CHAPTER 11

2K 137 3
                                    

(WARNING: This part contains strong and potentially offensive languages, highly explicit and excessive sexual activity that may be offensive or disturbing and is not suitable for young readers and sensitive individuals. You have been warned.)

PINIGILAN niya ang mga luha na tumulo mula sa kanyang mga mata. Puno ng lungkot ang kanyang dibdib dahil sa sunod-sunod na trahedyang hinaharap niya. Wala pang isang taon mula nang mamatay ang kanyang mga magulang at ngayon ay sumunod naman si Tiya Olivia.

Naroon din ang pagsisi dahil hindi niya nakumusta man lang ang matanda. Umalis siyang kasama ang mga magulang sa kanilang probinsiya at uuwi siyang mag-isa dahil sa masakit na dahilan. Sana ay pinilit nalang niya ang mga magulang noon na manatili sa kanilang probinsiya, hindi sana mawawala ang mga taong mahalaga sa kanya.

Itinuon ni River ang mga mata sa labas ng bus kung saan ang luntiang kakahuyan at mga palayan ang kanyang nakikita. Namimiss ng kanyang mga mata ang tanawing iyon at ang hangin sa probinsiya.

May tumulong luha sa kanyang pisngi ngunit agad niya rin iyong pinahiran. Hindi pa sapat ang iniyak niya kagabi, hindi man lang nabawasan ang sakit.

Nang makarating sa kabisera ay agad niyang tinungo ang bahay ng kaibigan ng kanyang Tiya Olivia. Malungkot itong ngumiti sa kanya at sa ilang sandali ay ibinahagi ang mga huling araw ni Olivia.

Bukod sa pananakit ng tuhod ay wala ng ibang ininda ang matanda. Isang umaga ay naratnan nalang ito ng kapitbahay sa loob ng silid nito at hindi na humihinga. Ang sabi ng iba ay namatay daw dahil sa bangungot ngunit may nagsasabi ring inatake sa puso ang matanda sa pagtulog.

Hapon na ng magtungo siya sa puntod ng kanyang Tiya. Muli na namang tumulo ang kanyang luha habang nagpapaalam rito. Kahit hindi sila masyadong malapit at may pagka-istrikto si Olivia ay mahal niya ito. Pinagsisihan niyang hindi man lang ito nakasama noong mga huling araw nito, mag-isa lang ang matanda hanggang sa pumanaw. Tumanda itong dalaga kaya wala itong kasama sa bahay.

Madilim na nang umuwi siya sa nabakanteng bahay. Maayos ang mga kagamitan doon na marahil ay inayos ng mga kapitbahay, o hindi lang talaga makalat si Olivia?

Naglatag siya ng banig sa sala na gawa sa kawayan at doon humiga, hindi niya kayang matulog sa kamang hinigaan ng kanyang Tiya bago ito namayapa.

River let her tears fell and curled herself in a fetus position. She needed a good cry to release all the pressure and sadness inside her chest.

Kinabukasan ay pinasalamatan niya ang mga kapitbahay na siyang umasikaso sa libing ni Olivia. Nakipagkuwentuhan din siya sa mga ito, naikuwento niya ang nangyari sa mga magulang at mga kapatid. Nakita niya ang awa at simpatya sa mga mata ng mga ito, ngumiti lang siya at nagpasalamat.

Pinuntahan din ni River ang ilog sa gitna ng gubat, marami silang ala-ala ng kanyang mga magulang doon. Kadalasan na kapag walang trabaho si Ador ay doon sila namamasyal mag-anak, ang kanyang ina naman minsan ay doon naglalaba.

Her lips stretch in a bittersweet smile with the thought of her family. Maddie was all she got now, at least she's not alone and there are good people who are willing to help them.

Napatayo si River mula sa malaking batong kinauupuan, nakatunghay iyon sa malinis na ilog. Maingat na bumaba siya upang hindi madulas, nang makababa ay agad siyang napatingala sa malaking punong nasa malapit.

"You will still do that if you'll be given a chance to go back?" Naalala niyang tanong ni Lucas nang sabihin niya ritong ang pag-akyat sa puno ang isa sa mga namimiss niya sa buhay probinsiya.

Pinuno niya ng hangin ang kanyang baga at nagsimulang kumapit sa katawan ng puno. Bata palang siya ay inaakyat na niya iyon, maliit palang iyon dati ngunit kasabay ng kanyang paglaki ay ang pagyabong ng puno.

Damsel In Distress (Sanford Series #4) [COMPLETED]Where stories live. Discover now