Chapter 4: Road To Popularity

143 4 3
                                    

  Naghahanda na nga akong pumasok sa school. Ewan ko ba pero parang excited akong pumasok ngayong araw. Parang first day of classes yung feels, ganong level ng excitement. Siguro kasi... this is my first day of being officially part of the Saturday Squad.

  Pagkalabas ko ng bahay nakita ko kaagad si Sofia na nakaupo sa lapag sa tapat ng bahay nila, agad naman niya akong binati ng makita ko siya, "Heyyy" sabi niya sa akin. "Hi!" Bati ko pabalik. 

"We're friends now right? Gusto mo sabay na tayo pumasok?" Aya niya sa akin. 

"Sige" Sagot ko naman sa kanya.

 Tumayo na siya sa kinauupuan niya, sinuot na rin niya ang bag niya na punong puno ng mga pins at mga handpaint drawings. You can really tell Sofia loves art by just looking at her stuff, and even by just looking at her! She has this bangs na medyo bitin yung pagkaikli and she totally looks good with it, not a lot of people can pull that off!

  Magkatapat kami ng bahay ni Sofia ever since, pero ngayon lang kami magsasabay pumasok, madalas din kasi na palagi silang sabay ni Lawrence.

  Habang naglalakad kaming dalawa, pansin ko na medyo badtrip at wala siya sa mood.

"Bakit di mo kasama si Lawrence ngayon? Diba palagi kayong sabay pumasok." Tanong ko sa kanya.

"Nag away kami kagabi." Sabi niya nang may pagbuntong hininga.

"Oh I see... bakit naman kayo nag away?"

"Papano puro na lang kasi siya ML!" Galit na isinigaw ni Sofia.

I responded, "Ugh!... Every straight boys ever."

"I know right! Ewan ko ba sa kanya palagi na lang siyang ganyan!"

"Haaayyyy... I'm just so glad that I'm not experiencing that kind of stuff. Perks of being single since birth." I jokingly said.

And then Sofia starts to get silent, and then she said; "To be honest, nagseselos ako sa mga single na tao katulad mo."

I quickly replied, "Huh? Bakit naman? Mas kaselos selos nga kayong may mga jowa na eh."

"Really? I don't think so. Sige nga bakit naman kaselos selos kaming mga taong in a relationship?"

I tried my best to answer her question, "Well... hindi ko alam. Siguro—kasi—may nasasandalan kayo sa mga panahon na nahihirapan kayo. Pinupush niyo yung bawat isa na mas maging mabuting tao..."

"Well... tama ka naman diyan." She agreeably said.

"...Eh kami namang mga single..." I continued speaking, "Wala. 'pag nahirapan kami, literal na kami lang din yung mag chi-cheer-up sa sarili namin."

  We continued walking, and Sofia went silent again. Nakikita ko sa mga muka niya na para bang gusto na niyang umiyak pero pinipigilan niya lang. After a few seconds, out of nowhere, she just started ranting.

"Alam mo... minsan iniisip ko rin sa sarili ko, ano kayang itsura ng buhay ko ngayon kung wala akong jowa? I mean... I've been in different relationships my whole entire life! And I was just a kid, I still am a kid. I'm literally still in grade 10, I'm literally just 15 yrs. old... Did I even live my childhood? Did I even really get to play with my friends? I was always with my boyfriend, we're always beside each other at like every hour of the day. Wala akong ibang nakikita kundi yung jowa ko. Ginawa ko siyang mundo ko... and I didn't do it in a good way. Alam mo kung mababalik ko lang yung oras, babalik ako sa panahon kung saan bata pa ako at eenjoyin ko yung pagiging bata, yung mga panahon na wala akong jowang pinoproblema. Why did I ever think that being in a relationship was a racing contest!? Bakit ko ba masyadong minadali yung pag mamahal? The relationship that I'm currently in... is this even love?" She stopped walking. Nakatulala lang siya. Napahinto naman rin ako sa paglalakad at tinitigan ko lang si Sofia. 

Saturday SquadWhere stories live. Discover now