章 6

291 11 2
                                    


"Aalis na kami, Ma. Ihahatid ko na si Ivan." 


Paalam ko bago kami lumabas ng bahay, isang linggo na simula nung nakausap ko si Atlas. Hindi ko lang alam kung nakabalik na siya ng Manila. Iba talaga pag mayayaman, pabakasyon bakasyon na lang. Pero hindi rin naman natin sila masisi dahil may pera sila e.


Day-off ko pala ngayon, ganon na ang nangyayari kapag day-off ko. Ako na ang naghahatid kay Ivan, minsan umuuwi ako agad, minsan naman ay tumatambay muna ako sa labas. Pero kadalasan kasi mas gusto kong sa bahay lang.


"Alis na si ate. Sunduin kita mamaya." Sabi ko kay Ivan bago siya papasukin sa classroom niya. 


"Ate." Sinenyasan niya 'kong bumaba, kaya bumaba naman ako kasing level niya. Nanlaki ang mata ko nang humalik siya sa pisngi ko. "Thank you, ate." Sabi naman niya.


Ginulo ko ang buhok niya at napangiti na lang ako. "Walang anuman." Sagot ko sa kaniya, nang makaupo na siya lumabas naman na 'ko ng school niya at tumambay muna sa sasakyan. Titingnan ko kung saan ako pwede pumunta. Malapit lang sana para hindi sayang sa gas.


Aatras na sana ako pero pagkatingin ko sa rear-view nakita ko si Atlas. Kinabahan ako bigla, kailangan ko rin ibalik sa kaniya 'yong thirty thousand dahil 20k lang naman kailangan ko para sa tuition ng kapatid ko. Agad kong pinatay ang sasakyan at agad akong bumaba. 


"Atlas!" Pag-tawag ko sa kaniya kaso hindi ata ako narinig. Nakaearphones e.


Tumakbo na lang ako para mahawakan ang braso niya, para naman makita niya 'ko. Nang magawa ko 'yon, napatingin siya sa hawak ko bago mapatingin sakin. Napangiti naman nang makita ako, pero may halong gulat.


"Ay, sorry." Nataranta kong sabi habang binitawan ang braso niya. Mukhang nang-aasar 'yong tingin niya sakin e.


Hinubad niya ang earphones na suot niya at pinatay ang music sa cellphone, nag-aantay na magsalita ako.


"Uh, are you free today?" Tanong ko sa kaniya, naiilang ako kaya kung saan saan ako tumitingin.


"Are you asking me out? for a... date?" He chuckled a bit. Kumunot naman ang noo ko agad nang marinig ko 'yon, mali bang tanungin siya? Eh, gusto ko lang naman ibalik 'yong pera.


Pero, pwede ko ibalik 'yong pera ngayon. Bakit ko pa siya tinanong? Jusko, Ivory.


"Ay, uh.." Nalilito kong sabi.


"Yes, I'm free." Sabi niya habang nakatingin sa relo niya. "Do you want to have... coffee? breakfast?" Tanong nito.


Tamang tama, naghahanap pa naman ako ng mapupuntahan habang naghihintay para kay Ivan. Kaso bakit parang masisira lang araw ko kung ito 'yong kasama ko? Bahala na nga.


"Okay lang." Sagot ko.


"I can drive." Tumingin siya sa kotseng dala ko.

Along Taft AvenueWhere stories live. Discover now