章 24

262 9 5
                                    


"Thank you for inviting me."


Bati ko naman agad kay Yuze at Adah nang makita ko agad sila sa entrance pa lang ng restaurant nila. Yumakap pa si Adah sa akin, nakakatuwa lang. Si Yuze naman ay nakangiti lang din habang nakatingin sa aming dalawa ni Adah. Mag-isa lang ako ngayon dahil isa lang din naman ang nakalagay sa invitation, tama lang 'yon. 


"Anytime! Ikaw lang?" Tanong naman ni Adah sa akin.


"Uhm." Tumango ako.


"Hala, bakit? Patingin invitation?" Sabi naman ni Adah.


"Uh, Ac asked me just to put one e." Sagot naman agad ni Yuze.


"Ay, ganon ba? Kj naman ni Ahya." Umiling na lang si Adah. "Sige, feel free to eat. Thank you for coming!" Sabi naman nito at tinapik na 'ko sa braso.


Agad din naman akong naghanap nang mauupuan, nandito lang ako sa isang sulok. Medyo nahihiya hiya pa 'ko dahil wala nga 'kong kasama tapos wala pa 'kong kilala rito, panigurado 'yon. Maya maya ay sumingkit ang mata ko nang makita ko ang pamilyar na lalake sa may entrance kasama ni Doctora Viviana pati Jaxon.


Si Justin...


Nang magtama ang tingin namin, agad naman siyang kumaway at napangiti, ganon lang din naman ang ginawa ko. "May kasama ka?" He mouthed. Agad naman akong umiling, he raised his hand, giving me a signal to wait. Bumulong naman siya kay Doctora Viv at tumango na lang 'to.


"Bakit andito ka rin?" Tanong ko.


"Same question, miss." Natawa siya nang bahagya.


"They invited me." Sagot ko sa kaniya. "Ikaw? Kaibigan ka ba ni Sir Jaxon?" Tanong ko naman sa kaniya. 


"Hey," Natawa siya. "Boyfriend siya ni Ate." Sagot niya naman.


"Hala," Natawa ako duon, napahiya ako e. Kaya pala familiar 'yong surname niya, okay, may sense na ngayon. "Kapatid mo si Doctora Viv? Grabe, okay." Nahihiya kong sabi at natatawa pa 'ko.


"Uhm." Tumango na lang siya habang nakangiti pa rin. "Buti nga may oras ako ngayon at hinila lang ako ni ate na sumama. Buti pala sumama ako, nandito ka rin pala." Dagdag niya habang sinasandal ang siko sa lamesa.


"Dapat nagpahinga ka na lang e."


"Ah, ayaw mo 'kong nandito? Ang sama naman ng pagkatao mo, miss."


"No, no, hindi. Hindi ganon." Tawa ko. "I mean, kasi diba sabi mo wala ka nang oras para sa sarili mo ganon, so dapat nagpahinga ka na lang since mukhang galing ka pang duty." Dagdag ko.


"Ayos lang 'yon, ayos lang ako." Tumango siya. "Tara, kuha tayo food?" Tanong niya naman sa akin.

Along Taft AvenueDove le storie prendono vita. Scoprilo ora