Dice Game - PART V

Mulai dari awal
                                        

Nagmadaling pumunta si Ian sa pwesto ng mga katropa nya. Samantala, naiwan si Nico at nakahinga ng malalim.

NICO: Hai, buti na lang.

Nagpatuloy sa paglalakad si Nico hanggang sa nakita niya kung saan nakapwesto ang kanyang mga katropa.

Naroon magkakasama sina Randy, Maricar, Kathleen, Luisa, Candice, Marco, Killian at Franklin. Nagbatian sila ng magandang umaga sa isa't isa.

NICO: Tapos na kayong kumuha ng register form?

RANDY: Oo. Kanina pa.

LUISA: Uy, nagyayaya nga pala kanina si Joanna. Sabi nya, after daw nating makakuha ng reg form, Central daw tayo mamaya.

Bigkas ni Luisa. Ang Central ay isang mall kung saan sila gumagala at nag-eenjoy kapag mahaba ang vacant time o kaya naman in-announce na suspended ang klase.

NICO: Sige ba!

Agad na sang ayon ni Nico.

NICO: Teka, nasan nga pala sila Joanna?

KATHLEEN: Kumukuha pa sila ng reg form.

Limang segundo pa lamang ang lumilipas ay nagpakita na agad sina Joanna.

MARICAR: Oh, andyan na pala sila ei.

Magkakasamang nanggaling sa registrar sina Joanna, Alfie, Justin, Julian at Kyla.

JOANNA: Ay grabe ang haba ng pila!

Bungad ni Joanna sa kanila.

KYLA: Oo nga, meron pang mga nakikisingit.

LUISA: Dapat kasi inagahan nyo.

Napansin naman ni Franklin na iba ang timpla ng mukha ni Alfie.

FRANKLIN: Oh, anong nangyari kay Alfie? Bakit nakasimangot yan?

JUSTIN: Paano kasi, yung ID nya, nawala nya.

FRANKLIN: Weh? Pano ka pinapasok ng guard, e wala kang ID.

ALFIE: Sinabi ko freshman ako.

KILLIAN: Adik! Paano yan, magpapagawa ka ng bago?

ALFIE: Malamang!!

Pabulyaw na sambit ni Alfie, tinawanan lamang sya ng kanyang mga kaibigan.

ALFIE: Pero, imposible talaga ei. Alam ko nasa bag ko lang yun nakalagay ei.

CANDICE: Baka naman na-misplace mo sa bahay nyo?

ALFIE: Ewan, pero alam ko nasa bag ko lang yun ei tapos last week ko lang nalaman na nawawala na pala yung ID ko.

RANDY: Yan! Burara kasi.

MARICAR: Try mo muna hanapin sa bahay nyo. Malay mo nandun lang.

MARCO: Nasa akin!

Bigkas ni Marco, napalingon ang lahat sa kanya. Si Marco Quesada ang pinakatahimik sa buong tropa at sa buong klase, matalino at magaling sa Math. Natatawa na lamang ang lahat sa kanya kapag nagbibiro sya at nambabara dahil madalang lamang syang magsalita.

ALFIE: Anong sabi mo Marco?

MARCO: Sabi ko nasa'ken yung ID mo.

Nagulat naman at nagtaka ang lahat. Kinuha ni Marco ang ID sa bag nya bilang patunay na nasa kanya nga ito. Laking tuwa ang naramdaman ni Alfie nang makita nyang muli ang ID nya. Iniabot ni Marco ang ID kay Alfie.

The Game Maker: Dice GameTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang