Chapter 2: Ukay Ukay with a Twist!

128 8 6
                                    

  It's Saturday today, at naisipan kong mag ukay dahil kailangan ko na ng mga bagong damit.

  So ako lang tao dito sa loob ng ukay, and I'm looking for cute outfits that is also on trend. Habang nagtitingin ng mga damit, may narinig akong malakas na tawanan galing sa pintuan. Tinignan ko kung sino ang mga ito, at nagulat na lang ako na it's the Saturday Squad! Medyo naintimidate ako sakanila, ayokong makita nila ako, kaya naman nagkunwari na lang ako na tumitingin at nag hahalungkat sa mga damitan. Halungkat lang ako ng halungkat ng mga damit kahit wala naman ng mahalungkat! I mean, there is nothing more intimidating than seeing a group of teens the same as your age when you're just by yourself!

  Habang nagkukunwaring tumitingin sa mga damit, napansin ko na nakita na ako ni Kayla, "Hi Jeff!" Masayang bati niya habang lumalapit siya saakin. Kayla has a very bubbly face and a cute smile which makes her very approachable. "Hi...." Bati ko pabalik. Kayla approach others to greet me, "Uy guys, andito din pala si Jeff oh". Nakita na rin ako ng mga iba at binati din nila ako, yung mga iba nginitian ako, at yung mga iba naman ay hindi ako pinansin.

"Ikaw lang mag isa?" Tanong sa'kin ni Kayla.

"Oo" Nahihiyang isinagot ko.

"Oh okay" Sagot ni kayla sa akin habang may pinagmamasdan siya sa likod ko. 

  Pumunta na nga siya sa likod ko. Tinignan ko naman kung ano yung pinuntahan niya, at nakita kong may tinitignan siyang mga jacket.

"Serenity, ano sa tingin mo mas maganda, etong pink or yung orange?" Tanong ni Kayla kay Serenity dahil hindi siya makapagdesisiyon sa kung anong jacket ang bibilhin niya.

  Tinignan ko naman yung mga jacket na hawak hawak niya, and my eyes immediately  went through the orange fur jacket, which I think a color that would suit her very well. Kaya naman sinagot ko ang tanong niya, "Yung orange, mas bagay siya sayo, and color orange is very trendy these days."

  After kong magsalita, Serenity and Kayla just stared at me, at bigla akong nahiya. I looked at Serenity's face, she's very pretty, she has a doll-like face but a naturally intimidating eyes. I was more intimidated by Serenity, her face is giving me such 'feeling close?' vibes. Ano ba yan! Bakit pa kasi ako sumagot! Hindi naman ako yung tinatanong eh, ugh!

"Oh I'm sorry... alam ko namang hindi ako yung tinatanong, just ignore me hehe." I said it to them while cringing so hard at myself!

Pero kaagad naman akong inapproach ni Kayla, "No, it's fine! I'm always open with suggestions naman." 

  And then pagkatapos niyang sabihin iyon, pinagmasdan pa niya lalo yung nirecommend kong orange fur jacket. 

"You know what... I'm gonna take your suggestion, susukatin ko 'toh, and if nagustuhan ko, I'm gonna buy it!" She said.

  I'm shookt that Kayla took my suggestion.

  She immediately grabbed my hands, "Halika!" Sabi ni Kayla sa akin habang hinahatak niya ako papunta sa fitting room. 

   Nasa tapat na kami ng fitting room, pumasok na siya dito. "Wait me there." Sabi niya habang nakatayo lang ako sa labas ng fitting room at hinahantay siyang sukatin yung jacket. After a few moments... the door finally opened, and I saw her wearing the orange fur jacket.

"Well you're not wrong with the orange, it does suit me! Thanks!" She said joyfully.

"You're welcome!" I replied.

  She stared at the mirror one more time, at pinagmasdan pa niya ang sarili niya na suot suot yung jacket.

"Sige una na ako ah, baka hinahanap na rin ako sa'min eh." Paalam na sinabi ko sa kanya.

Saturday SquadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon