章 16

206 11 0
                                    


"Anong nangyari?!" 


Napaayos kami ng upo ni Atlas nang marinig namin ang boses ni Mama habang papasok ng pinto. Lumapit siya agad kay Ivan at hinawakan 'to sa kamay habang nag-aantay ng sagot sa amin. Nabigla rin siya nang makita niya si Atlas, tumayo siya nang maayos at kumalma.


"Cap, nandito ho pala kayo." Bati niya kay Atlas.


"Pag nasa labas ho tayo ng airport, ayos lang ho na hindi niyo ako tawaging Cap." Nakangiting sabi ni Atlas.


"Bakit ka nandito, Sir?" Tanong ni Mama sa kaniya.


"Magkasama ho kami ni Ivory kanina." Sagot niya naman. "Sinundo namin si Ivan sa school. Pero maaga pa ho nanh i-hatid siya sa amin ng teacher niya dahil masama nga raw ho ang pakiramdam at mataas ang lagnat." Paliwanag naman ni Atlas kay Mama..


"Ah ganon ba? Pasalamat na lang talaga. Salamat." Sabi ni Mama.


"Mauuna na ho ako." Tumayo si Atlas kaya napatayo na lang din ako. "Una na 'ko." Mahina niyang sabi sakin at tumango na lang ako.


"Ingat, anak." Paalam ni Mama sa kaniya at napangiti na lang siya, tumingin pa sa akin at mukhang nang-aasar pa.


Nang makalabas siya, agad namang umupo ang nanay ko sa tabi ko."Ano mo si Cap? Anak ni Captain Sanchez 'yan." Sabi sa akin at siniko pa 'ko.


"Ma..." Napabuntong-hininga ako. "Mag... magkaibigan. Magkaibigan lang kami." Sagot ko kay Mama.


"Siguraduhin mo lang ha! Hindi tayo makakapantay sa pamilya nila." Sabi niya sa akin, pero hindi naman siya mukhang galit. 


"Alam ko, ma." Tumango na lang ako.


Napagdesisyunan na lang namin na si Mama na lang muna ang magbantay duon, umuwi na lang muna ulit ako para makapagpahinga. Nang makauwi ako, sakto lang na may matanggap akong email galing sa Hotel na makakabalik na raw ako bukas. Nakahinga naman na 'ko at buti makakabalik na 'ko. Hindi ko lang alam kung paano haharapin ang mga tao duon, pero diba dapat wala na silang pakielam duon? Mga tao nga naman.


Kinabukasan ay maaga akong bumangon para maaga rin akong magising. Pagkatapos kong maghanda, kumain na 'ko agad atsaka ako umalis. Nang makarating ako sa Hotel, pumasok agad ako sa headquarter namin at kumpleto 'yong tatlo duon. Nagulat ako nang tumayo sila at niyakap ako. 


"Uy, ano ba kayo!" Sabi ko sa kanila. 


"Namiss ka namin!" Sabi ni Moo.


"Hindi kumpleto pag wala ka, pag walang masungit!" Sabi ni Tom.


"Talaga naman." Natatawa kong sabi.


"Best friend." Sabi ni Kat sa akin, ayon lang ang sinabi niya at wala nang sumunod.


Nang binitawan nila ako sa pagkakayakap, nakita ko naman si Kat na maluha luha na. "Uy, bakit? Para ka namang tanga!" Sabi ko at niyakap ko siya.

Along Taft AvenueWhere stories live. Discover now