章 23

236 9 0
                                    


"Ang dami namang pakulo nung ex mo." 


Pagsiko ni Kat sa akin nang makaupo na kami sa couch dito sa luob ng room ni Papa. Bumuntong-hininga ako at ginawa ang sarili kong komportable ang sarili ko para kumalma ako kahit onti. Bakit ba kasi ayaw niyang patahimikin 'yong buhay ko? Ginugulo pa niya, pilit ko na ngang bumangon.


"Hindi ko siya ex." Sagot ko kay Kat. "Hindi nga naging kami." Dagdag ko.


"Uy, pinagsisisihan." Tumawa naman si Kat.


"Ewan ko sayo." Napailing na lang ako duon. 


Lumipas ang isang oras, aalis na ulit ako kasama si Kat. Nang makababa kami sa lobby ng Hospital, andon si Justin. May kausap na Doctor din, mukhang pauwi na rin siya dahil may bag na nakasabit sa likod niya e.


"Hindi ka man lang magpapaalam?" Bulong ni Kat.


"Baliw ka ba?" Kumunot ang noo ko at tumingin ako kay Kat.


Nang makalabas kami ng Hospital, nag-antay lang kami ng masasakyan papunta sa Taft. Duon kasi muna kami ni Kat tatambay, malapit lang din naman sa Hotel. Pinag-iisipan ko pa rin kasi 'yong resignation na binigay ni Sir Jaxon e.


"Iv!" Boses ni Justin.


Napabuntong-hininga ako nang marinig ko 'yon, dahan dahan naman akong tumingin patalikod. Tumatakbo siya papalapit sa amin, si Kat naman humawak na naman sa braso ko. Basta talaga may pogi, natataranta 'tong babaeng 'to. 


"Uy, Doc!" Sabi ko at tumaas pa 'ko ng kamay.


"Uwi na kayo? Tara, sabay na kayo sa akin!" Pag-aaya niya.


"Uh, hindi pa. May pupuntahan pa kami sa Taft, diba, Kat?" Sabi ko naman at sumulyap pa 'ko kay Kat, para naman sumagot siya at hindi maging awkward.


"Uy, tamang tama! Duon pa naman ang punta ko. Tara na, sabay na kayo." Sabi naman ni Matthew.


"Tara na kasi, Iv. Tipid pamasahe rin 'yan." Sabi naman ni Kat. Napakawalang hiya talaga nitong babaeng 'to, nakakahiya talaga kasama 'to, jusko.


"Ayon naman pala e, tara na!" Sabi ni Justin at naglakad na papunta sa parking. Sumunod na lang naman kami ni Kat.


"Gago ka talaga no?" Bulong ko kay Kat.


Nauuna siyang maglakad sa akin at hila hila lang niya ang kamay ko, talaga naman 'tong babaeng 'to. Nang makita namin ang kotse ni Justin, alam na alam na rin na mayaman din 'to. Luxury Car din, hindi ko lang alam 'yong pangalan.


"Sorry, medyo magulo." Sabi niya pagkasakay namin sa likod ng sasakyan niya. "Wala na 'kong oras mag-ayos pa ng kotse." Dagdag niya naman.


"Okay lang, Doc! Pogi ka naman!" Tawa ni Kat.


Along Taft AvenueWhere stories live. Discover now