siguro iniisip na makipag-break sa akin diba?" natahimik ako sa tanong niya.

Sa totoo lang, laging nasa isip ko ang bagay na iyon. Inaalala ko na imbis na alalahanin niya ang pangarap niya, baka sumisingit lang ako. Imbis na mag-pokus siya sa pagiging trainee baka iniisip niya ako dahil nga ako ang nobya niya.

"Kung iniisip mo na iniisip ko din iyan, nagkakamali ka,"

"Akala mo hahayaan ka ng kumpanya mo na magkaroon ng girlfriend? Paano kapag naging ganap na singer ka na? Sa tingin mo matutuwa sila dahil may girlfriend ka?"

"Bakit ba iyan ang iniisip mo? Masyado kang nag-o-overthink. Wala pa naman pero iniisip mo na," seryosong tanong ni Markhus.

"You're right, at mas natatakot ako na lumala iyon kapag umalis ka dito at ako naman ay nag-eensayo para sa tournament," saad ko bago nag-iwas ng tingin.

"Do you really think that's the best solution?"

"Maybe," saad ko. I heard him sigh before hugging my waist.

"I don't like how you think like that," saad niya.

"Parang pakiramdam ko hindi ka naging seryoso sa akin," saad niya.

"Seryoso ako sayo noh, sinong hindi matino ang pakakawalan ka?"

"Ikaw," napangiwi ako sa sagot niya.

"You're right," saad ko.

"I love you," saad niya kaya napangiti ako.

"I love you too," saad ko sakanya.

"I love you too daw pero iniisip na makipag break sa akin," saad niya kaya napanguso ako.

"I just want you to focus being a trainee, gusto ko matupad mo ang pangarap mo ng hindi ako iniisip, you don't need to worry because I'll support you silently,"

"Bakit ba ang pangarap ko nalang ang lagi mong iniisip? Bakit ako nalang lagi?"

"After knowing who you are, I promised to myself that I'll make sure to make your dreams come true. You know? I also fell in love with you because I admire how you love your dreams, I can see that it can make you really happy," saad ko bago siya tiningnan.

"And I'll be really happy if you reached that precious dream of yours, kase naging pangarap ko na din iyon para sayo," saad ko.

"At kapag naabot na natin ang pangarap natin, sabay natin ulit hahanapin ang isa't-isa," saad ko bago ngumiti sa kanya.

"If that's what you want, just wait for me. I'll reached my dream first before reaching you, hindi ko hahayaan na pakakasalan kita ng wala akong maipapangakong magandang buhay para sayo," napangiti ako sa sinabi niya.

Touch Your Heart (CRS #6)Where stories live. Discover now