BULLET-01

451 13 27
                                    


Stacey Rvynz Chua

"Dalian mo naman,Nica!" sigaw ko kay Nica na kasalukuyang tinatanggal ang kaniyang BDA.

Kakatapos lang namin ngayong magtraining. Actually 30 days pa bago namin tuluyang matawag na military doctor ang aming mga sarili.

"Teka naman! Excited?!" pabalik na sigaw niya bago tumakbo sa banyo.

Napailing na lamang ako at ipinagpatuloy ang pag-aayos sa sarili. Napalingon ako kay Nica nang lumabas siya mula sa banyo. Halos mapanganga ako nang makita ang kaniyang suot.

"Hoy! Kasal ang pupunyahan natin! Hindi libing!"

Umirap lang siya sa akin at inayos ang itim niyang dress. She's really inlove with black kaya naman kahit kasal o binyag ang pupuntahan namin nakaitim ito.

Minsan nga nagattend kami ng binyag nakafull black ang gaga. Pinasadahan ko muna ang aking itsura sa salamin.

I am wearing a blue pencil dress and my blue pumps partnered with a blue Christian Dior handbag. Di halatang babad sa ako sa araw mabuti na lang at hindi ako umitim.

Pagkalabas ko ay napatingin ako sa secondfloor ng building na nasa harap ng medi cube. I was in awe when i saw a man--topless man in the terrace. Nakaside view ito pero halata pa rin ang kakisigan at magandang features nito sa mukha.

"Oh? Tingin tingin mo diyan? Type mo si Gen. Del Pilar noh?" napalingon ako sa lalaking nagsalita sa tabi ko.

Halos malaglag ang panga ko nang makita ang gwapong nilalang na nasa tabi ko. Natauhan din ako kaagad nang marealize kong natulala na ako sa chismosong ito.

"Tsk. Ano?" mataray kong tanong.

"Bingi. Ang sabi ko type mo ko no kaya ka natulala."

Napaawang ang bibig ko sa narinig. Ang kapal ng mukha pero gwapo naman. Kaso chismoso at feelingero

"Yuck nanaginip ka yata!" inis kong sabi at tinalikuran na siya.

Pagkarating ko sa parking lot ay nakita kong nakasakay na si Veronica sa aking puting Ford Expedition. Naks,parang sa kaniya lang ah.

"Ang tagal mo naman mahal na reyna." sarcastic na sabi nito sa akin.

"Pasensya na alipin." ganti ko

Minura  niya ako kaya natawa na lang ako. Nagsimula na akong magdrive papunta sa simbahan kung saan ikakasal ang aking pinsan.

Actually kinasal na iyon pero sa huwes ngayon namang tapos na ang pandemic ay ikakasal siya sa simbahan. Sana all nalang.

"Sino ba kasing ikakasal at kailangang nandon ako?!" wika ni Veronica.

"Ay babaeng to! Kasal ni Alliah! Wag mong sabihing nakalimutan mo regalo mo?!"

Natigilan siya saglit kaya bigla kong prineno ang aking sasakyan. Seryoso? Nakalimutan niya talaga?

"Char lang. Sige drive ka na." natatawang wika niya.

Inirapan ko lang siya at nagpatuloy na sa pagdadrive. Habang nasa biyahe ay kumakanta pa ito ng OPM songs. Makabayan ang babaeng ito eh.

She's Veronica Estrelle Flores, my bestfriend. She fights for what she believes in, no matter the cost. She has a sharp intellect that helps her respond to situations deftly. That's the best words i can use to describe her but most of all she's a goddess. Pero mas maganda ako. Char.

Pagkarating namin sa simbahan ay sinalubong kaagad kami nina Kuya. Si Veronica naman ay busy makipagkwentuhan kay Ate Stephanie. She's also talkative pala.

"Daebak! Your so cute Czianea!" gigil kong wika sa anak nina Kuya Jeff at Ate Elle.

Adopted lang si Czianea pero tunay na kadugo ang turing namin sa kaniya. Her dad sacrificed his life for my brother kaya ganun ko na lang kamahal si Czianea.

"Naks naman! Saan ang libing?" biro ni Kuya Jeff kay Veronica.

"Sayang eh isusuot ko sana to sa libing mo noon," banat naman ni Nica.

Natawa na lang kami sa bangayan nila. Pumasok na din kami sa loob ng simbahan dahil magsisimula na ang seremonya. Katabi ko sina Nica at Rain sa upuan.

Rain Racelis is one of our best anesthesiologist in our hospital. Batch namin ni Nica noong highschool. She's nice and so talkative kagaya ni Nica but cute.

Napatingin kaming lahat sa pintuan nitong simbahan nang bumukas ito. Pumasok doon si Alliah na nakasuot ng  white ball gown wedding dress and a veil. She's also wearing a tiara that really suit her. Mukha siyang prinsesa.

The wedding ceremony took place at ito na ang pinakahihintay ko. Ang batuhan ng bouquet. Kase ngayon pwede na akong makipagcatch. Well I'm into tulips kase kaya sobrang excited ako sa bouquet niya.

Pumwesto kami sa likod ng bride. Hindi sumali si Nica kase masakit daw ang kamay niya. Syempre buong araw yang nagwork out kahapon at nagduty pa sa medicube.

Napasigaw ako nang lumagpas sa akin yung bouquet. Nilingon ko yung nasa likod kong nakasalo. My jaw dropped when i realized who's that person is. Bakit siya nandito!

"Ikaw na naman?!" halos sabay naming sigaw na umagaw ng atensyon ng lahat. "Oh iyan na bouquet mo,"

Inilagay niya sa aking kamay ang bouquet bago umiwas ng tingin. Hindi ko na lang iyon pinansin at naglakad palayo doon. Oh my tulips!

"Hoy!Ano yon ha?" intriga ni Nica sa akin.

"Anong ano?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad papunta sa sasakyan.

"Ano yung sigawang naganap kanina sa inyo ni Captain Enriquez?" tanong niya.

Napatigil naman ako sa paglalakad at napatingin sa kaniya. Tama ba ang narinig ko? Captain?

"Anong department siya?" kinakabahan kong tanong dahil baka siya ang nakaassign sa aming training next week.

"Scout Ranger yun. Wag kang kabahan mamsh. Di sa atin naka-assign yon." sagot niya.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Baka kase pahirapan niya ako sa mga physical training namin. Malay ko bang opisyal yon.

Nag-stay kami buong gabi sa hotel nila Alliah dito sa Bulacan. Mabuti na lang at magkasama kami ni Nica sa iisang kwarto kaya hindi boring.

"Alam mo Acey, gusto kong magtime travel! Tas hahanap ako ng gwapong heneral doon na umiigting ang panga!"

Napalayo ako kay Nica nang marinig ang kaniyang sinabi. Nababaliw na yata siya. Parang kahapon gusto niyang pasukin ang laptop niya at yakapin si Goyo sa movie.

"Itulog mo na nga yan!" binato ko siya ng unan para matahimik na ito.

She just laughed at me before covering herself with the blanket. Lumabas na muna ako sa terrace upang magpalamig.

Napadapo ang tingin ko sa kabilang terrace na nasa tabi lang ng aming silid. Narinig ko kaseng may kumakanta. Lumapit pa ako dito hanggang sa maaninag ko na kung kaninong boses iyon nanggagaling.

A man wearing a tuxedo holding a guitar was singing. He has a jet black pompadour hair that really match his tanned skin. I looked at his face. He has a perfect jaw line,thick eye brows and a steely eyes. His lips are thin and perfect too.

Naglandas ang aming mga mata kaya napaiwas ako ng tingin. I know he caught me staring at him. Bakit ba kase ang gwapo niya! He's damn hot in his tuxedo paano pa kaya pagBDA na. How can a soldier like him be that handsome?

The Bullet's Affection [Battle Above the Clouds Series #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon