Dice Game - PART IV

Começar do início
                                        

JERRY: And you think hindi sya nakahalata?

CANDICE: Ewan, bestfriend ko si Luisa, ok? May tiwala ako sa kanya.

JERRY: So, you admit. kinuwento mo nga sa kanya.

CANDICE: No, I didn't. tsaka kung malaman man nya, bakit sya mage-effort na gawin 'to? Pwede namang isumbong na lang tayo sa mga pulis, di ba?

JULIAN: May point si Candice. Kung may makaalam man, bakit di na lang tayo agad na isumbong sa mga pulis?

Muling tumahimik ang paligid.

KATHLEEN: Guys, Hindi sa nambibintang. But if ever na isa nga sa'ten ang Game Maker. I guess we already have a clue.

Napalingon ang lahat sa kanya.

RANDY: Anong ibig mong sabihin?

KATHLEEN: Well, umm.. Bago ako nagising sa lugar na 'to. Merong sumusunod sa'kin habang papauwi ako, hindi ko sya namukhaan ng takpan nya ng panyo yung bibig ko, pero narinig ko ang boses nya.

JESSICA: Kaninong boses? Pamilyar ba sa'yo? Isa ba sa'ten?

KATHLEEN: Hindi pamilyar sa'kin yung boses pero parang narinig ko na yung boses nya dati.

CANDICE: Ok? But it doesn't make any sense. Anong yung clue na sinasabi mo?

KATHLEEN: Ok,.. Yung boses na narinig ko.. boses ng isang lalaki. So, I'm saying. Maybe one of the boys is the Game Maker.

Nagulat ang lahat sa akusasyon ni Kathleen, lalo na ang mga kalalakihan.

ALFIE: You can't just say that

Bigkas ni Alfie dahil sigurado syang ibang boses ang narinig nya.

KATHLEEN: Bakit naman?

MARICAR: Kasi imposible.

KYLA: Pa'nong naging imposible? Boses din ng lalaki ang narinig ko.

MARICAR: Ewan ko, pero sigurado akong boses ng babae ang narinig ko.

JULIAN: Ako din.

Natahimik ang lahat. Napaisip ng malalim kung paano matatakasan ang problema.

HIKO: Teka, kung babae at lalaki ang narinig nating lahat. Ibigsabihin, dalawa ang Game Maker?

JERRY: Baka, Hindi natin sigurado, pero maaari.

Habang seryosong nag uusap ang lahat ay bigla na lamang tumalikod si Justin at Nico at naglakad papalayo.

ALFIE: Huy! San kayo pupunta?

Lumingon ang dalawa at parehong nakangiti na para bang tinatawanan lamang ang sitwasyon nila ngayon.

NICO: Magiikot lang.

KYLA: Teka, hindi pa tayo tapos mag usap.

JUSTIN: Wala nang dapat pag usapan, hindi nyo rin naman matutukoy kung sino yung Game Maker ei. Tsaka, malay mo niloloko lang kayo nyan.

NICO: Sang ayon ako kay Justin.

Nagtaka ang lahat sa kilos ng dalawa.

JESSICA: Uy, seryoso 'to hindi 'to biro. Dito muna kayong dalawa.

The Game Maker: Dice GameOnde histórias criam vida. Descubra agora