Dice Game - PART V

Start from the beginning
                                        

ALFIE: Paano napunta sa'yo 'to? Ang alam ko nasa bag ko to e. Kinuha mo nuh!

MARCO: Hindi a, naiwan mo yan nung last day ng school year, last year. Nauna kang umuwi nung araw na yun tapos nalaglag mo ata yang ID mo. Tapos ako yung nakapulot.

ALFIE: Ganun! Tapos di ka man lang nagtext na nasa'yo pala yung ID ko.

MARCO: Wala lang. Gusto lang din kitang pagtripan.

KILLIAN: Grabe, Bully talaga 'tong si Marco.

At nagtawanan silang lahat

ALFIE: Talaga?.. Ang alam ko talaga nasa bag ko lang 'to.

Patuloy na pagtataka ni Alfie.

JULIAN: Kailan ka ba unang nag-check nung bag mo magmula nung bakasyon?

ALFIE: Last week lang!

JOANNA: Tignan mo, last week lang pala.

JUSTIN: So, since nung bakasyon. Hindi mo binuksan yang bag mo?

ALFIE: Hindi..ay Oo, binuksan ko! Dala ko 'to nung nagpunta tayo ng Baguio ei. Pero di ko napansin na wala na pala yun nung araw na yun.

Natahimik sina Candice, Maricar, Randy, Justin, Kyla, Nico, Julian, Joanna at Kathleen ng marinig nila ang salitang Baguio. Samantala, patuloy pa rin sa pakikipagbiruan sina Franklin.

Napansin din ni Alfie ang naging reaksyon nina Maricar. Kaya't medyo nanahimik sya.

LUISA: Ay, oo nga pala nuh! Kumusta nga pala yung vacation trip nyo dun? Hindi pa kayo nagkukwento sa'men tungkol dun.

Tanong ni Luisa, nakatingin sina Joanna ng masama kay Alfie dahil sya ang naging dahilan ng pag-open ng topic tungkol sa Baguio.

NICO: Kukuha lang muna ako ng reg. form.

MARCO: Ako din, di pa ako nakakakuha.

Palusot ni Nico, umalis sya na kasama si Marco.

MARICAR: Punta lang ako ng CR.

KYLA: Ako rin, kailangan ko na ring mag-CR.

Umalis ang dalawa at nagtungo ng restroom.

JUSTIN: Nagugutom na ako.

JULIAN: Ako din, tara punta tayo ng canteen.

Yaya nito kay Justin. Umalis ang iba dahil sa pag-iwas sa tanong ni Luisa. Samantala, wala paring sumasagot sa tanong ni Luisa at ang mga natira na lamang ay sina Joanna, Randy, Alfie, Kathleen at Candice.

JOANNA: Umm.. Masaya! Sobra.. Hehe.

Palusot ni Joanna.

LUISA: Talaga? Nakakainggit naman.

FRANKLIN: Anong ginawa nyo?

ALFIE: Umm.. Nag ano kame.. nag.. nag horseback riding kame.

LUISA: Talaga? Ang saya naman nun. Ano pang ginawa niyo?

JOANNA: Umm.. nag ano rin kame.. nagpunta kami sa maraming strawberry field. Tapos kumain kami ng maraming strawberry.

Si Luisa Darmis ang isa pang myembro ng tropa nila, medyo may pagka-isip bata ang isip at boses nya. Mayroon syang lihim na pagtingin kay Jerry at ganun din si Jerry sa kanya. Ngunit di lang nila kayang aminin sa isa't isa dahil sa takot na baka mabigo.

Nagpatuloy sa pagkwento at pagsisinungaling sina Alfie at Joanna. Samantala, mukhang paniwalang paniwala naman sina Luisa, Franklin at Killian sa kwento ng dalawa.

The Game Maker: Dice GameWhere stories live. Discover now