BULLET-07

205 6 7
                                    


BULLET-07

"Kailan ka ba magigising?" iritang tanong ko sa walang malay na si Nica.

Mahigit isang linggo na ako rito pero wala pa rin siyang malay. Buti malakas ang loob ng kaniyang mga kapamilya. Baka kung ibang tao na ito sumuko na sila.

Papalabas ako ng silid nang makasalubong ko si Jeruel,pinsan ni Nica. May hawak itong bata na sa tansiya ko ay nasa limang taong gulang. Anak niya?

"Kung iniisip mong anak ko ito. Nagkakamali ka. Anak yan ni Ivan," aniya.

Tumango ako at naglakad pero napatigil rin nang may na-realize. Tama ba ang narinig ko?

"Ivan?!" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo, anak nila ni Faith." Wika nito.

Iniwan nila akong nakatunganga sa pasilyo ng hospital. So tinaguan ng anak si Kuya Ivan? Kase 5 years ago, naghiwalay sila ni Faith. What the.

Pumasok ako sa opisina ko at laking gulat nang madatnan si Vincent na prenteng nakaupo. Kumakain na naman ito ng tsokolate na galing sa coffee table. Makapal.

"May sakit ka? Bakit ka nandito?" tanong ko.

"Uyy, nag-aalala. Char." Biro niya. Inirapan ko lang siya at naupo na sa swivel chair. "Nagpa-medical lang ako tapos dumeretso dito," wika pa niya.

"Ah—so bakit dito?" tanong ko muli.

Tumayo siya at naglakat papalapit sa direksiyon ko. He sat infront of my table.

"I'm bored." Sagot nito.

I chuckled when I heard what he said. Anong tingin niya dito sa opisina ko? Playground?

"Bumalik ka na nga sa kampo," kunot-noo ko siyang tinignan.

"Kung babalik ako. Mamaya na. At isa pa may rason kung bakit ako nandito," wika niya.

"Ano yun?" tanong ko.

Tumitig siya sa akin ng matagal kaya mas lalo akong nagtaka. He's weird

"Ikaw," seryosong wika niya.

Bumilis ang tibok nang aking puso nang marinig ang kaniyang sinabi. Ano ba itong nararamdaman ko.

"Kailangan mo kasing pirmahan itong medical report ko. Para makabalik na ako sa Camp del Pilar."wika niya at iniabot sa akin ang isang brown envelope.

Napaawang ang bibig ko sa narinig. Bakit ba hindi ko naisip ito? May inaasahan ba akong ibang ibig sabihin ng sinabi niya kanina? My gosh,Stacey.

Kumuha ako ng ballpen mula sa aking drawer at pinermahan na ang papeles. Ibinalik ko iyon sa kaniya na siyang ikinangisi ng malapad.

"Saya ka?" pilosopong tanong ko.

"Mas masaya pa sa happy," wika naman niya.

Kumalam ang sikmura ko kaya tinignan ko ang oras. Alas tres na pala pero di pa ako naglunch. May 6 hours pang natitira sa duty ko. I stood up and get my purse.

"Saan punta mo?" takang tanong sa akin ni Vincent.

"Sa cafeteria," sagot ko naman.

Sumunod siya sa akin na hindi ko na ikinataka. Hindi alam kung bakit parang naging buntot ko na ito. Mga dalawang araw lang yata siyang hindi bumisita dito sa hospital. Konti na lang baka sabihin ko nang may gusto ito sa akin.

"Doc, pa-sign po itong discharge form ng patient sa room 34,"wika sa akin ng isang nurse na nakasalubong ko sa may corridor.

"Okay. Don't forget to remind him about his medicines. Kung ilang beses niya dapat i-take yun sa isang araw. And his wounds." Paalala ko sa nurse pagkatapos kong pirmahan ang form.

"Yes po," aniya at umalis na.

I just smiled at her and entered the elevator. Sumunod naman sa akin si Vincent. I stared at him from his reflection.

His BDA hugged his well-built body,well. His broad shoulder make him handsome and attractive. Men in uniform are really attractive.

Napahagikgik ako sa aking mga naiisip. Tumaas naman ang kilay ni Vincent sa akin kaya napailing ako. Nakakahiya ka Stacey.

"Lieutenant," tawag niya sa akin. "Kilala mo si Gen.del Pilar ano?"

"Yung bayani?" tanong ko.

Umiling siya sa akin. Inilabas niya ang kaniyang cellphone mula sa kaniyang bulsa. May ipinakita siyang litrato sa'kin.

"Ay yung sa 7th Infantry?" tanong ko. Tumango naman siya sa akin. "Bakit,Cap?" dagdag tanong ko.

"Nabaril din siya. And na-coma. Mga ilang araw lang ang agwat nila ni Lt. Flores," kwento niya.

Lumabas kami sa elevator nang tumigil ito. Naglakad kaming dalawa sa cafeteria. May iilang tao lang dahil hapon na.

"Hindi pa rin siya gising?" tanong ko.

"Hindi rin eh," sagot niya.

Kumuha lang ako ng sandwich at isang bottled water. Si Vincent ay tubig lang kasi kumain na daw. Kakagat na sana ako sa sandwich nang biglang mag-ring mga telepono namin. Halos magkasabay lang.

"Hello?" sagot ko.

"Dra.Chua! Gising na po si Dra.Flores!"

Parang musika sa tainga ko ang narinig. Finally! Tumingin ako kay Vincent. He's also smiling widely at parang naiiyak na.

"Gising na si Lt.Flores!"

"Gising na si Gen. del Pilar!"

Halos magkasabay naming sigaw. I just waved at him and ran toward the elevator. She's awake. My bestfriend is awake.

Naluluha akong pumasok sa loob ng kwarto. I stopped myself from hugging her. Kinalma ko ang aking sarili upang macheck ko ang kanyang vitals at iba pa.

"Nica, ano ba kasing nangyari sa iyo?Last week ka pang walang malay after nilang mahanap ang duguan mong katawan sa tabing ilog," wika ko sa kaniya.

Natulala siya sa kisame ng ilang segundo. Nagkatinginan kami ng nurse habang hinihintay ang kaniyang sagot.

"I don't know. Wala akong maalala. I mean hindi ko alam ang nangyari." Sagot niya sa akin.

Bumuntong hininga ako at ngumiti sa kaniya. I think she's still in shock.

"Okay Dra. Flores. You need to rest dahil once na okay ka na. You'll start working here in PAGH."

Tumango lang siya sa akin kaya tumalikod na ako at lumabas. I informed my officers about this para aware sila. Tinawagan ko rin ang mga kapamila ni Nica para makapunta sila dito.

Nica regaining her conciousness was the greatest thing happened today.It's August 25th of the year and i received a great gift.

I smiled at my reflection on the mirror and wiped my tears. I stared at the birthday cake infront of me. This was sent by my family. I'm still glad they remembered my birthday but i don't need a gift. I need them.

I was about to blow the candle when someone clicked the doorbell outside. Tumayo ako at inayos ang sarili bago lumabas at buksan ang gate. Pagkabukas ko ng gate ay natulala ako sa nakita.

Vincent is standing infront of me,still on his uniform. Holding a balloon and a bouquet. Hindi ko napigilang maiyak dahil sa nangyayari. I thought no one will be here.

"Happy birthday, Rvynz." He greeted with a wide smile.

I stepped forward and hugged him tight. I don't know how to thank him.

"Thank you," humihikbing wika ko sa kaniya.

Gabing gabi na ngunit parang nagliwanag ang aking mundo. Kinumpleto niya ang kaarawan ko. 

The Bullet's Affection [Battle Above the Clouds Series #3]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum