RBW II: Fortune Teller

Start from the beginning
                                    

Samantala ang babaeng nakaitim na hood ay tinawag na "Kae" ng isang lalaking nagngangalang Silver. Nginitian ito ni Kae na binalikan ng tingin ang barko.

"Anong meron sa barko? " si Silver ng makalapit kay Kae.

"Nasa barko ang bukas " si Kae na humagikgik , ikinailing naman iyon ni Silver. Mahina talaga siya sa pagkuha ng mga ganoong salita.

"Halika na,  hinahanap na tayo ni Boss " si Silver na hinawakan na sa kamay si Kae , mula sila sa Black Phantom, kilalang bihasa sa pagnanakaw ng mga mamahaling bato na ibinebenta sa black market.

Siyam silang bumaba sa Isla Deokman, sa iba't-ibang barko sila bumaba para di sila mabilis makilala ng kung sinoman lalo pa at mainit sila sa mga assasin na papatay sakanila.

Sa paglayo ng barko na kinasasakyan nila Lyra sa Isla Deokman hindi niya mapigil ang sarili na isipin ng isipin ang sinabi ng babaeng manghuhula.

"Honeybabe , magmamahal kapaba ng iba bukod sakin? " si Lyra na ginapang sa kama si Crescent na nakasandal sa headborad at may binabasa na naman.

"Bakit mo nasabi yan? alam mo na naman na binulag mo na ko " si Crescent na saglit sinulyapan si Lyra na nakasimangot kaya nangingiti siya.

"Alam mo kasi honeybabe, may nagsabi samin na babae na may mamahalin daw yung lalaking mahal ko na iba,  pero sa totoo hindi ko alam kung ako ba o si Alice ang kinakausap niya  "Niyakap ni Lyra si Crescent , kinuha niya ang libro nito at itinapon kung saan.

"Pumapatol ka sa hula Lyra?  "natatawang hinalikan ni Crescent sa noo si Lyra.

"Sabi ko tawagin mo kong honey ! " naggalit-galitan si Lyra sabay kurot sa pisngi ni Crescent.

"Ho -- ho " si Crescent ..

"Ituloy mo ! sisikmuraan kita ! " natatawang niyakap pa lalo ni Lyra si Crescent.

"Kapag may ibang babaeng umagaw sayo uubusin ko yung buhok niya at ibabagsak ko siya sa kumukulong tubig pagkatapos tatadtadin ko siya ng pinong- pino! " 

Natawa lang si Crescent sakanya at tinuktukan siya ng mahina.

"Totoo yun ! o kaya magpapakamatay ako kasi sinaktan mo yung damdamin ko ! " si Lyra na hinalikan ng mabilis si Crescent sa pisngi at nginitian ito , for sure naman na hindi siya nito ipagpapalit.

"Di mo ko ipagpapalit , kasi patay na patay ka sakin !" si Lyra, ngumiti naman si Crescent ng husto.

"Aminin mo dali , sabihin mo Lyra patay na patay ako sayo " -- Lyra ^____^

"Sssshhh.. kunin mo yung binabasa ko baka madumihan " turo ni Crescent sa libro niya.

"Sasapakin na kita ! dalian mo sabihin mo ! " 

RBW II: THE EVIL HALF(Under the papermoon) FIN.Where stories live. Discover now