EPILOGUE

2.7K 142 6
                                    

"ALAM mo ba kung ano ang pangarap ko?" tanong niya habang nanatiling nakatutok ang kanyang mga mata sa maliwanag na buwan na nakatunghay sa kanila.

Naramdaman niya ang paglingon nito sa kanya at ang paghagod sa kanyang mahabang buhok. "Hmm-mm. I heard it one time when you are talking to mom, your dream is to become a mother."

Mula sa buwan ay bumaba ang kanyang mga mata sa lawa na nasa kanilang harapan. Tila iyon binabalot ng mahika habang sinisinagan ng buwan.

Naroon sila sa kanilang munting paraiso at ninanamnam ang katahimikan ng gabi. Kasama si Lucas ay ilang araw silang nanatili sa probinsiya nila bago nito isinuhesiyong magtungo sila roon. Agad naman niya iyong pinaunlakan dahil nasasabik siya sa lugar.

Nakangiting nilinga niya ang katabi at hinaplos ang buhok nitong humahaba na. "Nag-iba ang pangarap ko ng pakasalan kita. Hindi ko lang basta gustong maging ina, pangarap kong maging ina ng mga anak mo, Lucas Nicholai. At salamat sa pagtupad ng mga pangarap ko." That put a smile on his face.

"I don't believe in destiny before but when I met you, I knew that you are the one for me. The one that I should spend the rest of my life with. Gagawin ko ang lahat sa abot ng aking makakaya at tutuparin ko ang mga pangarap mo. You can be greedy and ask for more, I'll be glad to give it to you in a heartbeat."

Hindi na mapawi-pawi ang ngiti sa kanyang mga labi. Napakapalad niya at minahal siya ng isang Lucas Nicholai Villarama.

Umusog siya palapit dito at isinandal ang katawan sa dibdib nito. "Tama na ang mga salita, lunod na lunod na ako, Lucas. Baka hindi na ako makahinga niyan."

He chuckled lightly and kissed her hair. Naaalala niya ang engkuwentro nila noon sa kusina ng bahay ng kanyang mga magulang. Sinabi nitong hindi ito makahinga nang higitin niya palapit.

"You don't know how frustrated I was when you call me Kuya. I wanted to wring your neck for treating me as an older brother."

"Pitong taon ang tanda mo sa akin, Kuya Lucas," panunukso ni River.

"Does it matter to you?" he asked, a little bit insecure.

River shook her head and glanced at him over her shoulder. "Hindi, wala naman sa edad ang pagmamahal. Mamahalin pa rin kita kahit dalawampung taon pa ang agwat ng edad natin."

He grinned and took a peck on her lips before standing and offered his hand to her. "Let's go inside, malamig na rito."

Agad naman iyong tinanggap ni River at nagpaakay sa kanyang asawa papasok sa bahay na salamin ang dingding.

"Gusto ko nang bumalik, Lucas," saad niya habang nakahiga na sila sa ibabaw ng kama. Nakatalikod siya rito habang nakayakap ito sa kanya, ang isang kamay ay nasa ibabaw ng kanyang tiyan.

"Are you sure?"

"Miss ko na sila, lalo na si Mama. Gusto kong bumalik kasama ka... Palaging sinasabi ni Tatay noon na lahat ng mga bagay na nangyayari ay may paliwanag at dahilan. At nakahanap na ako ng sagot kung bakit nangyari ang lahat, kung bakit pati si... Maddie nawala rin sa akin... At gusto kong makita ang bagong bahay natin." Pinanabikan niyang makita ang bahay na ipinatayo ni Lucas para sa bubuoin nilang pamilya. Sinabi nito sa kanya na buo na iyon at puwede nang tirahan. Hindi nito sinabi sa kanya noon ang pagpapatayo nito ng bahay dahil gusto siya nitong sorpresahin.

She wanted to see the house, to live there with him and spent the rest of their lives with their children.

"We'll go home." Sabay halik sa kanyang balikat.

I am home.

Nakaramdam man siya ng paghihirap, kalungkutan at pasakit ay gugustuhin pa rin niyang mabuhay. Naging masaya siya kasama ang kanyang mga magulang at si Maddie, natapos man ang mga kasiyahang iyon ang mahalaga'y naging masaya siya. May rason ang lahat kung bakit nangyari ang sunod-sunod na trahedya sa kanyang buhay. It molded her to be stronger.

May mga nawala man sa kanya ay mayroon ding dadating. She was not alone, she had her unborn child, her loving husband and the Villarama and family Sanford who made her feel welcome and loved.

She's happy that Maddie and her parents were now in a safer place. Magkakasama na ang mga ito at siya, kasama naman niya ang bago niyang pamilya.

Napatingin si River sa mga kamay nila ni Lucas na ngayon ay magkahugpong na. Nilalaro nito ang singsing sa kanyang daliri at marahang umaawit ng isang nursery rhyme na palagi niyang kinakanta noon kay Maddie. Her lips stretch in a happy and contented smile.

She was home. He was her home, her redemption, her husband and the love of her life. 

WAKAS

Damsel In Distress (Sanford Series #4) [COMPLETED]Where stories live. Discover now