Bullet-02

303 11 25
                                    

Bullet-02




“Oh binibining marikit na dalangin ko~”

Nagising ako dahil sa ingay ng speaker ni Nica. Ang babaeng to talaga.

"Ano ba yan Nica!" sigaw ko habang kinukusot ang aking mata.

"Magising ka na kase! Sulitin ang isang linggong bakasyon! Magswi-swimming tayo ngayon." Excited na sabi niya habang nagsusuklay.

Wala akong ibang nagawa kundi ang bumangon na. Dumeretso ako sa banyo at naligo dahil wala naman sa plano ko ang magswimming. I just wore a simple floral beach dress and a hat.

"Oh bakit ka naligo? You will not swim?" takang tanong sa akin ni Nica.

"No. Masakit ulo ko, Nics. At isa pa ako magdadrive mamaya pabalik sa camp." wika ko habang sinusuklay ang aking maiksing buhok.

Napatigil naman siya sa paga-apply ng sunblock sa kaniyang kamay. She looked at me using her confused eyes.

"Uso magbasa ng emails." tipid kong wika bago tumayo.

Nakita kong nagmamadali niyang kinuha ang kaniyang cellphone. Natulala siya for a moment bago….

"Utang na loob naman!!! Last month na nga ng ating training tas ganito pa mangyayari?! Nasaan ang hustisya?! Heneral Luna send help!"

…nagsisisigaw.

Nagpapasalamat ako at nakasara ang mga bintana at pintuan. Higit sa lahat ang soundproof na kwarto na ito. Walang makakarining sa pinagsisigaw ng babaeng to.

"Ewan ko ba kung doktor ka o ano. May saltik ka na. Kaka-wattpad mo yan at kakanood sa mga historical drama. Nadamage utak mo." naiiling na wika ko sa kaniya.

Binato lamang niya ako ng unan bago magpatuloy sa ginagawa. Naririnig ko pang minumura niya ang commanding officer namin na lolo niya.

“Acey, swerte natin noh? Nakakuha agad tayo ng mataas na posisyon,”

Napatingin ako sa kaniya. Tama siya nakakuha agad kami ng mataas na posisyon hindi dahil sa mga koneksyon namin kundi dahil sa aming pagsisikap.

“Yeah, lady of luck sided us.” i said while watching her taking selfies.

“Tara na!” excited nitong sigaw at nauna nang lumabas.

Di man lang ako hinintay ng bruha. Kinuha ko na lamang ang aking leica camera at isinukbit iyon sa aking leeg.

Pagkalabas ko ng kwarto at saktong paglabas din ni Cpt. Enriquez na nasa katabi naming silid. Hindi ko siya kunware napansin at naglakad na.

Naramdaman kong nakasunod lang ito sa akin. Pagkalabas ko ng hotel ay sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. I look around to find Nica.

“Chua!Dito!”

Napalingon ako sa pinanggalingan ng sigaw. It's Nica inside a 6 seater golf car. Lumapit ako sa kaniya pero pinatigil niya ako isang metro ang layo.

The Bullet's Affection [Battle Above the Clouds Series #3]Where stories live. Discover now