"Thank you, Lucas, and... and congratulations. You deserve to be happy... Maybe we could still be friends?"

He smiled at her and rose from his seat. "It's nice to see you again, Rox." Sabay lahad ng kanyang palad na agad naman nitong tinanggap. Kapagkuwan ay naglabas siya ng business card at ibinigay rito. "Phone me when you need a friend... I need to go home, my wife's waiting for me." He tapped her shoulder before going out of the café.

ISANG ngiti ang pumaskil sa kanyang mga labi nang makita si River pagkabukas niya ng pinto ng silid nila. Nakasandig ito sa headboard ng kama, katabi nito si Maddie na mukhang nakatulog na.

Lalo siyang napatingi nang makita kung ano ang ginagawa nito. Nanonood ito ng isang Disney movie sa telebisyon na pinasadya pa niyang ilagay sa loob ng kanyang silid. Hindi siya mahilig manood ng TV, subalit mula nang mag-asawa siya ay pinalagay niya iyon upang may mapagkaabalahan ang kanyang asawa habang naghihintay sa kanyang pag-uwi. She loved watching those princesses singing and dancing.

Ni hindi man lang nito napansing dumating na siya.

Marahan niyang isinara ang pinto at lumakad palapit dito. "Hey." Agad na lumipad sa kanya ang mga mata nito at napasinghap nang makita siya. Akma nitong papatayin ang telebisyon nang pigilan niya. "No, finish what you're watching. I'll take a shower first."

Lumakad siya patungo sa sofa at inilapag doon ang kanyang attache case. Hinubad niya ang mga damit at inilagay sa hamper. Nang mapasulyap siya sa asawa ay wala na sa kanya ang pansin nito at muling nakatutok ang mga mata sa pinapanood.

Napailing-iling si Lucas sa pagka-aliw at pumasok na sa loob ng banyo upang maglinis ng kanyang katawan.

Matapos makapag-shower ay pinasok niya ang walk-in closet na kanugnog lang ng banyo. He only wore his boxer before heading out of the closet.

Dumukwang siya sa kinahihigaan ni Maddie at kinuha ang bata na mahimbing sa pagkakatulog. She mumbled in her sleep adorably.

Hinalikan niya ang magkabilang pisngi ng bata bago ito inilapag sa kuna. Pagkatapos ay tinabihan ang kanyang asawa na nakatingin na sa kanya.

"Kumain ka na ba?"

He nodded his head and buried his face on her silky hair and wrapped his arms around her body.

"Uminom ka?"

"Kaunti lang. Naabutan ko sa baba si dad at Alson and I had a few drinks with them after dinner... Have you eaten? Were you waiting for me?"

"Kumain na kami kanina. Napagod ka ba sa trabaho?"

He smiled widely, she sounded like a housewife and he liked it. He loved hearing her voice and smelling her scent.

He kissed her shoulder and buried his face on her neck. She smelled like Maddie, she smelled powdery and milk.

"L-Lucas..."

"Hmm-mm." He kept on kissing her neck and runs his finger on her arm. Hinawi niya ang buhok nito at hinalikan ang likod ng tenga.

"A-ang TV, papatayin ko muna..."

He heaved a deep sigh when she pushed him. Pinakawalan niya ito at inilatag ang katawan sa ibabaw ng kama. He watched her stand up and turned off the flatscreen TV.

"Come here," he muttered and offered his arms to her. He groaned when she bit her lip before climbing to bed. He wanted to taste those lips so bad.

Agad niya itong pinaunan sa kanyang bisig nang makasampa ito. Tinabing niya ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha nito at hinaplos ito sa pisngi.

Damsel In Distress (Sanford Series #4) [COMPLETED]Where stories live. Discover now