CHAPTER 2

2.3K 157 1
                                    

PAGKAGALING sa apartment ni Mrs. Felimon ay dumiretso sila pauwi ni Maddie sa kanilang tinutuluyan.

Inilapag ni River kapatid sa kanilang kama at umupo sa gilid niyon. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi habang nakatitig kay Maddie na payapang natutulog. Ilang sandali niya itong tinitigan bago dumukwang at pinatakan ng halik sa noo.

Dinampot niya ang dalawang maliliit na unan at inilagay sa magkabilang gilid nito.

Tumayo siya at dinampot ang tuwalyang nakahanger bago pumasok sa maliit na banyo. Iyon ang isa sa ipinagpapasalamat niya, ang pagkakaroon ng sariling banyo. Maliit man ay mas mabuti nang meron kaysa wala.

Mabilis siyang naglinis ng katawan at pagkalabas ng banyo ay naghanap ng maisusuot.

Makitid ang espasyo ng apat na sulok ng silid na iyon. Maliban sa kama, isang upuan at maliit na lamesa ay wala na masyadong gamit sa loob. May isang kaldero, dalawang pares ng pinggan at kutsara, kung susumain ay miniminal lang ang kanyang mga pag-aaring kasangkapan sa bahay. Maging ang kanilang mga damit ay nakalagay lang sa karton.

Pagkatapos magbihis ng preskong damit ay tinabihan ni River ang kapatid sa kanilang kama dala ang pamaypay na gawa sa abaniko. Mainit sa loob ng kanilang bahay, sa ngayon ay wala siyang naitabing pera upang ipambili ng electric fan. Maging ang pambili nila ng grocery ay naubos na dahil wala siyang trabaho ng ilang araw. Mabuti nalang at bago sila umuwi ay inanyayahan siya ni Mrs. Felimon na kumain. Pinaunlakan niya ang ginang, malaking tulong iyon sa kanila. Ang natitira niyang ulam kaninang umaga na ipang-uulam niya sana ngayon ay makakain pa niya bukas. Hindi naman iyon madaling mapanis.

Simula nang mamayapa ang kanilang mga magulang sa isang road accident ay lalong naghirap si River. Sabay na nawala ang mga ito at kung 'di dahil sa kapatid niya ay sumuko na siya. Nakaligtas si Maddie sa aksidente kahit nasa loob palang ito ng tiyan ng kanilang ina.

Nang isugod ang mga magulang sa ospital ay humihinga pa ang kanyang ina at nagmakaawang iligtas ang batang nasa sinapupunan. Kahit na kakapitong buwan palang noon ni Maddie ay nabuhay ito habang tuluyang namahinga ang kanilang ina kasama ng kanilang ama.

Hindi naging madali sa kanya ang lahat, halos mabaliw siya no'n sa pag-iisip kung ano ang gagawin. Nawalan siya ng magulang at may isang sanggol siyang dapat alagaan.

Napakahirap, lalo na't hindi normal ng ilabas ang kanyang kapatid. Nagkaroon ito ng komplikasyon, may butas ang puso nito at hindi iyon maliit. Naubos ang savings ng kanyang mga magulang sa pagpapagamot kay Maddie. Nabenta ang bahay na nabili ng kanyang ama ilang buwan mula nang lumawas sila mula sa probinsiya.

Ayon sa doktor ay kailangan ni Maddie na sumalang sa operasyon para maisara ang butas sa puso nito. Subalit ngayon ay hindi pa ito maaaring maoperahan, maliit ang kanyang kapatid at mahina ang pangangatawan dahil narin sa premature baby ito, hindi kakayanin ng sanggol ang ganoon kalaking operasyon. Wala rin siyang pera para do'n, ngunit kung kinakailangan na talaga itong maoperahan ay gagawa at gagawa siya ng paraan upang makahanap ng pera. She'll do everything for Maddie, she's the only family left and she won't lose her.

Napapitlag si River ng maramdaman ang maliit na kamay ni Maddie na pumulupot sa kanyang hinliliit. Sa kabila ng lahat ng hirap ay hindi pumapalya ang bata na pangitiin siya. Maddie was her happiness.

Dumukwang ang dalaga at maingat na hinalikan ang kulay rosas na mga labi ng kapatid. Kumibot ang labi ni Maddie ngunit hindi nagising, isang munting ngiti ang sumilay roon.

"Goodnight, Maddie. Mahal na mahal ka ni Ate."

"GUSTO kong maging prinsesa, Mama," ani ng batang si River habang pipikit-pikit na nakahiga sa tabi ng kanyang ina.

Damsel In Distress (Sanford Series #4) [COMPLETED]Where stories live. Discover now