章 13

219 14 0
                                    


"Sinasabi mo lang 'yan dahil lasing ka." 


Sagot ko naman sa kaniya. Hindi ko alam kung ano gusto niyang iparating, pero bahala siya kung ano man 'yon. May mga kaibigan pa 'kong kailangan balikan sa Bar, jusko talaga. Parang pinaglalapit kami ng tadhana, nakakabwisit.


"Exactly! Dahil confident ako pag lasing. Baby...." Sabi niya naman habang nakapikit pa rin, bakit naman kasi nilasing 'to nang sobra? Talaga naman.


"Ang dami mong sinasabi. Aalis na 'ko." Sagot ko naman sa kaniya.


"Kayong mga babae, ewan ko ba sa inyo. Tatanggapin niyo 'yong mga binibigay naming aksyon tapos, pagkatapos non i-tataboy niyo lang kami no? Palibhasa kasi 'di niyo nararamdaman kung ano man ang nararamdaman namin e." Sabi niya habang tinuturo turo pa 'ko. Oh, bakit parang ako pa may kasalanan ngayon? Iba talaga nagagawa ng alak sa mga tao, tingnan niyo. Ang daming sinasabi nito.


"Magpahinga ka na." Ayon na lang ang nasabi ko.


"Ganiyan mo ba talaga ako ka-ayaw?" Mahina niyang sabi. "Nakakainis naman. Bakit kasi hindi ako kasing gwapo at successful gaya ng mga pinsan ko? Pero, okay lang. Piloto naman na 'ko." Dagdag niya naman.


"Hindi tayo pwede." Sagot ko.


"Ano pang ginagawa ng salitang laban sa diksyunaryo? Kung ayaw mong ipaglaban kung anong nararamdaman mo, edi ako na lang." Sabi niya at tumawa pa nang bahagya. "Baby, please? Bebi..." Pangungulit niya sa akin.


"Puro ka ganiyan, hindi mo nga sigurado kung ano nararamdaman mo para sa akin. Aalis na 'ko, babalikan ko pa mga kaibigan ko." Sabi ko naman sa kaniya, ayan. Nasabi ko na rin ang matagal ko nang gustong sabihin sa kaniya.


"Hindi ba obvious? Corny mo naman." Sagot niya sa akin. "Sige na, umalis ka na. You're taking advantage of my situation right now e." Dagdag niya at umiling pa.


"Ang gulo mo talaga." Sabi ko atsaka ako lumabas na 'ko ng kwarto niya. Tahimik akong bumaba, baka kasi kung ano isipin ng mga tao rito. Never ko pang nakikita ang magulang niya, kaya hindi ko alam kung makakasalubong ko sila ngayon o ano. Sana na lang hindi.


Nang makabalik ako sa lugar kung saan kami kanina, 'yong mga kaibigan ko bagsak na sa couch. Tulog na. Nakita ko ang bill sa lamesa at buti naman bayad na. Kala ko, ako pa pagbabayarin ng mga 'to e, eh naaya lang naman talaga ako. Nang tumingin ako sa lamesa ng mga Jiraanan, andon pa rin sila. Umiinom, kumakain, at nag-uusap usap.


"Tara na. Moo, Tom, gising!" Sabi ko habang tinatapik ang dalawa. Si Kat, tulog na tulog. Wala nang pag-asa pa 'tong magising sa kakatapik ko. Iaakbay ko na lang siya sa akin para ma-isakay siya sa kotse. 


"Sakit ng ulo ko." Lasing na sabi ni Moo, nakahawak pa sa ulo niya.


"Tara na." Pag-aya ni Tom kay Moo. Inalalayan nila ang isa't isa habang palabas kami ng bar. Nang makarating kami sa kotse, isinakay ko na si Kat sa shotgun seat. Tapos 'yong dalawa sa may likod naman, parehas na ring tulog.

Along Taft AvenueWhere stories live. Discover now