JUNE 03, 2013.
MONDAY 03:33PM
Nagtungo na sila ng Central, hindi sumama si Candice at Marco dahil meron daw itong mga importanteng gagawin. Sa ngayon ay labing dalawa lamang sila na nagtungo sa Central.
Ang tanging pinupuntahan nila dito ay ang amusement park na Playtime. Dito ang palagi nilang tambayan, at may kanya kanya na rin silang laro. Sina Maricar at Kyla na naglalaro ng shooting, si Justin na abalang abala sa paglalaro ng Tekken, ang sweet na sweet na mag-nobyo na sina Randy at Kathleen ay masayang nilalaro ang Whack-a-mole, at sina Julian, Killian at Nico na seryosong seryoso sa pagsayaw ng Just Dance sa Xbox kahit na maraming taong nanonood sa kanila. Samantala, nakaupo lamang sina Alfie, Joanna, Franklin at Luisa sa isang tabi habang pinanonood sina Julian.
Ilang saglit pa ay nakaramdam ng gutom si Randy.
RANDY: Nagugutom na ko, kain na muna tayo.
Bigkas nya kay Kathleen.
KATHLEEN: Nagugutom ka na naman?
RANDY: Oo e, sige na kain na muna tayo.
Pumayag din naman si Kathleen. Katabi lamang ng amusement ang food court kaya't doon nilang dalawa na balak na magtungo, ngunit sa kanilang paglabas sa amusement park ay napansin silang dalawa ni Joanna.
JOANNA: Kathleeen!!
Sigaw nya, napalingon ang dalawa.
JOANNA: San kayo pupunta?
KATHLEEN: Dyan lang.
Sagot nya at itinuro nya ang food court. Agad na tumayo si Joanna.
JOANNA: Sama!
Dahil walang ibang magawa ay nagsisunod na rin sina Alfie, Luisa at Franklin. Anim silang nagtungo sa food court at iniwan ang iba na abala naman sa paglalaro.
Pumili sila ng pwesto at saka umorder ng kanya kanyang pagkain. Nang makabalik na ang lahat sa mesa ay tahimik silang nagsikain hanggang sa muli na namang nagtanong si Luisa.
LUISA: Kwentohan nyo pa kami dun sa ginawa nyo sa Baguio, parang di kayo masyadong nagkunwento.
JOANNA: Kinwento na namin kanina a.
LUISA: Yun na yun?
Tanong ni Luisa na parang hindi pa kuntento.
LUISA: Ilang araw ba kayo dun sa Baguio?
RANDY: One week!
LUISA: Oh, tapos ang unti lang ng ginawa nyo?
FRANKLIN: Oo nga, parang hindi kayo masyadong nagkukwento.
ALFIE: Kinwento na namin lahat, nakalimutan lang namin yung ibang nangyari.
LUISA: Ganun? Sayang talaga nuh, di ako nakasama.
Maswerte ka nga at di ka nakasama e, takbo ng isipan ng apat.
KATHLEEN: Oo nga pala, bakit di ka nakasama?
Tanong ni Kathleen kay Luisa upang ibahin ang usapan.
LUISA: Di ako pinayagan nila papa kasi masyado daw malayo yung Baguio. Delikado daw kasi yung daan doon e, tapos tayo-tayo lang yung magkakasama, kaya di sila pumayag.
KATHLEEN: Aaa.. Buti na lang di ka sumama.
Bulong ni Kathleen na narinig ni Luisa.
LUISA: Anong sabi mo, Kathleen?
KATHLEEN: Umm. a-ang ibig kong sabihin buti na lang di ka sumama, k-kasi kung pinilit mo yung parents mo, siguradong di ka na nila papayagan sa susunod. Hehe, hayaan mo, next time, lalapitan na lang natin.
Palusot ni Kathleen.
FRANKLIN: Ako din e, di rin ako pinayagan ng parents ko.
RANDY: Tinatanong?
Agad na banat ni Randy.
FRANKLIN: Share ko lang, Bakit?
RANDY: Bading ka kasi, kaya di ka pinayagan. Masyado ka kasing pa-chicks! Overnight nga lang para sa paggawa ng project di ka pa pinapayagan e.
FRANKLIN: Ganun lang talaga pag pinoprotektahan mo mahal mo sa buhay, I am being protected by my parents kaya di ako pinapayagan.
RANDY: Kaya kailangan ka pang protektahan kasi nga duwag ka tsaka mahina.
Batuhan nila sa isa't isa, samantala, tawa lang ng tawa sina Alfie sa mga pinagsasabi nila.
FRANKLIN: Hindi ako duwag, kaya ako pinoprotektahan, kasi importante ako sa kanila. Hindi katulad mo, hinahayaan lang na palaboy laboy sa labas, kaya ka lalong nasusunog e.
KATHLEEN: Itigil nyo na nga yan, kumain na nga lang kayo.
Bigkas ni Kathleen sa kanila, nanahimik ang mga ito. Sa bandang huli nagtawanan lang sa isa't isa sina Randy at Franklin.
Si Franklin Corpuz ay ang katropa nila na anak ng isang pulitiko, mahilig syang tumugtog ng mga musical instruments at kahit anong intruments ay alam nyang gamitin. Muli na namang nanahimik ang kanilang mesa.
ALFIE: Paabot nga ng toyo.
Pakisuyo ni Alfie kay Franklin. Iniabot ni Franklin ang toyo, pagkakuha ni Alfie ay kanyang natabig ang red iced tea ni Randy at natapon ito sa kanang braso niya. Agad na napatayo at napamura si Randy habang napasigaw naman si Kathleen dahil gulat dahilan upang makapukaw sila ng atensyon ng ibang kumakain.
ALFIE: Sorry!
Sambit ni Alfie.
RANDY: Ang careless mo, Alfie.
JOANNA: Buti na lang nakatayo ka kaagad at sa braso ka lang natapunan.
Kumuha agad ng tissue si Kathleen at agad na ipinunas sa mesa at sa braso ni Randy. Samantala, merong isang bagay na napansin si Franklin.
FRANKLIN: Anong nangyari dyan?
Tanong nya kay Randy.
RANDY: Natapunan ng juice, di mo nakita?
FRANKLIN: Tange! Hindi yun, yung tinutukoy ko yung peklat mo sa braso, anong nangyari dyan?
Nagkatinginang muli ang apat, sina Alfie, Joanna, Kathleen at Randy at di na naman malaman kung ano ang ibibigay na sagot. Samantala, napansin na din ni Luisa ang tinutukoy ni Franklin. Sa braso ni Randy, nakita niya ang isang peklat na pahaba, nagsimula na rin syang magtaka at magtanong.
LUISA: Oo nga, anong nangyari dyan? Dati naman wala yan a.
JOANNA: Umm.. Ano yan, napaso ng plantsa.
Napatawa na lamang si Franklin sa sagot ni Joanna.
FRANKLIN: Seryoso? Napaso yan ng plantsa?
KATHLEEN: Er.. Oo, nung bakasyon lang, tatanga-tanga kasi, hindi nag-iingat.
Bigkas ni Kathleen habang tintitigan si Randy na makisakay na lang sa paandar ni Joanna.
RANDY: a.. Oo, napaso 'to ng plantsa.
Napilitang pagsang-ayon ni Randy. Bakit kasi sa dami ng idadahilan, sa plantsa pa.
FRANKLIN: Grabe ka naman sa sarili mo, Randy. Negro ka na nga, sinusunog mo pa lalo sarili mo.
Insulto niya kay Randy. Walang ibang magawa si Randy kundi tawanan na lamang ang sinabi ni Franklin. Mas ok na yun kaysa naman malaman pa nila kung ano yung tunay na nangyari noong bakasyon.
Matapos nilang kumain ay bumalik silang muli sa amusement park at muling nagsaya.
ΦΦΦ END OF PART V ΦΦΦ
YOU ARE READING
The Game Maker: Dice Game
Mystery / ThrillerThis is a story of friendship, trust, loyalty, vengeance, hatreds, secrets and games. It is not like any other horror-student stories that has cursed section or whatsoever. This story is new and a pure mystery. You will see no certain protagonist an...
Dice Game - PART V
Start from the beginning
