BULLET-12

207 6 12
                                    

BULLET-12

"Bakit ako?" tanong ko sa kaniya habang diretsong nakatingin sa kaniyang mga mata.

"You are unique," malumanay ngunit seryosong wika niya. "Mayroon kang natatanging taglay na siyang pumukaw sa aking atensiyon. Hindi ko ito maipaliwanag pero sa lahat ng mga babaeng nakilala ko. Ikaw lang ang mayroon nito." Dagdag niya.

Hindi ko nagawang sumagot kaya ngumiti na lang ako. Itinuon ko ang aking atensiyon sa dagat. Masaya ako na natatakot. Masaya dahil gusto niya rin ako at natatakot dahil baka lokohin lang niya ako.

"If you think that i'll fool you, mali ka. I can't and will never do that to you, Stacey."

"Okay,then." Bigla kong wika na siyang ikinagulat niya. Pati ako ay nagulat din dahil sa aking sinabi.

"S-so you're allowing me to court you?" namumula at nauutal niyang wika. Cute.

Dahan-dahan akong tumango dahil alam kong hindi ko na mababawi ang aking sinabi. Naka-ilang 'Ama namin' pa ako bag siya dumating tas tatanggihan ko lang?

Tumayo ako at pinagpagan ang aking uniporme. Alas singko na, bumaling ako sa kaniya na kanina pa nakatingin sa akin. Ngumiti ako.

"Mauuna na ako. I need to rest before going back home." Paalam ko.

Hindi ko na siya hinintay sumagot at nagsimula nang naglakad palayo. Nakasalubong ko pa yung mataray na babae pero hindi ko siya pinansin. HAbang papaakyat ng hagdan ay tumunog ang aking cellphone.

'Nica calling...'

"Hey?" pagsagot ko.

"Bored. Pwede naman na akong maglakad can I check on the patients sa ward? I need your permission."

I chuckled when I heard what she just said. "Yeah. Go on. Take your time and enjoy." Wika ko at pinatay na ang tawag.

Nakangiti akong nagtungo sa aking tinutuluyang silid. Pagkalock ko ng pinto ay tumili ako pero mahina lang. Damn it! Ngayon lang ako kinilig ng ganito.

"Haba ng hair, Stacey." Wika ko sa sarili ko habang nakatingin sa repleksiyon ko sa salamin.

Hindi mawala-wala ang mga ngiting nakaguhit sa aking labi kahit sa pagligo ko. Hindi naman ako siguro mababaliw. It's not new to me na may mga nanliligaw o umaamin sa akin,but,this time. The feeling was surreal.

Ibinalik ko ang dress uniform sa aking bag at sinuot ang BDA. Nilinis ko muna saglit ang silid na iyon bago lumabas.Saktong pagkalabas ko'y bumukas din ang pintuan ng silid na tinutuluyan ni Vincent.

I calmed myself first before facing him. Ramdam ko ang mga tingin niya pero nanatili akong nakatungo at nakahawak sa doorknob. Titigan lang ba niya ako? Akmang maglalakad na ako papaalis nang sbigla niya akong tinawag.

'wew'

"Uy! Lieutenant hehehe," parang nanginig ang kalamnan ko nang marinig ko siya.

"Captain," wika ko naman at liningon siya.

"Di muna ako makakabalik kasama mo," nakangusong wika nito. "May meeting pa daw kami eh. Mag-iingat ka ha!"

'weirdo.'

"Areglado." Tipid kong wika at tinalikuran na siya.

Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa akin pero hindi ko siya nilingon.Pagkarating namin sa labas ay mapanuksong tingin ang ipinukaw sa amin ng ilang tao. {inanatili ko ang aking seryosong ekspresyon at inilibot ang tingin sa kanila.

"Stacey," tawag sa akin ni Vincent kaya ko siya nilingon.

"Yes?" I asked him informarly.

"Y-you can stay if you want." Nakangising wika niya.

Matagal ko siyang tinitigan hanggang ang ngising iyon ay naging isang ngiti. Pinigilan ko ang aking sarili na madala sa kaniyang matamis na ngiti pero hindi ko kinaya. Sinuklian ko lang iyon ng isang matamis na ngiti at iling.

" I can't. I have a patient waiting for me." Malumanay kong saad.

Tumango naman siya. "Susunod ako sa iyo.Pupuntahan kita sa opisina mo." Seryosong sabi niya.

"Okay, I'll wait for you then. Take care." Wika ko sa kaniya bago tuluyang maglakad patungo sa parking area.

Hindi na siya sumunod sa akin. At hindi ko naman na inasahan iyon. PInanood niya lamang akong maglakad hanggang sa makaliko na ako sa parking. Papasok na sana ako sa sasakyan nang biglang may humawak sa aking kamay.

"Vin—" napatigil ako sa pagsasalita nang makita kung sino iyon. "Private Maligsay," tawag ko.

Pansin ko ang pag-irap niya sa kawalan. "Tss. Kilala mo pala ako? Malamang ako lang naman ang nauna kay Cap—" hindi ko siya hinayaang matapos.

"Is that how you greet your superior? PRIVATE Maligsay?" sinadya kong i-emphasized ang kaniyang ranggo.

"Hindi ko suot ang uniporme ko." Mariing wika niya. Umakyat naman ang dugo ko sa aking ulo. Ano bang problema nito.

"But I think you're not that stupid para hindi makitang naka-uniporme ako." Kalmado pero seryosong sabi ko sa kaniya.

Natigilan naman siya sa aking sinabi. Kitang-kita ang pagka-pahiya niya sa kaniyang mukha. Susugod-sugod kasi ng walang dahilan. She don't have class. Tsk.

Dahang dahan siyang tumayo ng tuwid at sumaludo. Pero hindi ko iyon pinansin. Baha siya diyan. That's her punishment for her unmannered actions. Isang mabigat na kasalanan ang hindi pagbigay saludo sa nakakataas sa iyo sa organisasyong ito. And she even grabbed my arms,hard.

"Stay like that hangga't nakikita mo pa ang sasakyan ko. If you think I'm abusing my powers, no. This is your disciplinary action." I told her straight on her face. Kitang kita ko naman ang paglunok at pagpipigil niya ng galit.

Aalis na sana ako sa harapan niya nang bigla kong maalala ang sasabihin niya sana kanina. Nauna, huh??

"Anyway, nauna ka nga pero ako ang kasalukuyan at wakas niya. Understood?" hindi ko alam kung bakit iyan ang lumabas sa aking bibig. " And one more thing, the audacity of you to grabbed someone's arm na hindi mo naman ka-close." Sarcastic kong wika sa kaniya.

Pumasok ako sa loob ng aking sasakyan at pinaharurot ito. Iniwan ko siyang nakasaludo pa rin sa akin. That's what you get if you disrespect your superiors. Disiplina ang pinaka-importanteng bagay na dapat mong taglayin kapag papasok ka sa military.

Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang aking sarili. Itinigil ko muna ang aking sasakyan sa isang convenient store upang bumili ng tubig. Pagkabili ko ay bumalik na ako sa sasakyan. Biglang tumunog ang aking cellphone, sign na may text.

From Captain Enriquez:

'Tama ka. Ikaw ang kasalukuyan at wakas ko. 🤍' 

The Bullet's Affection [Battle Above the Clouds Series #3]Where stories live. Discover now