04

244 14 28
                                    

04 : Jelly bean

Tiningnan ko si Anna na tumayo sa tabi ko para kausapin si Markhus, hindi ako nag-abalang umalis sa pwesto ko kase ako ang unang lumapit kay Markhus.

*Markhus---"

"Uhm, Excuse me," nagsalubong ang kilay ko nung marinig ko iyong sinabi sa akin ni Anna.

Okay so wtf?

"Excuse me, nakita mo namang kinakausap ko pa siya diba?!" napahinto si Anna dahil sa sinabi ko sa kanya.

"Hayaan mo siya, sabihin mo na gusto mong sabihin," saad ni Markhus kay Anna.

"Bakit siya kinakausap mo tapos ako hindi?" naiinis kong tanong kay Markhus, tiningnan niya lang ako.

"Can you please excuse me? Naaabala mo kami eh," saad ni Anna kaya ngayon napunta na ang atensyon ko sa kanya.

"Baka ikaw yung nakakaabala," pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Oh kalma lang kayo," awat ni Riza sa amin bago niya ako inakbayan.

"Hayaan mo muna sila, may sasabihin lang ako sayo," bulong ni Riza sa akin kaya tumango ako bago tiningnan si Markhus at Anna. Syempre inirapan ko sila, nakakainis sila eh.

"Ano sasabihin mo?" tanong ko kay Riza, nagpalit sila ng upuan ni Denise para magkatabi kami ngayon ni Riza.

"May bago akong pinapanood," ngumisi ng makahulugan si Riza kaya nahawa na din ako sa ngisi niya.

Nung nakita ko na bumalik na si Anna sa pwesto niya agad akong tumayo at lumapit kay Markhus.

"Hoy! Jelly ako," ngumuso ako bago pinag-krus ang dalawa kong braso. Magkasalubong naman ang kilay niya habang nakatingin sa akin.

"Jelly?"

"Oo! Jelly ako! Parang gusto ko tuloy ng jelly bean," bumusangot ako bago inirapan si Markhus at bumalik na sa upuan ko.

Si Anna kinakausap niya tapos ako hindi?

"Guys, kain tayo mamayang uwian," yaya ko kila Denise.

"Fishball?" tanong ni Denise kaya tumango ako.

"Oo! Kaya huwag niyong gastusin mga baon niyo," saad ko sa kanila bago nilingon si Markhus, nung nagkasalubong ang mga mata namin tiningnan ko siya ng masama bago inirapan.

"Kung magalit ka akala mo jowa mo," rinig kong panunuya ni Denise sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya habang sapo-sapo ang dibdib ko.

"Ikaw ha, mapanaket ka," naiinis kong saad kay Denise.

Nung uwian na, kagaya ng balak namin pumunta kami sa fishball-an na sikat sa mga estudyante.

"Naalala niyo yung kaklase natin na kayang kumain ng kwek-kwek kahit mainit pa?" tanong ni Riza habang nilalagyan ng sauce yung binili niyang kwek-kwek.

"Kelan natin mapapatunayan na kaya niya yun?" tanong naman ni Denise bago sinubo ang fishball.

Agad akong tumayo sa kama ko dahil sa sobrang ingay ng alarm ko.

"Taeng life to," agad akong dumiretso sa banyo para maligo na.

"Good morning manong guard," nginitian ako ni manong guard habang pinapakita ko sa kanya ang ID ko.

"Aga ngayon ha," saad niya.

"Syempre," saad ko bago ngumiti.

"Pero mas maaga pa din dumating yung lalaking tinutukoy mo," saad ni manong guard bago niya ako hinayaang pumasok sa Unibersidad.

Dali-dali akong naglakad papunta sa room habang may malaking ngiti sa labi ko pero dahil naalala ko na naman si Anna at Markhus, agad na nawala ang ngiti ko at napalitan ng busangot.

Kumunot ang noo ko nung may nakita na naman akong bagay sa ibabaw ng desk ko.

"Ha? Kanino galing to?" inangat ko ang tatlong pack ng jelly beans na nakapatong sa ibabaw ng desk ko.

Inilibot ko ang aking paningin sa buong room para magkaroon naman ako ng ideya kung sino ang posibleng nagbigay netong mga jelly beans.

"Aga mo ha," napalingon ako kay Denise na kararating lang.

"Oo nga eh, pero naunahan pa din ako ng hinihintay ko," napagtanto ni Denise na si Markhus ang tinutukoy ko bago siya tumango at umupo na sa pwesto niya.

Tiningnan ko ang pwesto ni Markhus, nandoon ang bag niya pero wala siya.

Sana nasabi na sa kanya ni manong guard yung pinapasabi ko.

Ngumiti ako bago binuksan ang isang pack ng jelly beans.

"Want mo?" tinapat ko kay Denise ang jelly beans, kumuha naman siya ng limang piraso.

"Hanapin ko lang yung posibleng nagbigay sa akin neto," tumango si Denise kaya nginitian ko muna siya bago lumabas ng room dala-dala ang jelly beans na kinakain ko.

"Isa-isa lang ha," saad ko sa mga kaklase kong nasasalubong ko sa hallway habang kumukuha sila ng jelly beans.

"Salamat Ky," tumango ako bago ulit nagsimulang maglakad palabas ng building ng third years.

Hahanapin ko si Markhus para kulitin.

"Markhus my bebe labs!" magkasalubong ang kilay niya noong lumingon siya sa akin habang kasama niya ang ibang mga kaibigan niya.

"Bebe mo Valeria?" tanong ng isa niyang kaibigan bago siya sinuntok ng mahina sa braso.

Ngumisi ako bago lumapit sa kanila. Apat silang lahat na nasa bench na medyo malapit lang sa basketball court. Huminto ako sa harap ni Markhus noong tuluyan na siyang humarap sa akin.

"Gusto niyo?" tanong ko sa mga kasama niya bago nilahad sa kanila ang mga jelly beans.

"Para maging mabango ang hininga niyo---"

"Why are you sharing that with others?" napatingin ako kay Markhus habang ang mga kaibigan niya naman ay napahinto sa pagkuha ng jelly beans.

"Bakit? Sayo ba toh? Ikaw ba nagbigay sakin neto?" tinaas ko ang isa kong kilay bago nakakalokong tumingin sa kanya. Lalong nagsalubong ang kilay niya bago kinuha ang kaliwang kamay ko na may isang jelly bean, na isusubo ko na sana.

"Yeah," sagot niya bago kinain ang jelly bean na nasa kamay ko. Napahiyaw naman ang mga kaibigan niya na kanina pa pala kami pinapanood.

"Master Valeria niyo, gumagalaw na!"

Touch Your Heart (CRS #6)Where stories live. Discover now