CHAPTER 19

1.9K 117 3
                                    

"ARE you okay, sweetheart?"

Sinulyapan niya ang kanyang mother-in-law na katabi niyang nakaupo sa may backseat. "Ayos lang po, Mama. Masakit lang ang ulo ko."

"You and Maddie are family, River. Always remember that. Your problem and pain are ours," dagdag nito sabay haplos sa kanyang mahabang buhok.

"Opo, Mama." She choked her sob. She doesn't want to cry again.

Nagpagiya siya kay Alessandra nang isandig nito ang kanyang ulo sa balikat nito. She took a deep breath and closed her eyes. Hindi niya namalayang tuluyan siyang nakatulog sa kanilang biyahe pauwi sa bahay ng mga Villarama.

Nagising nalang siya ng mga tapik sa kanyang pisngi.

She smiled at Alessandra who was now caressing her cheek. Sabay silang pumasok ng bahay at naghapunan. Pagkatapos ay nagpaalam siya rito at tumuloy sa kanilang silid ni Lucas.

Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi ng mahagip ng kanyang mga mata ang laruan ng kanyang kapatid. Limang araw na ang nakakalipas mula nang isugod nila ito sa ospital ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring kasiguraduhang bubuti ang lagay nito at hindi muling manganganib. Hanggat hindi nasasara ang butas nito sa puso ay patuloy itong maghihirap.

Kinuha niya ang maliit na unan ng kanyang kapatid na nasa kuna at umupo sa mattress pad na nasa isang gilid ng silid. Hinaplos ng kanyang mga daliri ang laruang nakasalansan doon kasabay nang pagdagsa ng takot, lungkot at sakit sa kanyang dibdib para sa kapatid.

Habang yakap ang maliit na unan ay humiga siya roon, ipinikit ang mga mata at tuluyang nagpatangoy sa antok at pagod.

NANG magising siya kinabukasan ay nasa ibabaw na siya ng kama at nakasuot na rin ng kanyang pantulog. Marahil ay dahil sa pagod hindi na niya namalayan ang pagdating ng kanyang asawa at ang pagbibihis nito sa kanya.

Umupo siya sa ibabaw ng kama at tumingin sa labas mula sa salaming dingding na nakahawi na ang makapal na kurtina. Uulan marahil ngayong araw dahil sa kulimlim ng kalangitan at sa malakas na hangin na nagpapasayaw sa mga puno.

Dahan-dahang bumaling ang kanyang paningin sa direksiyon ng pinto nang marinig niya ang pagbukas niyon. Ang mukha ng kanyang asawa ang bumungad sa kanya, may dala itong pagkain sa mga kamay na umuusok pa.

"Morning, breakfast in bed," anito nang makalapit sa kanya at mailapag ang dala sa bedside table, kapagkuwan ay dumampi ang mga labi sa kanyang noo.

"Magandang umaga. Wala ka bang pasok?" tanong niya habang itinatala ang mahabang buhok.

"I'll drive you to the hospital... Let me."

Umusog siya nang pausugin siya ni Lucas. Awtomatikong umunat ang kanyang bibig sa isang ngiti nang suklayan nito ang kanyang buhok at talian pagkatapos.

"I used to tie my sister's hair when I was younger... You're good to go," saad nito nang matapos.

They had breakfast in bed, though she had no appetite she still ate her food and drink the milk that her husband prepared for her.

Gaya ng sinabi nito ay inihatid nga siya nito sa ospital. Sinamahan din siya nito hanggang sa silid na inuokopa ni Maddie, naabutan pa nila ang private nurse ng bata na naroon.

Sa awa ng diyos ay stable na ang lagay nito bagaman ay kailangan pa ring i-monitor ang kalagayan ng bata. Kahapon lang ay nailabas na ito mula sa ICU at inilipat sa isang pribadong silid.

Nagpaalam ang nurse sa kanila na lalabas muna upang makapagsumiti ng report. Hindi naman daw sinumpong ang bata kagabi at payapang nakatulog. Isa iyong mabuting balita para sa kanya.

Damsel In Distress (Sanford Series #4) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon