Bullet-05

252 6 64
                                    


BULLET-05


"She's still unconcious," rinig kong wika ni Dr.Castro kay Gen.Flores.

"Those NPA's are a piece of crap!" inis na sigaw ng heneral.

Naglakad ako palabas ng opisina dahil ayaw ko munang marinig ang kanilang pag-uusap. Sobrang na-stress ako sa nangyari. Ikatlong araw na ng coma ni Nica at wala pa ring progress.

Napatigil ako sa paglalakad nang may makita akong white rose na nakalapag sa isang lamesa. Dinampot ko ito at inamoy. It's still fresh. Kanino kaya ito?

"You like it?"

Nabitawan ko ang rosas dahil sa gulat. Napalingon ako sa lalaking nagsalita. Si Vincent lang pala.

Yumuko siya upang pulutin ang rosas sa lupa. He blew it and gave it to me while smiling. Naglakad siya papalapit sa lamesa at naupo roon.

"Ganda no?" tanong niya.

Tumingin ako sa hawak kong rosas at tumango. Naupo ako sa isang natumbang kahoy at tinitigan ito. Paborito ko ang puting rosas dahil napaka-peaceful nitong tignan.

"Paborito ko," wika ko sa kaniya.

Tumango-tango siya na para bang may inaalala. Bigla siyang tumingala sa kalangitan at may itinuro doon. Napatingin rin ako, isang agila pala.

"May kwento ako tungkol sa puting rosas," aniya na siyang nakaagaw sa aking atensiyon.

"Ano?" tanong ko sa kaniya.

Bumaba siya mula sa lamesa at naupo sa aking tabi. He get the rose from my hand and stares at i.

"My great great grandfather, Vicente Enriquez captured the heart of her wife not just because of his looks but also...because of white roses." Panimula niya. "15 white roses for his love."

Tinitigan ko siya dahil sobrang seryoso niyang magsalita. Muli niyang ibinalik sa akin ang puting rosas bago magpatuloy.

"Kwento sa amin ni Lolo Vincentro, ang tatay ni Daddy. Sobrang dami daw tanim na white roses ng kaniyang Lola Yza noon. Kwento daw sa kaniya ng Lola Yza niya dahil daw dito naging sila ng kaniyang Lolo Vicente." Kwento niya. "Kaya simula noon naging simbolo na ng pagsinta ang puting rosas sa angkan namin. Bawat lalaki sa aming angkan ay binibigyan ng puting rosas ang babaeng nais niyang iharap sa altar."

Namangha ako sa kaniyang sinabi. Mapapa-sana all na lang talaga ako. Ni isa wala akong alam tungkol sa angkan na pinanggalingan ko maliban na lang sa apilyedo nila na Carrasco.

"May nabigyan ka na ba ng white rose?" tanong ko.

Umiling siya sa akin at bigla na lang nahiga sa damuhan. Ipinikit niya ang kaniyang dalawang mata habang humihinga ng malalim.

"Sa mga naging girlfriends ko. Ni isa wala. Hindi ko nakikita ang aking sarili na papakasalan sila." Wika nito.

Magsasalita pa sana ako nang biglang kumalam ang aking sikmura. Damn, hindi pa pala ako kumain.

"Gutom ka?" tanong ni Vincent sa akin.

Nahihiya man ay tumango pa rin ako. Hindi ko rin naman maitatanggi kaya ano pang sense kung iiling ako.

"Maiwan muna kita rito," wika ko at tumayo na.

Aalis na sana ako nang bigla siyang bumangon. Pinagpagan niya ang kaniyang sarili at tumabi sa akin.

"Sama ako. Ililibre kita," tinaas-taasan pa niya ako ng dalawang kilay habang nakangisi.

"Sabi mo eh," naglakad na ako patungo sa cafeteria ng kampo.

Habang naglalakad kami ay napatingin ako sa hawak kong white rose. Ay halah! Hindi pa ito sa akin. Ibabalik ko ba?

Napatigil ako sa paglalakad nang madaanan namin ang grotto. Napatingin rin sa akin si Vincent kaya ngitian ko lang siya. Inilapag ko ang white rose sa tabi ni Virgin Mary.

"Tara na," saad ko at nauna na sa cafeteria.

Manghang tumingin lang sa akin si Vincent bago siya sumunod. Wala masiyadong tao ngayon dahil karamihan ay nagpapahinga sa kaniya kaniyang barracks. Umorder lang ako ng beef tapa at kaunting garlic rice. Si Vincent naman ay longganisa at white rice, siya rin talaga ang nagbayad.

Naupo kami sa gitnang table dahil mas malamig doon. Sinimulan ko nang kumain dahil gutom na gutom talaga ako. Kung bakit kase hindi ako kumain kaninang umaga.

"Hinay hinay. Patay gutom ka ghorl?" napataas ang kilay ko kay Vincent nang sabihin nikya iyon. "dejoke lang," bawi niya.

Napailing na lang ako sa kaniya. Parang bakla to—teka.Bakla?

"Bakla ka?" biglang tanong ko kaya siya nabilaukan.

Inabutan ko siya kaagad ng tubig dahil baka kung anong mangyari. Ubo pa rin siya ng ubo habang nakatingin sa akin. Patawarin ako ng taong ito.

"Saan mo ba nakuha yang tanong na yan? Hindi ako bakla. Babaeng to." Wika niya bago muling umubo.

"Akala ko kase! The way you talk kanina," paliwanag ko.

Natawa naman siya bigla kaya kumunot ang noo ko. Nababaliw na yata siya.

"Sa gwapo kong ito? Bakla ako? Alam mo ba kung ilang babae na ang umiyak dahil sa akin?"

Napaawang ang bibig ko dahil sa narinig. Napaka-feeling niya. Gwapo? Oo gwapo siya pero ang hangin niya.

"Ang hangin," pagpaparinig ko.

Nagpatuloy na lang ako sa pagkain habang siya ay nagkukuwento pa rin. Jusmiyong lalaki to. Mas madaldal pa sa akin.

"Alam mo ba nung highschool ako? May naging crush ako pero mas bata siya sa akin. Grade 10 ako habang siya grade 9. Sayang diko nakuha pangalan kase nung namatay yata yung kaklase nila na friend niya. Nagtransfer siya." Kwento niya.

Nabitawan ko ang aking kutsara. Naalala ko na naman yung pagkamatay ni Carmen noong highschool kami. I miss her so much.

"Bakit daw namatay?" tanong ko.

"Sa pagkakaalala ko nabundol siya ng truck sa harap ng Esteban Academy dun sa school namin," sagot niya bago uminom ng juice.

That's the school where we studied back in high school. I transferred noong namatay si Carmen dahil nasaksihan ko iyon. I got traumatized.

"Sayang talaga! Sana pala kinuha ko name niya noon." Wika muli ni Vincent.

Magsasalita sana ako nang biglang may maglapag ng brown envelope sa harap ko. Si Dr.Castro lang pala. Binuksan ko ang envelope para basahin ang laman nito.

"Transfer papers..." bulong ko.

"Order ni Gen.Flores. Sa PAGH ka muna magdu-duty hangga't di pa nagigising si Nica. Attending physician ka niya." Paliwanag ni Dr.Castro bago umalis.

Inagaw ni Vincent sa akin ang papeles pero ibinalik din. Mukhang di niya naintindihan ang ilang medical terminologies doon. Kaya lihim akong napangisi.

"Mas gugustuhin ko pang puro numbers yan.." aniya kaya diko na napigilang tumawa.

"Funny? Happy pill mo ako?" tanong niya kaya bigla akong sumeryoso.

Inirapan ko lang siya at isinilid muli ang papel sa loob ng envelope. Naglakad ako papaalis doon kaya naman sumunod siya.

"Mag-iimpake na ako. Maraming salamat sa libre, Captain." Wika ko sa kaniya.

"Welcome. Ihatid kita?" tanong pa niya sa akin.

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. He's too kind. Umiling ako sa kaniya bilang tugon sa kaniyang katanungan.

"I have my car with me," I politely answered.

Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa kaniyang ulsa. He gave it to me.

"Then I'll get your number instead, Lieutenant."

The Bullet's Affection [Battle Above the Clouds Series #3]Where stories live. Discover now