BULLET-08

217 10 8
                                    


BULLET-08


"Uy gagi birthday mo kahapon. Belated!" sigaw ni Nica habang kumakain.

I stared at her emotionlessly. Sinabi ko kaninang bawal pa siyang magsigaw sigaw kaso ang tigas ng kaniyang ulo. Sarap hampasin ng dos por dos.

"Kumain ka na nga. Tigas ng ulo mo eh." Wika ko sa kaniya.

Iniwan ko siya doon at ginawa ang aking rounds. Mabuti na lang at kaunti lang ang mga naa-admit dito ngayon. Habang papunta ako sa isang room ng pasyente ay biglang nagring ang aking telepono.

I saw Vincent's name on the screen so I answered it.

"Ano?" tanong ko.

"Wow, di uso ang hello?" biro pa niya. "Anong oras ka pupunta sa La Union bukas? Sabay na tayo!"

Napatampal ako sa aking noo. May byahe pala ako bukas para sa isang conference.

"Okay, sunduin mo ako sa bahay ng 4 a.m," wika ko at binaba na ang tawag.

Tinapos ko kaagad ang aking rounds para pumunta sa HR. Medyo natagalan pa dahil biglang may batang sinugod sa emergency room.

"Thank God! Tapos na." I sighed and went to the elevator.

Pagkarating ko sa HR ay huminga muna ako ng malalim bago pumasok. I smiled at the person inside and closed the door. Hindi pa ako nakakapagsalita nang may iniabot na siya sa aking papel.

"You can now go, Lt.Chua. Naipagpaalam ka na ni Captain Enriquez." The personnel said.

I just thank him and went out. Wow. I took my phone out of my pocket and dialed Vincent's number.

Eksaktong nasa loob na ako ng elevator nang sagutin niya ito. I groaned when I heared him chuckling. Stupid.

"Hoy!" sigaw ko.

"Shouldn't you answer with a salute?"

I gasped when i realized that he have an higher position than me. I lazily responded a salute on him. Nakaduty pala siya.

"Captain...why mo naman ako pinagpaalam agad?" i asked him.

"Your welcome,"

Magsasalita pa sana ako ngunit binabaan na niya ako ng tawag. Dumeretso ako sa aking opisina at kinuha ang aking mga gamit. Bago ako lumabas ng ospital ay nagtungo muna ako sa kwarto ni Nica para magpaalam.

"Miss me?" bungad ko sa kaniya.

"Eew," umakto siyang diring diri.

I laughed when i saw her reaction. Umupo ako sa sofa na nasa silid niya at humiga. Dito muna pala ako, mamaya na ako uuwi.

"Mawawala ako ng tatlong araw. Pagbalik ko simula na ng duty mo," wika ko sa kaniya.

"Mabuti naman. Bagot na bagot na ako dito sa silid. Hindi ba maaring ako'y lumabas na ngayon?"

Napaawang aking bibig at napabangon ako. I blinked not just twice but thrice at her. Ngayon ko lang siya narinig na magsalita ng straight tagalog. Ganoon na lang ba ang epekto ng pagkakabagok niya?

"Wow, makata ka ghorl?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Ako lang to. Saan ka ba pupunta?" tanong niya.

Tumayo ako at pumunta sa may bintana. Binuksan ko ang kurtina doon dahilan kung bakit kami nasilaw dalawa. It's golden hour, my favorite time.

"La Union. Conference." Tugon ko sa kaniya.

"Ah..."

Sabay kaming napalingon sa pintuan nang biglang bumukas ito. Pumasok doon ang isang nurse na hingal na hingal. Nang magtama ang paningin namin ay nakahinga siya ng maluwag.

"Lt.Chua, nandito ka lang pala. Tawag ka sa taas." Wika niya.

"Bakit daw?" tanong ko naman. Out of duty na ako eh.

"May VIP." Aniya.

Napairap ako ng palihim at naglakad upang kunin ang mga gamit ko. I waved at Nica bago lumabas. Ano pa nga bang aasahan ko eh doctor ako slash militar pa. Walang day off o leave. If your duty calls you on time you need to give up your vacation.

Sinuot ko ang aking lab coat at nagpunta sa taas. I smiled at the people na nakakasalubong ko. Friendly ako.

"Good morning, Lieutenant. Room 12," wika ng head sa floor na ito.

Kinuha ko ang chart ng patient para icheck ito. I gasped when I saw Gen. del Pilar's name on it. Ibinalik ko iyon sa nurse at nagtungo na sa silid.

Pagkabukas ko ng pintuan ay napangiti ako nang makita siyang tahimik na nakaupo. Lalapit na sana ako sa kaniya nang biglang may humila sa akin. Inis kong tinignan ang taong iyon.

"Ano ba---sir?" naalerto ako nang makita si Vincent na suot ang kaniyang type A uniform.

"Ngiting ngiti ka? Hindi porket gwapo siya ngingiti ka na. Gwapo naman ako pero bakit hindi ganiyan ang ngiti mo sa akin?"

Napakurap ako ng ilang beses sa kaniya. Ano bang problema nito? Umirap na lamang ako at umayos ng tayo.

"Selos ka?" nakangising wika ko.

He blushed that made me chuckled. I can't deny the fact na naa-attract ako sa kaniya.

"N-no,"depensa nito.

"The why are you telling those words to me, captain?" I said in a seductive tone.

Tumalikod ako sa kaniya at nagtungo sa tabi ng heneral upang icheck ang kaniyang kondisyon. He's pale but in process of healing. Hindi naman ganoon kalala ang kondisyon niya.

"Pwede ka na naman pong umuwi bukas o mamaya. But I suggest for you to rest muna." I smiled at him.

He just nod at me and smiled. Tahimik siyang tao at halata naman sa mukha nito. May lahi kaya siya? He's eyes isn't that black, may touch of hazel brown and ash gray. Swerte magiging anak nito.

Umalis ako doon sa tabi niya at lumapit kay Vincent na nakatayo sa may pintuan at may hawak na travelling bag. Tinanggal ko na rin ang aking lab coat at inilagay ito sa aking braso.

"Alis na po ako," wika ko sa kaniya. Lalagpasan ko na sana ito nang bigla niya akong pinigilan.

"Wait, sasama ako."

Napalingon ako sa kaniya. "Sasama ka dahil?" tanong ko.

"I left my car sa kampo. At masiyadong malayo ang bahay ko dito." Aniya.

"Eh anong gusto mong mangyari?" tanong ko naman.

Lumapit siya sa akin kaya napaatras ako. Ilang pulgada na lang ang layo ng aming mga mukha sa isa't isa. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa aking tainga at bumulong doon.

"Uuwi tayo....sa bahay mo," aniya at hinawakan ang kamay ko bago ako hilain papalabas sa silid na iyon.

The Bullet's Affection [Battle Above the Clouds Series #3]Where stories live. Discover now