Dice Game - PART IV

Start from the beginning
                                        

Sinubukan ni Julian na tanggalin ito ngunit napakahigpit ng pagkakaikot nito sa katawan ni Hiko. Hanggang sa nakapa ni Julian ang isang pad lock sa likuran ni Hiko.

JULIAN: Kailangan ng susi, may pad lock sa likuran niya.

ALFIE: Susi?.. Yung garapon!! Baka nandun din yung susi niya. Maghanap tayo.. Nandito lang yun.

Hinanap nila sa paligid ang garapon o isang mesa na may nakapatong na garapon. Ngunit bigo sila. Malaki, maluwag at madilim ang buong paligid. Naisip nila na mahirap hanapin ang susi kung flashlight lamang ang kanilang gagamitin.

JESSICA: Walang susi, pano yan?

ALFIE: Imposible, meron yan! Maghanap lang tayo.

JOANNA: E wala nga tayong makita.

ALFIE: Meron yan!

Pagpupumilit ni Alfie.

JERRY: Makinig kayo kay Alfie, nasa paligid lang natin yung susi.

Napalingon ang lahat kay Jerry at nagtaka.

MARICAR: Paano mo nasigurado?

Bago pa man makasagot si Jerry.

NICO: Guys!!

Tinawag ni Nico ang atensyon ng lahat. Napatingin ang mga ito sa kanya.

KATHLEEN: Bakit, Nico?

NICO: Sa tingin ko tama sila Alfie.

Itinutok ni Nico ang flashlight sa itaas. Nakita ng lahat ang isang garapon na nakasabit sa itaas. Nakatapat ito kung saan nakaupo si Hiko, mga pitong talampakan ang taas nito mula sa lupa. Lahat sila ay nakatingala at nabigla sa kanilang nakita.

JULIAN: Yung susi!

Dahil si Alfie ang pinakamatangkad sya ang umabot ng nakalambitin na garapon. Sinubukan nyang tumingkayad upang ito'y abutin ngunit hindi man lamang dumidikit ang dulo ng kanyang daliri. Isa lang ang dapat niyang gawin. Tinalon nya ito at kanyang naabot ang garapon at nahila ang tali na nakatali dito. Kasabay noon ay ang pagliwanag ng buong paligid.

Namangha ang lahat sa kanilang nakita, ang buong paligid ay parang isang malaking bulwagan na may mga nakaukit sa bawat pader at kisame. Pabilog ang hugis ng buong paligid at sa gitna ng kisame nito ay isang malaki at magandang chandelier ang nakalambitin. Sa sahig ay mayroon ding nakaukit na isang malaki at magarbong compass, nakaturo ang north at south sa magkabilang lagusan, samantala ang east at west ay nakaturo sa magkabilang pader. Manghang- mangha ang lahat sa ganda ng paligid habang si Julian ay kinuha ang garapon kay Alfie at agad na pinakawalan si Hiko.

Sa kabila ng kanilang pagmamasid ay isang boses ang pumukaw at sumira ng kanilang atensyon.

VOICE: Hello!!

Bigkas ng isang boses na nag-i-echo sa buong paligid. Hinanap nila kung saan nanggagaling ang boses, ngunit wala silang makitang taong nagsasalita o miski speaker sa paligid.

VOICE: Kumusta?

Hindi nila maintindihan ang tunog ng boses, hindi nila mawari kung babae, lalaki o isang alien o demonyo.

KATHLEEN: Yan yung boses na narinig ko sa phone.

Bigkas ni Kathleen sa lahat. Agad na naramdaman ng lahat ang takot.

VOICE: Welcome!! Hinintay ko talaga ang araw na 'to.

RANDY: Sino ka?! Nasan kami?!

The Game Maker: Dice GameWhere stories live. Discover now