Part 1

9 0 0
                                    

" Nali! Ano pa bang ginagawa mo dyan? Halikana't me-make upan ka na! Jusko tong batang to ilang oras nalang mag sisimula na ang event! " Sigaw sa'kin nang P.A ko na si Rita.

" Que? Sandali lang Ate Rita, Di pa nag rereply sa'kin si Mico eh. Kainis naman! " Nagdadabog kong sagot sa kanya habang naka busangot ang mukha. Mico naman kasi! Nasan ka na ba? Alam mo namang may event ako ngayon di ba? Nasan ka na ba love. haaaaays.

" Nali naman, mamaya mo na alalahanin yung jowa mo, unahin muna natin tong show, okay? Promise ko sayo, pag nakita ko si Mico mamaya pauupuin ko agad sa upuan na pina assign mo sa kanya okay? Wag na matigas ang ulo okay? Nakakahiya sa mga make up artist mo oh nag hihintay na sayo pati di mo ba nakikita? Busy na yung iba sa pag hahanda tapos ikaw naka tunganga pa. " Nilingon ko sya at sa may likoran nya, oo nga, nandun yung mga make up artist kong nakatingin lang sakin. Tinignan ko rin yung mga tao paligid, nakita ko yung kapwa model ko na busy na sa pag hahanda. 

Huminga ako nang malalim tsaka ngumiti " Leon, " pag tawag ko sa make up artist ko " Ayusan nyo na ako nina Marie at Jex " patungkol ko sa mga asistant nya.

 Haaaaaay mabuti naman te at di ka na nag matigas, ma HB natong si Ate mo Rita " he joke. For 5years Leon Romulo was the one who always make my glam. Pinsan sya ni Ate Rita na P.A ko. Kahit kailan di nila ako iniwan at binigo simula nang pasukin ko ang pagmo-modelo.

Nang matapos nya akong ayusan tinignan ko ang itsura ko sa salamin, tsaka lang nag sink in sakin na wedding dress collection pala tong aatenan kong event. Like, Nali gano ka kabangag ngayon? Leche kasing Mico to! Mabuti nalang maganda ako suot tong Tea lenght Knee dress na humahapit saking katawan with my silver stiletto heels. Pinatayo ako ni Leon at iniharap sa kanya.Pinapikit nya ako at sinuot nya sakin yung Silver Veil to match my outfit saka nya ako iniharap ulit sa salamin.

Narinig kong napasinghap silang lahat. Bakit? Anong nangyari? " Can I open my eyes now? " Sarkastiko kong tanong sa kanila kaya natawa sila.

 Go on, open your eyes now sweetie " sagot sakin ni Leon. Kaya dahan-dahan kong inimulat ang aking mga mata, dahilan para mapasinghap akong naka tingin sa salamin. Hinawakan ako ni Leon  sa balikat habang nakatingin sa salamin. "  Ganyan ka swerte ang mapapangasawa mo Nali " sabi nya habang nakangiti sakin, tinignan ko rin sila Ate Rita sa likod nakita kong nakangiti na rin sila sakin. 

 Ang ganda mo talaga! Pag nakita ka ni Mico siguradong mas maiinlove sayo yun! " gatong ni Ate Rita. " Handa ka na ba ? ilang minuto nalang pipila na kayo sa platform " tumango naman ako sa kanya saka huminga nang malalim. Kaya ko to! Di ako kakabahan! Dadating yung mahal ko! May tiwala ko sa kanya. 

Sakto namang tinawag na kaming mga modelo at pinapila sa platform nang organizer. "  Alam nyo naman na yung cue di ba ? first verse nang kanta saka papasok, Yllana at Jergen, bantayan nyo part nyo kung kailan kayo papasok lalo ka na Jergen, ikaw yung mas mauuna kaysa kay Yllana. "  nagka tinginan kami ni Jergen nang sandali saka nya ako inirapan. Pinabayaan ko nalang at nag focus na di ko alam kung makakapag focus pa ba ako kasi hanggang ngayon wala pa yung boyfriend ko hahays.

Nagsimula na yung tugtog at mga ilang  sandali pa nagsimula nang rumampa yung ibang model. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Hindi ko naman to first time. Tinawag na si Jergen at nakita kong kinuha nang isang singer yung kamay nya at pina ikot sya. Naka ngiti silang bumitaw sa isa't-isa, rumampa na si Jergen saka umikot nang nakataas ang nuo. Binuksan nya ang belo nya at matamis na ngumiti. Pinadausdos nya ang kamay nya sa may slit nang gown saka sya umikot, is that even appopriate na gawin sa wedding gown? Bahala sya sa buhay nya.

Nung ako na ang tinawag dahan-dahan akong rumampa nang may maliit na ngiti sa labi wala sya, bago pa masira nang tuluyan yung mood ko suminghap ako saka taas noong lumapit sa singer na hiningi yung kamay ko at buong galak ko namang binigay ito, pinaikot nya ako saka hinatid sa unahan nang stage saka ito umalis. 

Tinaas ko yung belo saka ako malumanay na umikot at ngumiti sa lahat. Nakita kong puno nang pag hanga sa mata ng mga tao. Tinawag nang host ang kilalang designer pagkatapos tinawag ang lahat nang modelo. Lumapit sa akin ang kilalang designer at nakipag kamay.

  First of all I would like to express my gratitude to you all  people for supporting my works, and thank you to these beautiful lovely models for trusting this event. Words can't explain how thankful I am specially when God granted my wish that Miss Yllana Alonzo will accept this project. " ngumiti sya sakin at ngumiti naman ako sa kanya at nag bow bilang pasasalamat "  And thank you to my organizers for exerting effort to make this event wonderful, and lastly thank you so much lord for making this event possible. THANK YOU "  nang matapos na ang speech nya dahandahang umalis yung mga models at kami nalang dalawa naiwan sa intablado for taking pictures at interview.

Matapos ang event tinulangan ako ni Ate ni Rita mag bihis, papaalis na kami nang may nakalimutan ako sa dressing room. 

 Ate Rita, nakalimutan ko yung pouch ko sa vanity table ko. Teka lang kukunin ko lang. " paalam ko sa kanya. 

 Ako na, mauna ka na sa van baka pag nakita ka pa nang mga reporters pagka guluhan ka ulit. " aalis na sana sya nang hawakan ko yung balikat nya "  Ako na ate sandali lang ako, tsaka wala nang reporters kanina pa sila umalis  mauna ka na sa van" hindi ko alam kung bakit may nag uudyok sakin na ako dapat ang kumuha nang pouch ko. Para hindi na sya maka angal inunahan ko na syang umalis.

Nang nasa harapan ko na yung pintuan nang dressing room kung san kami kanina pinag make up parang nanginginig pa yung kamay ko, idagdag mo pa na akong nalang ang tao sa palapag na to. Dapat pala si Ate rita nalang yung pinakuha ko eh tae naman oh. Binuksan ko na yung pinto at naglakad papunta sa vanity table. Kinuha ko yung pouch ko nang may naririnig akong ungol malapit sa may naka talikod na salamin kung saan ang tukador ni Jergen kanina.

Lumapit ako at sumilip na sana hindi ko ginawa.

Mi'AmoreWhere stories live. Discover now