章 11

219 12 0
                                    


"Bakit mo sinabi 'yon?"


Galit kong tinanong sa kaniya at binawi ko ang sarili ko sa pagkakahawak niya. Nasa may garden kami ngayon, lumabas ako at bigla siyang sumunod. Nakakahiya sa pamilya niya dahil alam kong hindi ako nababagay duon.


"I... I just said it! Ano bang mali duon?" Natataranta niyang sabi sa akin.


"Ano na lang sasabihin ng pamilya mo, Atlas? Na.. na na-inlove ka sa isang worker niyo sa Hotel? Jusko." Sabi ko at napasapo na 'ko sa noo ko.


"Can you just please calm down! My cousins will not judge you, kung 'yon man iniisip mo." Sagot niya sakin. 


"Nakakapangsisi naman na pumunta pa 'ko dito." Bulong ko sa sarili ko.


"Ikaw lang naman nag-iisip ng mga 'yan. Inuunahan mo lahat." Sagot niya sakin. 


Bumalik na kami sa luob, 'yong mga pinsan niya andon pa rin sa may sala pero 'yong parents and grandparents naman ng Jiraanan ay nandon na sa may garden sa likod, naghahanda para sa simple celebration nila.


"Sorry about that, may emergency lang." Sabi ni Atlas.


"Are you good?" Tanong naman ni Yuze bigla.


"Uhm." I nodded.


"You know these two right? Jaxon and Doc Viviana?" Tingin ni Atlas sa akin at tumango na lang ako. "Ako na sunod, pangatlo ako samin magpipinsan." Dagdag naman niya. "This is..."


"Zach Jiraanan Cojuangco, miss." Pinutol naman niya ang sinabi ni Atlas at kusang nakipag-kamay sa akin. Napailing ang isang lalaking nakaflannel at mukhang naiirita na.


"Oh, Zach." Tumango ako nang mabagal at nakipag-kamay nang mabilis.


"Your hands, dude." Sabi ni Atlas at hinampas nang bahagya ang kamay ng pinsan niya. "Ang dami dami mo nang babae, wag ka na manguha." Dagdag nito.


"Sean. I'm sorry about my brother's behavior, he's an asshole." Sabi naman nito at nakipag-kamay pero saglit lang din naman.


"Okay lang." Nahihiya kong sabi, ang awkard ko!


"Kailangan pa ba talaga magpakilala? Wala naman tayo sa school." Sabi nitong nakaflannel at may hoop earrings na lalaki, ay ang sungit! Pogi pa naman. "I'm not bad, I'm just straight forward." Sabi nito at tumingin sakin. "Jin, Ahya Jacques' brother." Sagot niya at nakipag-kamay.


"Ah, okay. Sorry." Tawa ko nang bahagya.


"Kennedy. You can call me Ken or Jayden or Jay. Whatever you want." Sagot naman nito at nakipag-kamay din. "You look pretty." Tumaas baba pa ang kilay niya.


"Oh, thank you Ken." Sagot ko sa kaniya at binawi ko rin naman agad ang kamay ko. "Kapatid ka ba ni Zach?" Tanong ko, napansin ko lang sa ugali pati sa itsura.

Along Taft AvenueWhere stories live. Discover now