章 5

318 11 0
                                    


"Ate, ate, ate Iv! Can you do this for me?" 


Laking gulat ko nang makita ko si Iva na nakaupo sa may higaan ko abang inaabot ang notebook niya sa akin. Jusko, ang aga aga. Ayaw ko guluhin si Mama at Papa. Kaya hangga't kaya ko, gagawin ko. Katatapos ko lang maligo ayon agad ang bubungad sakin. Maganda umaga sa inyong lahat, ganito na ang buhay ko simula nung grumaduate ako ng kolehiyo. 


Sobrang hirap pala kapag nagtatrabaho ka na, lalo na ngayon, halos ilang buwan pa lang ako sa kompanyang pinapasukan ko. Sobrang laki pa naman non, pero wala akong ibang choice. Mataas magpasweldo duon atsaka kailangan ko na magtrabaho.


"Teka lang, Iva." Sabi ko habang tinatanggal ang tuwalyang nakabalot sa ulo ko. "Pagbihisin mo muna si Ate." Kinurot ko ang pagkabilang pisngi niya. Agad din naman siyang lumabas ng kwarto ko.


Nga pala, graduate ako ng BS HMR (Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management) at isa akong Hotel Receptionist ngayon sa isang malaking Hotel dito sa Manila. Pangatlong buwan ko pa lang na nagtatrabaho duon at halos lahat ng tao duon ay kasundo ko na, hindi ako nahirapan mag-adjust.


Sinuot ko na ang uniform namin, simple lang 'to pero ang lakas ng dating. Black and Gold ang tema ng Hotel kung saan ako nagtatrabaho. Casual business attire kung tatawagin ang uniform namin. Ito ay dark cream na formal dress na hanggang tuhod at mayroon din kaming suot na Black coat with Chinese collar. Inayos ko na rin ang buhok ko into bun, ganon kasi talaga ang kailangan sa hotel atsaka ako nagmake-up nang kaonti at nagsuot ng kaonting jewelries na mayroon ako. Paglabas ko ng kwarto atsaka naman akong nagheels at bumaba. 


"Ayan na pala si Ate." Bungad ni Mama sa akin, napatingin tuloy ako sa relong suot ko. Medyo maaga siya nagising ngayon ha, mukhang may pasok ata siya ngayon. "Kumain ka muna. Ang ganda ganda mo, para ka talagang anak ng foreigner!" Sabi niya habang inaayos ang collar ng coat ko.


"Kakain ako nang sandali lang, ma. Anong oras na rin kasi." Napasulyap ako sa relo ko. "Wala ka bang pasok?" Tanong ko sa kaniya.


"Meron." Sagot niya sakin. Ang trabaho naman ni Mama ay Airline Receptionist, iisa lang ang may-ari ng pinagtatrabahuhan namin.Ganon kayaman ang pamilya na 'yon.


Kumain na 'ko nang mabilis, pagkatapos naman ay tinulungan ko na si Iva sa assignment niya at buti mabilis natapos at nakaalis ako ka-agad. Dala dala ko ang lumang kotse ni Papa tuwing papasok ako sa trabaho, mas tipid nga naman. Gastos lang nang ka-onti sa gas.


"Good morning, Kat!" Bati ko sa katrabaho ko pagkababa ko ng sasakyan, sabay lang kaming dumating e. Siya ang pinakaclose ko dito sa trabaho, unang araw pa lang ng trabaho, magkavibes agad kami e. Medyo marami na siyang kaibigan dito nung una pa lang, kaya kaibigan niya, kaibigan ko na rin.


"Good morning, Ivory!" Yumakap siya sakin. Inakbayan niya 'ko nang maglakad na kami papasok ng Hotel. Tumingin ako sa relo ko, 7 am na pala. Sakto lang ang dating naming dalawa. 


Pagkarating ko, bigla namang nagvibrate ang aking cellphone. Ito ay text lang pala galing kay Mama, nagpapasundo siya sa airline, pumayag naman ako duon. Nagsimula na ang trabaho namin, hindi rin nagtagal nakita ko na ang mamahaling kotse ng CEO ng Hotel na 'to. Apo nga pala siya ng may-ari nito, inshort sila sila lang din ang humahawak nito at iba pa nilang Business.

Along Taft AvenueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon