章 9

242 14 0
                                    


"Anong oras tapos ng shift mo today? Ganon pa rin?" 


He asked before biting his burger. Napagdesisyunan naming kumain dito sa Burger King malapit sa Hotel, para iba naman. Burger naman daw. Ewan ko ba, sa susunod hindi ko na alam kung saan kami kakain, kung may susunod pa ba rito.


"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.


"Gusto kong malaman." Sagot niya naman na parang wala lang.


"Ayaw ko nga. You're invading my privacy too much." Tinaasan ko siya ng kilay.


"Wow? How'd you say so?" Maangas na tanong niya sakin. 


"During... work hours, para kang stalker. Tapos, imbis na maglunch ako with my workmates, ginugulo mo 'ko." Sabi ko naman sa kaniya.


"Ginugulo, sumasama ka naman." He smirked a bit, tumawa pa nga nang bahagya. Minsan, nakakainis talaga mukha nito e. Laging nakakainis 'yong ugali niya.


"Eh, anong gagawin ko? Tanggihan kita? Hindi ako marunong tumanggi." Sagot ko sa kaniya, hindi ko alam kung anong sinasabi ko pero ayos na 'yan. "I mean... basta." Iritado kong sabi.


"Pansin ko lang no, tuwing nadudulas ka sa sinasabi mo lagi kang nagsasabi ng I mean. Baliw ka ba?" Nagtataka niyang tinanong sakin, nakahawak pa sa baba niya. Ang kapal ng mukha nito para tawagin akong baliw ha! 


"Ikaw ang baliw!" Sagot ko sa kaniya.


"Baliw na baliw sayo." Seryoso niyang sabi. Lumaki naman ang mata ko nang marinig 'yon, pakiramdam ko ring uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Ano ba 'yan, parang highschool kung bumanat! "Ba't ka kinikilig?" Nakangiting tanong niya.


"Ang kapal ng mukha mo no? Anong kinikilig. Hibang ka ba?" Balik ko sa kaniya. "Masiyado namang mataas tingin mo sa sarili mo." Sabi ko sa kaniya, umirap pa 'ko nang bahagya.


"Oo, kapag ikaw kasama ko mataas talaga tingin ko sa sarili ko." Sagot niya sakin. Narealize ko na, pinopoint-out niya pala 'yong height ko duon. "Oh, kung ano mang iniisip mo, ikaw lang nagiisip niyan." Sabi niya sakin.


"Ewan ko sayo." Sagot ko naman.


After eating, bumalik na agad ako sa Hotel at sa trabaho. Nagulat ako nang umupo siya sa may couch at nagcellphone. Maya maya naman biglang may pumasok na babae, wait. Siya 'yong girlfriend ni Sir Jaxon na nag-approach sakin nung party. She was wearing her coat, ang linis tingnan. Pagkapasok niya, napansin naman agad siya ni Atlas kaya tumayo 'to para lumapit. Nagbesuhan pa ang dalawa, siguro normal na sa kanila 'yon. 


"Bakit ka andito?" Tanong ni Sir Jaxon, hinawakan pa si Atlas sa may balikat.


"Kikitain ko si Ahya." Sagot naman ni Atlas, may iba pa pala siyang pakay bukod sa akin dito. Baka nagpapalipas oras lang kaya dumaan siya dito.


Along Taft AvenueWhere stories live. Discover now