Chapter 17: Not Again

Start from the beginning
                                    

Napatango-tango naman siya. “Napag-usapan na rin namin ng mama mo ang tungkol sa bagay na ’yan. Kaya patuloy pa rin kaming nagmamanman sa paligid lalo na sa mga malalapit sa ’tin. Ayaw na naming maulit pa ang nangyari noon na mayroong nakalusot na traydor sa mismong grupo namin at isa pa sa mga pinagkakatiwalaan namin.”

Biglang lumungkot ang kanyang mukha. Alam ko na si Tita Althea ang tinutukoy niya.

“Pero kung mayroon man na pakalat-kalat pa rin sa paligid at humahanap lang ng tamang tiyempo para umatake ay subukan lang nila. But I’m afraid they’ll just be disappointed.”

Bakas ang determinasyon sa mga mata ni Papa na kahit kailan ay hindi ko nakitaan ng takot. Well, except for the times when he and Mama have a fight.

“That’s good to hear, then. Thanks.” Akmang tatalikod na ako nang muli siyang magsalita.

“Whatever it is that’s bothering you, I’m all ears anytime, son.”

Napatango ako sa kanya. “I will keep that in mind.”

For now, all I need to do is stay alert, not just for my own safety but also for that of my loved ones.

***

Pagkatapos ng naging usapan namin ni Papa ay napagpasyahan naming lahat na manood ng pelikula. The thing is that Flame was the one who chose the movie. And as usual, it was a romantic one, which I’m not really fond of.

Napapagitnaan nina Papa at Mama si Flame sa mahabang sofa habang nakaupo naman kami ni Emily sa single sofa. May nakahanda namang cookies at cake sa ibabaw ng center table na si Mama mismo ang nag-bake.

“Kumusta naman pala ang stay mo sa Australia, Emily? Do you have a boyfriend already?” Mama asked out of the blue.

Pinanatili ko lang ang atensyon sa pinanonood namin kahit na ang totoo ay bored na bored na ako nang dahil sa pagiging cheesy masyado ng mga lead stars.

“Ayos naman po. Pero wala po akong boyfriend,” sagot naman niya sa tila nahihiyang tono.

“Malabo ba ang mga mata ng kaklase mo, Ate Ems? Sa ganda mong ’yan,” hindi naman makapaniwalang sambit ni Flame.

“May mga nanliligaw naman po. Pero wala po kasi akong napupusuan sa kanila.”

“I see. Malay mo naman. Baka sa Clarkson Academy mo rin makita ang lalaking nakalaan para sa ’yo,” sabat naman ni Papa.

Sa pagkakataong ’yon ay nilingon ko na sila. Ginawaran ng matamis na ngiti ni Papa si Mama habang tila nagniningning ang kanyang mga mata. Si Flame naman ay hindi napigilan ang mapabungisngis habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

Marahas akong napabuga ng hangin. Kulang na lang ay magkorteng puso ang mga mata nila nang dahil sa paraan ng pagtitig nila sa isa’t isa.

Pero kahit korni man sa paningin ang pagiging sweet ng mga magulang ko ay wala pa ring pagsidlan ang kasiyahan na nararamdaman ko dahil alam ko kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. Bukod sa masiguro ko ang kaligtasan nila ay wala naman akong ibang hiling kung hindi ang maging masaya sila.

“Si Kuya po ba hindi n’yo tatanungin?” nakangising sambit ni Flame dahilan para biglang malukot ang mukha ko.

“Bakit naman ako biglang nasama sa usapan?” Kumuha ako ng isang piraso ng cookies bago ko muling ibinaling ang atensyon sa harap ng TV. Ito ang ayaw ko sa tuwing usapang pag-ibig ang paksa nila. Palagi na lang akong nasisingit.

Chasing the Vampire PrinceWhere stories live. Discover now